Kabanata X

525 14 4
                                    

Continuously...

"Yna..."Gulat na sambit ni Mira nang makita ang kanyang Yna.
"Ashti..."Sambit ni Kahlil.
"Magpaliwanag kayo!Lalo ka na,Lira!"May tonong sambit ni Pirena sa kanila.
"Yna,nagseseryoso naman po kami eh!Ang kasi lang po kasi...kahit ni isang sigundo ay hindi kami nakakapag-pahinga..."Daing ni Mira.
"Opo nga po,Ashti...syempre po kahit isang sigundo lang naman ay makapag-pahinga kami...isa pa...hindi kami maaaring kumain hanggat hindi kami natatapos sa page-ensayo..."Daing naman ni Kahlil.Napatingin naman si Pirena sa gawi ni Lira.
"Ikaw Lira?"Tanong ni Pirena.
"Matagal niyo nang alam ang aking dahilan,Ashti...kaya't kung maaari ay huwag niyo na siyang ipa-alalang muli!'Pagkat hindi niyo alam ang pakiramdam kung paano mawalan ng isang Yna nang maraming beses!"Sumbat ni Lira kung kaya't sa hindi inaasahan ay na-sampal siya ni Pirena kung kaya't agad siyang dinaluhan ni Kahlil.
"Hindi namin kayo pinalaki nang walang-galang upang kami ay iyong sumabatan!"Galit na sambit ni Pirena.
"Ano pa,Ashti!?Nais mo pa akong saktan!?Sige!Gawin mo!Tutal d'yan naman kayo magaling hindi ba!?"Sa!bit naman ni Lira.
"Ideya tama na..."Nagmamaka-awang sambit ni Kahlil habang pinipigilan ang nagpupumiglas niyang Ideya Lira.
"Anong kaganapan ito!?"Biglang tanong ng kakarating lang na Hara ng Lireo kasama si Danaya at Ybrahim.Si Ybrahim naman ay kaagad na dinaluhan ang kanyang anak.
"Pagsabihan mo ang iyong anak,Ybrahim!Hindi ko na nais pa ang kanyang pag-uugali!"Sermon ni Pirena Kay Ybrahim.
"Batid nating lahat ang dahilan,Pirena!At HINDI mo iyon maaalis sa kanya!"Pangangatwiran ni Ybrahim habang yakap-yakap ang ngayo'y tumatangis pa ring si Lira.
.
.
.
.
.
Samantala naman sa Livea ay naisilang na ni Amihan ang kanyang arksha.

"Isang malusog at napaka-kisig na sanggol,Mahal na Reyna..."Nakangiting sambit ni Mayka habang pinagmamasdan ang sanggol sa mga bisig ni Amihan.
"Tunay ang iyong sinambit,Mayka..."Nakangiting Tugon naman ni Amihan."Napaka-kisig mo aking anak...hawak mo na ang aking puso...AYEL..."Nakangiting dagdag pa ni Amihan.
"Avisala,Rehav Ayel...Maligayang pagdating sa Encantadia!"Pagbati ni Mayka na siyang ikinatuwa naman ng lahat nang naroroon sa silid.Natutuwa man sila sa pagdating nang kanilang munting rehav ay agad naman iyong nawaglit sa wangis ni Amihan nang umihip ang hangin na tila ba may ipinahihiwatig."Mahal na Reyna...may problema po ba?"Nag-aalalang tanong ni Mayka.
"Mayka...ikaw na muna ang bahala rito at sa aking si Ayel...may patutunguhan lamang ako sandali..."Pagbibilin ni Amihan habang ibinibigay ang kanyang sanggol na nahihimbing sa kaniyang punong dama.
"Masusunod..."Sambit ni Mayka at tsaka yumukod.Kasabay naman nito ay ang paglaho ni Amihan upang maglakbay patungong Lireo gamit ang kanyang kakayahang mag-evictus.
.
.
.
.
.
Samantala sa Lireo ay patuloy pa rin sa pagtangis si Lira sa kanilang silid ni Mira.Ang mga Sang'gre naman ay nagtungo na sa kanilang silid kung saan naabutan nila si Amihan na nakatalikod na lubha nilang ikinagulat.

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon