Kabanata V

572 16 0
                                    

Pagpapatuloy.....

Sinundan nga ni Mira ang kanyang pinsang si Lira sa lugar na alam niyang doon patutungo ang kanyang pinsan.

"Sinasabi ko na nga ba't dito ka patutungo..."Biglang sulpot na kanyang sambit sa likuran ni Lira.Dahilan upang gulat na mapalingon sa kanya ang kanyang tumatangis na pinsan.
"M-Mira?"Gulat na sambit ni Lira nang makitang si Mira ang nagsalita sa kanyang likuran kanina.
"Lira...wala ka nang maitatago sa akin..."Sambit ni Mira at kanyang inakay si Lira upang mahagkan ang kanyang pinsan.
"Mira...sana lang talaga ay maibalik ko ang lugar na ito..."Sambit ni Lira tsaka tumalikod sa kanyang pinsan at pinagmasdan ang kagubatang mayroong nakatagong lugar.
"Lira...batid kong balang araw ay matutupad ang iyong nais...ngunit sa ngayon...kailangan na muna nating magtungo sa Sapiro upang ika'y makapagpahinga na..."Payo ni Mira sa kanyang pinsan tsaka niya ito inakay upang maglaho na pabalik ng Sapiro.Nang marating nila ang Sapiro ay agad silang dumiretso sa silid ni Lira."Magpahinga ka na,Lira..."Sambit niya sa kanyang pinsan na humiga na sa kama nito.
"Mira...'wag mo akong iiwan ha?"Parang paslit na sambit ni Lira sa kanya kung kaya't napapatawang napatango nalang siya tsaka niya hinalikan ang noo ng kanyang pinsan dahilan upang mahimbing na ito.
"Lubos akong naaawa sa iyo,Lira...sana lang talaga ay magbalik na si Ashti..."Naluluhang sambit niya habang hinihimas niya ang kamay ni Lira na hawak niya.Matapos niyang gawin iyon ay iniwan niya muna ang kanyang pinsan upang makapagpahinga ito na maayos at mapayapa.

Samantala naman sa Devas ay pinagmamasdan nina Amihan,Mine-a,Raquim,Armeo,Mayne at ng Mahal na Emre ang nagaganap sa Encantadia.

"Tila may bago na namang suliranin ang mga diwata..."Sambit ni Armeo tsaka lumingon sa Bathalang Emre.
"Tama ka,Armeo..."Pagsang-ayon naman ni Raquim na tinugon pa ng dalawang diwata at sapiryan.
"Kailangan nilang malaman ang dahilan ng mga bagong nangguulo...bago pa mahuli ang lahat..."Sambit naman ni Mine-a.
"Hindi pa naman huli ang lahat,Yna...'liban na lamang kung hindi magpapakilala ang mga nanggugulo at ibigay ang kanilang dahilan kung bakit nila ito ginagawa..."Pagsingit ni Amihan sa usapan habang nakatanaw pa rin sa mga nagaganap,kung kaya't napatingin ang lahat sa kanya.
"Paano mo naman nasabi?"Tanong sa kanya ni Mayne.
"Sa sitwasyong ito...hindi pa talaga huli ang lahat...'pagkat kapag hindi sila umamin at nagbigay ng kanilang dahilan...HINDI lamang ISA ang masasaktan..."Sagot niya tsaka nilisan ang lugar kung saan sila palaging nagtutungo upang tanawin ang mga nagaganap sa Encantadia at pati na rin sa kani-kanilang mga pamilyang naroroon.
"May punto ang inyong anak,Mine-a at Raquim..."Pagsang-ayon ng Mahal na Emre sa sinambit ni Amihan kanina.
"May panibagong misyon na naman po ba siya?"Tanong ni Raquim dahilan upang tumango si Emre tanda na 'OO' ang sagot ng kanilang bathala.
"Pababain ko siyang muli sa Encantadia...sa oras na manggulo muli ang mga iyon ay tsaka ko siya muling pabababain..."Sambit ng Mahal na Emre tsaka nagtungo sa lugar kung nasaan si Amihan upang masabihan niya ang diwata ng tungkol sa kanyang bagong misyon.
"Makakasama nang muli ni Amihan ang kanyang mga kapatid at ang kanyang Anak..."Nakangiting sambit ni Mayne sa kanyang mga kasama.
"Maging ang aming anak na si Ybrahim..."Dugtong naman ni Armeo sa sinambit ng kanyang kabiyak.
"Napapaisip rin kami ni Raquim...kailan kaya tutuparin ng Mahal na Emre ang kahilingan ni Amihan?"Sambit ni Mine-a na ikinakunot ng noo ng mag-asawang Armeo at Mayne.
"Ano ba ang kanyang kahilingan?"Tanong ni Mayne.
"Ang makabalik ng muli ng Encantadia...hindi bilang isang Ivtre kundi bilang isa ng nabubuhay na nilalang...ng sa ganoon ay makasama niya ng muli ang kanyang mga apwe...ang kanyang anak na si Lira...at ang kanyang iniibig na si Ybrahim..."Pagpapaliwanag ni Raquim.
"Isa pa...nais na naming manumbalik ang mga ngiting kay tamis masilayan sa wangis ng ATING apong si Lira..."Dagdag ni Mine-a.
"Tama kayo...maging kami ay nangungulila na sa mga ngiting nawaglit sa ating apong si Lira..."Naluluhang sambit ni Mayne.

Samantala naman sa gawi ng Mahal na Emre at ni Amihan...Taimtim na nakinig si Amihan sa mga ipinaliliwanag sa kanya ng Mahal na Emre.

"Ano,Amihan?Pumapayag ka ba?"Tanong ng Mahal na Emre kay Amihan.
"Mawalang galang na aming bathala...ngunit...maaari po bang bigyan niyo muna ako ng sapat na oras nang sagayon ay mapag-isipan ko ng masinsinan ang aking desisyon?"Hiling ni Amihan.
"Oo naman...basta't alam mo na kung saan ako hahanapin kung sakaling may desisyon ka na..."Pagpayag ng Mahal na Emre tsaka tinapik ang balikat ni Amihan at nilisan ang bukana ng Devas.
"Gustong-gusto ko na silang makasama...ngunit paano ang aking pamilya rito?Ang Ada...si Ado...ang mga magulang ni Ybrahim na itinuring ko na ring parang totoong magulang..."Naluluhang sambit ni Amihan sa kanyang sarili.
"Huwag mo kaming intindihin,Amihan..."Biglang sulpot ng kanyang mga magulang kasama ang mga magulang ni Ybrahim kung kaya't gulat siyang napatingin sa mga ito.
"K-Kanina pa ho ba kayo?"Tanong ni Amihan habang pinupunas ang kanyang mga luhang muntik-muntikan nang lumandas sa kanyang mga pisnge.Lumapit muna sila sa kanya bago sagutin ang kanyang katanungan.
"Huwag mo kaming alalahanin,Anak...magiging maayos lamang kami rito...isa pa...hindi ba't iyon naman ang iyong nais?Ang mabuhay muli at makasama ang iyong pamilya?Ang iyong mga kapatid...ang iyong mga hadia...si Lira...lalo na si Ybrahim..."Payo ng kanyang Yna.
"Ngunit,Yna...nais ko rin kayong makasama..."Pag-angal ni Amihan.
"Ngunit MAS kina-kailangan ka nila kaysa sa amin,Amihan...kailangan nila ng iyong tulong upang malutas na ang lahat ng mga problemang kanilang kinahaharap...isa pa...nais na rin namin manumbalik ang mga ngiting nawaglit sa wangis ng iyong anak simula ng iyong muling paglisan..."Sambit naman ng kanyang Ama.Napa-buntong hininga na lamang si Amihan...nais niyang makasama ang kanyang mga magulang ngunit batid niyang kailangan rin siya ng kanyang mga kapatid at ng kanyang pamilya sa Encantadia...
"Hindi ka namin minamadali,Amihan...pag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon...'wag kang magpa-dalos dalos..."Mahinhing sambit ni Mayne habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"Ito ang tatandaan mo,Amihan...ano man ang iyong maging desisyon...SUSUPORTAHAN ka namin...narito lamang kami parati sa iyong tabi..."Sambit naman ni Armeo tsaka sila ngumit sa diwata bago nila nilisan ang bukana ng Devas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:Ang hirap mamili...

Tanong para sa araw na ito...

Sa tingin ninyo...SINO ang pipiliin ni Amihan?

A.Ang kanyang mga magulang sa Devas
B.Ang kanyang mga kapatid at pamilya sa Encantadia

Comments and Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon