Kabanata 23:Pagpapa-ubaya

781 25 5
                                    

Lumipas ang 1 Linggo.....

Hindi pa rin sumuko ang mga Diwata at Sapiryan ang paghahanap kina Amihan at sa Livea.

"Hanggang ngayon hindi pa rin natin nahahanap ang Livea!"Sabi ni Ybrahim habang naglalakad sila patungong bulwagan.Hanggang sa makarating na sila,agad namang umakyat sa trono si Danaya.
"Ginawa na natin ang lahat ngunit wala pa rin!Ginamit na rin natin ang plauta ni Amihan!"Sabi naman ni Alena.
"Ngunit...kung sakaling matunton natin sila at makuha natin sila...gagawin niyo pa rin ba ang nakaraan?"Tanong ni Danaya at umiling sila.
"Nangako na ako sa aking sarili na kung maibalik sila sa atin ay mas lalo ko nang bibigyan ng oras ang aking anak!"Sabi ni Pirena.
"Ganoon din ako!"Pagsang-ayon ni Ybrahim at tumingin sa kanya si Alena.
"Ybrahim baka nakakalimutan mo!Hindi lamang si Lira ang anak mo!Anak no rin si Khalil!"Sabi ni Alena.
"Hindi ko naman nakakalimutan iyon,Alena!Ngunit anak ko rin si Lira!"Sabi ni Ybrahim.
"Tama na ang inyong pagtatalo!Walang naitutulong iyan!"Pagsuway ni Danaya at tumahimik na sila.Nang biglang dumating si Amihan kaya agad silang lumapit.
"Amihan!Mabuti at tinugon mo ang aming pagtawag!"Nagagalak na sabi ni Pirena.
"Hindi ako narito upang tumugon sa inyong pagtawag!"Seryosong sabi ni Amihan na ipinagtaka nila.
"Kung ganoon bakit ka narito?"Tanong ni Alena.
"Nakita nina Lira at Mira ang nagaganap kaya kahit hindi nila kayo naaalala ay nais nila kayong pagbigyan!"Sabi ni Amihan na ikinatuwa nila."Ngunit!May limitasyon ang inyong pagkikita!Bago kumagat ang dilim kukunin ko na sila!"Sabi ni Amihan at tumango sila.
"Avisala Eshma,Amihan!Hindi mo alam kung gaano mo kami pinasaya!"Sabi ni Pirena at niyakap niya si Amihan na gumanti rin sa yakap.
"Avisala Eshma!"Pagpapasalamat naman ni Ybrahim at niyakap niya si Amihan ng gumanti rin sa yakap.Nakaramdam naman ng selos si Alena.
"Tama na!Nasasayang ang oras!"Sabi ni Amihan tsaka kumalas at inilabas na ang mga diwani.
"Yna!"Magkapanabay na sabi nila at niyakap si Amihan.
"Mag-iingat kayo!"Sabi ni Amihan at tumango sila tsaka siya naglaho.
"Lira!Mira!"Sabay-sabay na sabi nila at niyakap nila ang mga diwani ngunit si Alena ay nakatayo lamang.
"Avisala!"Magkapanabay na sabi ng dalawa tsaka yumukod.
"Nagagalak kami na makasama kayo!"Natutuwang sabi ni Danaya.
"K-Kami rin!K-Kahit hindi namin k-kayo k-kilala!"Sabi ni Lira at ngumiti ng pilit.
"M-Maaari ba kaming maglibot?"Tanong ni Mira at tumango sila tsaka lumisan ang dalawa sa bulwagan.
"Kahit hindi nila tayo naaalala ang mahalaga ay nakasama natin sila!"Nakangiting sabi ni Pirena at tumango sila maliban kay Alena na seryoso.

Habang nakarating naman sina Lira at Mira sa isang silid at may narinig silang tumatangis kaya pumasok sila.Pagpasok nila ay nakita nila ang isang paslit.

"Ano't ika't tumatangis?"Tanong ni Mira.Ngunit hindi sumagot ang paslit sa halip ay ipinakita nito ang kanyang sufat na agad namang ginamot ni Lira.
"Avisala Eshma!"Pagpapasalamat ng paslit at tumango sila.
"Maaari ba naming malaman ang iyong 'ngalan?"Tanong ni Lira.
"Ako si Khalil!"Pagpapakilala ng bata at natulala naman si Lira.Tila ba kilala niya ang 'ngalan na iyon.
"K-Khalil?"Sabi nila at tumango si Khalil ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Alena.Agad namang lumapit si Alena kay Khalil.
"Anong ginawa niyo sa aking anak?!Bakit siya tumatangis?!"Galit na tanong ni Alena at itinulak niya si Lira.Agad namang dinaluhan ni Mira si Lira kasabay ng pagdating ni Ybrahim na dinaluhan din ang dalawa.
"Alena?!Bakit mo sinasaktan si Lira?!"Galit na tanong ni Ybrahim.
"Ybrahim pinapaiyak nila si Khalil!"Dahilan ni Alena tsaka tumayo sina Lira at Mira.
"Naabutan namin siya na tumatangis!Magpasalamat ka nga dahil ginamot pa ni Lira ang sugat niya!"Galit na sabi ni Mira.
"Ganyan naman kayo hindi ba?!Hindi marunong magpasalamat!Imbes na magpasalamat nananakit pa!"Galit na singhal ni Lira at hinila niya si Mira palabas.Sinamaan naman ng tingin ni Ybrahim si Alena.
"Ama!Sini sila?Bakit ngayon ko lamang sila nakita?"Sunod-sunod na tanong ni Khalil kay Ybrahim.
"Mamaya ko na sa iyo ipapaliwanag!Ang mahalaga ay makapagpasalamat tayo sa kanila!"Sabi ni Ybrahim at umalis kasama si Khalil.Naikuyom naman ni Alena ang kanyang kamay.
"PASHNEA!!!"Galit na sigaw niya.

Balkonahe.....

Nakaratin sa balkonahe sina Lira at Mira.Natulala naman si Lira 'pagkat tila alam niya muli ang lugar na iyon.

"Eirene?Bakit...parang pamilyar sa akin ang lugar na ito?"Takang tanong ni Lira.
"Hindi ko alam,Cassandra!Ngunit ang mahalaga ay malapit ng kumagat ang dilim!Makakabalik na tayo kay Yna!"Sabi na lang ni Mira.
"At kahit anong mangyari hindi na tayo babalik dito!Sakit lang ang ginagawa nila sa atin!Sila na nga ang tinulungan sila pa ang magagalit!"Sabi ni Lira at tumango si Mira.Nang dumating sina Ybrahim at Khalil.
"Lira?Mira?"Pagtawag ni Ybrahim.Agad namang lumingon ang dalawa.
"Nais ko lang po sanang magpasalamat sa ginawa niyo sa akin at nais kong humingi ng 'tawad sa ginawa ng aking Yna!"Sabi ni Khalil.
"Walang Anuman,Khalil!"Sabi nila.
"Ako nga pala si Cassandra at siya ang aking kapatid na si Eirene!"Pagpapakilala ni Lira sa kanilanf dalawa.
"Pero...ang sabi ni Ama ikaw si Lira at siya naman si Mira!Ang sabi rin ni Ama kapatid kita!"Sabi ni Khalil na ikinakunot ng noo ng dalawa.
"Kapatid?Poltre,Khalil!Ngunit...wala ng ibang kapatid si Casaandra maliban sa akin!Isa pa...Hindi Lira at Mira ang aming mga 'ngalan!"Sabi ni Mira.
"Maaaring nagkakamali lamang po ako!Nawawala po kasi ang aking Ideya at ang aming pinsan!"Malungkot na turan ni Khalil umupo naman si Lira ng sa ganoon ay makapantay niya si Khalil.
"Kung nasaan man sila ngayon...nasisiguro kong masaya sila!"Sabi ni Lira at niyakap niya si Khalil.Na agad namang kumalas 'pagkat dumating si Amihan.
"Yna!"Magkapanabay na sabi ng dalawa at niyakap si Amihan na gumanti rin ng yakap.
"Avisala,Amihan!"Pagbati ni Ybrahim at nginitian lang siya ni Amihan.
"Ashti?"Tanong ni Khalil.
"Poltre!Celestia ang aking 'ngalan!At narito ako uoang kunin na sina Cassandra at Eirene!"Sabi ni Amihan at tumango sila tsaka sipa nagtungo sa bulwagan.

Punong Bulwagan.....

Nakarating na sila sa punong bulwagan kung saan naroon sina Danaya at Pirena.

"Amihan!K-Kukunin mo na ba s-sila?"Tanong ni Danaya at tumango si Amihan.
"Tapos na ang oras na ibinigay ko!"Sabi ni Amihan at tumango sila.At sa huling pagkakataon ay niyakap nila sina Lira at Mira na gumanti rin sa yakap.
"Avisala Meiste!Hanggang sa muli nating pagkikita!"Pagpapaalam ni Pirena.
"Paalam!"Pagpapaalam naman nila at sabay-sabay na naglaho ang tatlo.

May hindi pagkakaunawaan sina Alena at Ybrahim.
Maaayos pa ba nila ito?
Makakasama pa ba nilang muli sina Lira at Mira?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon