Kinabukasan.....
Napagpasyahan nina Amihan at Ybrahim na mamasyal kasama sina Lira at Mira ng sa ganoon ay makapagsaya naman sila.
"Yna!Halika!Samahan mo kami!"Pag-aaya ni Lira na sinang-ayunan naman ni Mira.
"Kayo na lamang muna,Cassandra!Mamaya na lamang ako!"Sagot ni Amihan at tumango na lamang ang dalawa tsaka lumangoy sa ilog.Hindi namalayan ni Amihan na palihim palang umahon si Ybrahim kung kaya't nagulat na lamang siya ng may yumakap sa kanya mula sa likuran at basang-basa.Gulat na napalingon si Amihan at nakita niya si Ybrahim na napakalaki ng ngiti."YBRAHIM!!!"Sigaw ni Amihan.Agad namang tumalon sa ilog si Ybrahim at nilublob ang sarili upang hindi siya makita ni Amihan."Humanda ka kapag ika'y aking nakita!"Pagbabanta ni Amihan at lumusong na rin sa batis.Wala na rin siyang magagawa 'pagkat basa na siya.Agad siyang lumoblob sa tubig at lumangoy upang hanapin si Ybrahim.Hindi na kinaya ni Ybrahim kung kaya't umahon na siya kasabay rin ng pag-ahon ni Amihan.Napangisi naman si Amihan habang si Ybrahim ay kinilabutan.
"A-Amihan"Kinikilabutang sambit ni Ybrahim.
"ASHTADI!"Sigaw ni Amihan at binasa si Ybrahim ng tubig na siyang dahilan upang lumublob muli si Ybrahim.Nagtaka naman si Amihan 'pagkat hindi pa umaahon si Ybrahim.Nagulat na lamang siya ng may yumakap sa kanya patalikod.
"Ashtading MAHAL mo!"Pang-aasar ni Ybrahim.Agad namang kumalas si Amihan at humarap sa kanya.
"At sinong nagsabing MAHAL kita?!"Tanong ni Amihan.Hindi nila napansin na wala na pala ang dalawang diwani.Ayon din naman kasi sa usapan nila ni Ybrahim.
"IKAW!"Sagot ni Ybrahim at ngumiti ng nakakaloko.Aalis na sana si Amihan ngunit hinawakan ni Ybrahim ang kanyang mga kamay."El Correi Diu..."Sambit ni Ybrahim at marahang hinalikan si Amihan na tinutugon din nila.HALIK na puno ng PAG-IBIG.Lireo.....
Nakatanaw sa balkonahe si Danaya habang tumatangis.Sa ganoong sitwasyon siya naabutan ni Aquil.
"Hara"Pagtawag nito.Agad namang pinunasan ni Danaya ang mga luhang naglandas sa kanyang pisnge tsaka humarap kay Ybrahim.
"Aquil"Sagot niya.Lumapit naman si Aquil sa kanya.
"Ano't ika't tumatangis?"Tanong ni Aquil.
"Hindi ako tumatangis,napuwing lamang ako!"Palusot ni Danaya ngunit hindi naniwala si Aquil.
"Danaya hindi ba't sinabi ko sa'yong kapag may problema ka ay narito lamang ako upang iyong maging karamay...TANDAAN mo 'yan,Danaya!"Paalala ni Aquil at tumango na lamang si Danaya tsaka sila nagyakapan.Sapiro.....
Gabi na ng makalisan sina Amihan sa tabing ilog kung kaya't napagpasyahan na lamang nila na sa Sapiro muna sila tutuloy.
"Rama?May nais sana kaming itanong at hilingin sa iyo!"Sabi ni Lira habang sinusuklayan ni Amihan ang kanyang buhok.Habang si Mira naman ay nakaupo lang sa tabi niya 'pagkat tapos na siyang masuklayan.
"Ano naman iyon?"Tanong ni Ybrahim.
"M-Maaari ka b-ba naming t-tawagin ni E-Eirene na...A-Ama?"Nauutal na tanong ni Lira.Siniko naman siya ni Mira.Si Amihan naman ay napatigil sa pagsusuklay kay Lira.
"Oo naman!Maari!"Pagpayag ni Ybrahim na lubhang ikinatuwa ni Lira kaya agad siyang tumayo at yumakap kay Ybrahim.
"Avisala Eshma.....Ama!"Pagpapasalamat ni Lira."Yna!Eirene!Sali kayo!"Pag-aaya ni Lira.Agad namang tumayo si Mira at sumali sa yakap.Habang si Amihan ay pinagmamasdan lamang sila.
"Sige na!Magpahinga na kayo!"Sabi ni Ybrahim at humiga na ang dalawa.(A/N:Magkatabi po sila).Bago umalis ay hinagkan muna nila ang dalawa at pagkatapos ay nilisan na ang silid.Silid ni Ybrahim.....
Nang makarating sila sa silid ay kaagad na humiga si Amihan habang si Ybrahim at tinititigan lamang siya.
"M-May problema b-ba?"Tanong ni Amihan pero umiling lang si Ybrahim tsaka tumabi sa kanya at tinitigan siyang muli."Y-Ybrahim?"Takang sambit niya.
"Maaari ba?"Tanong ni Ybragim na ipinagtaka niya.
"Ang ano?"Takang tanong niya.Marahan naman siyang hinalikan ni Ybrahim na siyang tinutugon niya din ngunit agad din naman siyang bumitaw.
"Ybrahim...'wag masyadong magmadali..."Sambit ni Amihan.
"Nais ko lang namang sulitin ang araw na ito..."Paliwanag ni Ybrahim.
"Batid ko...nais ko rin namang sulitin ang araw na ito...ngunit 'wag naman sanang masyadong...AGRESIBO..."Sambit ni Amihan.Hindi na lamang nagsalita si Ybrahim bagkus ay hinagkan na lamang siya nito sa noo tsaka tumalikod sa kanya."P-Poltre..."Tumatangis na sambit niya tsaka tumayo sa kanyang pagkakahiga at nilisan ang silid.Balkonahe....
Nakatanaw si Amihan sa nasasakupan ng Sapiro habang naglalaro gamit ang kanyang kapamgyarihan.Iginuhit niya mula dito ang kanyang pamilya...kasama si Ybrahim.
"Malapit nang matapos ang paghihirap ninyo mga,diwata...kaonting tiis na lamang...mawawala na ako..."Malungkot na turan ni Amihan at hinawi na ang kanyang iginuhit mula sa kanyang kapangyarihan.Kinuha niya ang kanyang plauta at ito'y kanyang pinatugtog.Makalipas ang ilang sandali ay tumigil siya."Ito na ang huling pagkakataon na maririnig ninyo ang tinig ng aking plauta..."Sambit ni Amihan at tuluyan nang itinago ang kanyang plauta.
"Mahal na Sang'gre..."Pagtawag ni Alira na lumapit sa kanya.
"Alira..."Sambit niya.Nginitian naman siya ni Alira.
"Huwag mo sanang mamasamain ang aking itatanong...narinig kasi kita...kaya nais kong malaman ang ibig mong sabihin na 'MALAPIT NANG MATAPOS ANG PAGHIHIRAP NG MGA DIWATA'?"Sambit ni Alira.
"Huwag mo ng isipin iyon,Alira...Ngunit ngayon pa lamang...nais kong ibilin sa iyo si Ybrahim!Alagaan mo siya...sa tuwing may labanan na magaganap ay 'wag mo siyang lalayuan...hindi ko nais na masaktan siya..."Bilin ni Amihan.
"Makakaasa ka,Mahal na Sang'gre..."Pagsang-ayon ni Alira at nagyakapan sila.Kailan ninyo nais magtapat si Alena tungkol kay Kahlil?
Kailan ninyo nais may maganap kina Amihan at Ybrahim?Comment & Votes!!!
Huling 1-3 Kabanata.....
Susunod na pagdagdag ng Kabanata:Huwebes
Oras:5:00 P.M.ABANGAN!!!
Huling 3 kabanata!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...