Nasa Lireo ngayon sina Ybrahim at Amihan para sa balita ni Pirena.Sila ay kumakain ngayon.
"Ano nga ba ang balita mo,Pirena?"Tanong ni Amihan at uminom.
"Nagdadalang diwata ako!"Masayang sabi ni Pirena na ikinagulat ni Amihan kaya naibuga niya ang iniinom niya."Amihan naman!"Reklamo ni Pirena.
"Poltre!Nagdadalang diwata ka?!"Sabi ni Amihan at tumango si Pirena."Tila magiging mga Ashti na kami!"Sabi muli ni Amihan at niyakap niya si Pirena.Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan niya at uminom muli.
"Ikaw Amihan?!Kailan kami magkakaroon ng hadia sa inyo?!"Pang-aasar ni Alena at naibuga muli ni Amihan ang kanyang iniinom.
"Bakit ba kayo ganyan?!"Natatawang tanong ni Amihan."Wala pa kami sa ganyan!"Natatawang sabi ni Amihan.
"Kung wala pa kayo sa ganyan BAKIT nagliliwanag ang iyong palad?!"Sabi ni Pirena at napatigin sila sa palad ni Amihan at ito ay may marka ng bulaklak.(Naalala niyo pa ba ang eksenang 'toh?)
"Pareho lamang kayo ni Pirena!"Sabi ni Danaya at ipinakita ang palad ni Pirena.
(Poltre!Wala akong litrato)
"Tila DOBLE ang ating hadia,Danaya!"Sabi ni Alena napatingin naman si Amihan kay Ybrahim na nakangiti.
"Bakit ka nakangiti?"Seryosong tanong ni Amihan.
"Natutuwa lamang ako 'pagkat nabiyayaan tayo ni Emre ng napaka-gandang handog!"Sabi ni Ybrahim.
"Kasalanan mo 'toh!"Natatawang sabi ni Amihan.
"Hindi ka ba natutuwa na nagbunga ang inyong pagmamahalan?"Tanong ni Alena.
"Syempre MASAYA!May sinabi ba ako na MALUNGKOT ako?!"Tumatawang sabi ni Amihan."GROUP HUG!"Sabi muli ni Amihan at nag-group hug sila.Nang biglang humangin ng malakas.
"Anong nangyayari?"Takang tanong ni Aquil.
"Sapiro!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila."May nagaganap sa Sapiro na hindi kanais-nais!"Sabi ni Amihan at naglaho na sila ni Ybrahim.Sinundan naman sila ni Alena.Sapiro.....
Pagdating nila sa Sapiro ay naabutan nila ang mga sugatan at napaslang na mga kawal.Agad silang nagtungo sa bulwagan at nakita nila si Asval na nakaupo sa trono.
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...