Lireo...
Nakabalik na ng Lireo si Ybrahim na sinundan ang tatlong Sang'gre sa Livea.
"Ama!Saan ka po ba nagtungo!?Pinag-alala niyo kami!"Bulalas ni Kahlil na kasama sina Lira at Mira kay Ybrahim.
"Lumanghap lamang ako ng sariwang hangin,Kahlil..."Pagsisinungaling niya.
"Ngunit bakit hindi mo manlang kami sinama?"May pagtatampong tanong ni Kahlil.
"Kahlil...nawa'y maintindihan mo na kahit paminsan-minsan ay kailangan kong mapag-isa..."Pagpapaliwanag naman ni Ybrahim kung kaya't napatango na lamang si Kahlil tsaka naman niya ibinaling ang kanyang paningin sa kanyang nakatatandang anak."Lira...bakit hindi mo na lamang hikayatin ang iyong nakababatang kapatid na si Kahlil at ang inyong pinsang si Mira na mag-ensayo?Nang sa ganoon ay mapalawak pa ninyo ang inyong kaalaman sa pakikipagdigma..."Suhustisyon ni Ybrahim kung kaya't napatingin sa kanya si Lira.
"Kakatapos lamang naming mag-ensayo,Ama..."Walang ganang sagot ni Lira.
"Kung ganoon...maghanda kayo!'pagkat mamaya matapos kong makapag-pahinga ng panandalian ay titingnan ko ang inyong galing sa pakikipaglaban...sa Hardin tayo magsasanay...bago mag-takip silim...maliwanag ba?"Paghahamon ni Ybrahim sa mga nakababatang Sang'gre.Nais pa sanang umangal ni Lira ngunit mas pinili na lamang niya ang itikom ang kanyang bibig at sabay-sabay silang tumango.Matapos iyon ay tsaka na nilisan ni Ybrahim ang bulwagan.
"Idea Lira...anong gagawin natin?"Nangangambang tanong ni Kahlil.
"Gawin na lamang natin ang ating makakaya,Kahlil..."Payo na lamang ni Mira at napatango na lamang rin si Kahlil tsaka sila napatingin kay Lira na kanina pang tahimik."Lira...ayos ka lamang ba?"Tanong ni Mira sa kanyang pinsan.
"Hindi ko alam,Mira..."Naguguluhang sagot ni Lira tsaka nilisan ang bulwagan ng Lireo.Nagkatinginan naman ang dalawa at ipinag-kibit balikat na lamang nila ang nangyari.
.
.
.
.
.
Livea...Samantala naman sa Livea ay malumanay na nag-uusap sins Alena at Memfes.
"Kung ganoon...totoo nga ang aming hinala na HINDI lamang AKO ang iyong dahilan kung bakit ka lumisan?"Mahinhin ngunit may tonong tanong ni Alena.
"Tama ka,Mahal kong Sang'gre...'pagkat ako'y lumisan upang mangalap pa ng aming mga katribong nawalay sa amin...ngunit sa hindi inaasahang nangyari...ako'y napaslang..."Tugon naman ni Memfes na ikinagulat ng lubos ni Alena.
"Ano kamo!?Ika'y napaslang!?Sabihin mo,Memfes!Sino ang pumaslang sa iyo!?"Nagngingitngit na tanong ni Alena.
"Poltre ngunit...HINDI ko nakita ang kanyang wangis...basta't ang alam ko ay isa siyang BABAE!"Sagot ni Memfes.
"Ngunit kailangan mong sumama sa amin,Memfes...nang sa ganoon ay tumigil na sa panggugulo ang iyong mga kapwa gunikar..."Sambit na lamang ni Alena.
"Iyan ay kung papayagan ako ng aming pinuno..."Nakayukong sambit ni Memfes kasabay naman n'un ay ang pagdating mg tatlong Sang'gre.
"At bakit naman hindi kita papayagam,Memfes?"Biglang sulpot na tanong ni Amihan kung kaya't pareho silang napatingin sa kaniya."Sige na...humayo na kayo...binibigyan lamang kita ng sapat na panahon,Memfes...kapag naramdaman mong tila naninikip ang iyong paghinga ay kinakailangan mo nang magbalik dito...kung hindi...maaaring tuluyan nang dumeretso ang iyong Ivtre sa Devas!Kaya sige na..."Bilin ni Amihan kung kaya't tumayo na sina Alena at Memfes.
"Avisala Eshma,Mahal na Hara..."Pagpapasalamt ni !em!few at tangin pagtango na lamang habang nakangiti ang isinagot ni Amihan.Agad namang nagtabi-tabi ang tatlong Sang'gre at tsaka sila sabay-sabay na naglaho kasama si Memfes patungo sa Adamya.Nang makaalis naman ang mga Sang'gre at si Memfes ay tsaka naman nagliwanag ang kanyang palad tanda na malapit na niyang isilang ang sanggol na kanyang dinadala kung kaya't napasigaw siya dahil sa sakit na kanyang nadarama.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"Namimilipit sa sakit na sigaw ni Amihan na agad namang narinig ng kanyang Mashna De kung kaya't nagtungo agad ito sa kanya at inalalayan siyang makatungo sa kanyang silid kasama ang kanilang mga dama.
.
.
.
.
.
Samantala ay nakarating na nga sa Adamya ang tatlong Sang'gre at si Memfes.Agad na nagbigay pugay ang mga gunikar nang makitang kasama ng mga Diwata ang kanilang pinuno.
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...