Kabanata XIII

594 15 1
                                    

Continuesly...

Ilang sandali pa ay nakalapit na ang nilalang...isang paslit?...na tumatangis...Lumuhod naman si Lira upang makapantay ang paslit.
"Ano't ika'y tumatangis?Naliligaw ka ba?"Magkasunod na tanong ng nag-aalalang si Lira habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisnge ng paslit.
"Ang nais ko lang naman ay ang makita muli ang aking mga Ashti...at mapuntahan ang kanilang tahanan..."Tumatangis pa ring sagot ng paslit.
"Batid mo ba kung saan ito?"Tanong niya."Sandali...bago mo sagutin ang aking katanungan...Ako nga pala si Lira..."Pagpapakilala niya sa kanyang sarili.
"Ayel ang aking 'ngalan...at...Oo...alam ko kung nasaan sila nakatira...sa...L-L-Lireo...doon...iyon ang sinabi sa akin ni Yna..."Sagot naman ni Ayel na ikina-kunot ng noo ni Lira.
"Nakasisiguro ka ba sa iyong sinasabi,Ayel?'Pagkat tanging mga dugong bughaw at may matataas na katungkulan ang mga naroroon!"Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Nasisiguro ko ito..."Paniniguro naman ni Ayel.Napahinga naman siya ng malalim...
"Sige...ngunit sa ngayon ay sumama ka muna sa akin sa Sapiro...doon ako nakatira kasama ang aking Ama...bukas...kami'y magtutungo sa Lireo...ayos lang ba iyon?"Kondisyon ni Lira at tanging tango lamang ang isinagot sa kanya ni Ayel.Tumayo na siya at hinawakan ang kamay nito at tuluyan nang naglaho pabalik ng Sapiro.
.
.
.
.
.
Samantala naman sa Livea ay alalang-alala na si Amihan sa kanyang bunsong si Ayel...

"Ayel...nasaan ka na ba?"Hindi mapakaling sambit ni Amihan.Hindi niya rin mawari kung bakit hindi maabot ng kanyang kapangyarihan upang makita kung nasaan ang kanyang anak...
"Mahal na Reyna...nalibot na namin ang buong Livea at ang mga karatig na lugar nito ngunit hindi talaga namin makita ang Rehav..."Pag-ulat ni Mayka...napaluhod na lamang si Amihan at tuluyan nang tumangis...tila nakisabay naman sa kanya ang hangin at biglang humangin ng napaka-lakas...mararamdaman mo ang panghihina at pangungulila ng isang Yna sa kanyang anak.
.
.
.
.
Kinabukasan...

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon