Kabanata ll

646 18 1
                                    

Ngayo'y sinasanay nina Pirena at Ybrahim ang kanilang mga anak upang mapagtibay pa ang kanilang galing sa paggamit nito.Sa ngayon ay si Pirena ang nagtuturo kay Lira at si Ybrahim naman ang kay Mira.

"Lira ano ba?!Ano't tila napaka-tamlay mo?!Kung ganyan ka palagi ay magagapi ka kaagad ng mga vedalje!"Naiiritang sambit ni Pirena kaya pati sina Ybrahim at Mira ay napatigil at napatingin sa kanila.
"Pasensya na po..."Paghingi ng tawad ni Lira sa kanyang Ashti.
"Ano bang nangyayari sa iyo?"Tanong niyang muli sa kanyang hadia ngunit ngayon ay mahinahon na ang kanyang tono.
"Hindi ko rin batid,Ashti...nitong mga nakaraang araw...tila ba...hindi ko na nais humawak pa ng sandata?"Naguguluhang sagot ni Lira sa kanyang Ashti.
"Ano kamo?!Hindi mo na nais humawak ng sandata?!"Pag-uulit ni Pirena sa sinambit ni Lira.Marahan namang napatango ito."Lira...kung HINDI ka gagamit ng sandata...madali kang magagapi ng mga kaaway!"May tonong sambit ni Pirena tsaka hinawakan ag magkabilang braso ng hadia."Lira ito ang tatandaan mo...Tanging TALIM lamang ng iyong sandata ang makakapuksa sa mga vedalje..."Sambit ng kanyang Ashti.Kanya namang iwinaksi ang pagkakahawak nito sa kanyang mga braso.
"Hindi,Ashti!Naniniwala akong marami pang paraan upang magapi ang mga MASASAMA!"Pangangatwiran ni Lira."At dahil sa TALIM ng sandata...NAWALAY sa akin ang aking Ada!Ang aking Ada na napaslang ng dahil sa isang patalim at hindi ko nakasama ng mahabang panahon!"Dagdag pa niya at nagsimula na ngang tumulo ang kanyang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Nilapitan naman ni Ybrahim ang kanyang anak at kanya itong kinabig upang yakapin.Ngunit agad din namang pumiglas sa yakap si Lira.
"Lira..."Naiiyak na sambit ni Pirena.
"Ano pa,Ashti?!Ano pang panunumbat ang nais mong bitawan?!Sige!Sabihin mo!"Matapang na sambit ni Lira.
"Lira tama na..."Naiiyak naman na pag-awat ni Mira sa kanyang pinsan.Napatingin naman siya sa kanyang Ama na nagsusumamong tumigil na.
"Sige!Magkampihan kayo!"Galit na sabi ni Lira."Sana talaga!Hindi na lamang napaslang ang aking Yna!Ito ang tatandaan ninyo...simula ngayon...HINDI ko na kayo ituturing na PAMILYA...kalimutan niyo na ring ako si LIRA...dahil simula ngayon...ako na si CASSNADRA..."Dagdag pa ni Lira at tuluyan ng nilisan ang lugar kung saan sila nag-e-ensayo.
"LIRA!!!"Sigaw ni Ybrahim at tsaka sinundan ang kanyang anak.Kasabay naman ng kanyang pag-alis ay ang pagdating ng dalawa pang Sang'gre na labis-labis ang ngiti sa mga wangis.Ngunit kaagad ding nawala nang makitang sila'y tumatangis.
"Ano't kayo'y tumatangis?At nasaan si Lira?Si Ybrahim?"Magkakasunod na tanong ng nag-aalalang si Alena.Ngunit ni isa ay walang sumasagot sa kanilang dalawa.Kung kaya't nagtungo na lamang sila sa silid nito at nakitang nagtatalo ang mag-ama.
"Anong nagaganap rito?"Nagtatakang tanong ni Danaya at nilapitan si Lira na labis-labis ang pagtangis.Agad namang lumayo si Lira sa kanyang Ashti Danaya na ipinagtaka naman nito.
"Lira...pakiusap...'wag mo akong iwan!Ikaw na lamang ang natitirang liwanag sa aking buhay!"Pagmamaka-awa ni Ybrahim.
"Poltre,Rama...ngunit BUO na ang desisyon ko..."Tila naman sinaksak ng maraming patalim si Ybrahim ng marinig na hindi na 'AMA' ang tawag ng kanyang anak sa kanya.

Samantala naman ay tumatangis siyang nakatanaw dahil sa mga nagaganap sa kanyang mag-ama.

"Lubos akong naaawa sa kanila,Yna...lalo na sa aking anak..."Tumatangis na sambit niya sa kanyang Yna na kanyang katabi at nakatanaw rin sa mga nagaganap.
"Saklolohan mo,Amihan..."Biglang sambit ng Mahal na Emre kung kaya't parehong napatingin ang dalawa sa kanya.
"Mahal na Emre?"Nagtatakang sambit ni Mine-a.
"Pinapayagan kitang bumaba upang pag-batiin ang iyong mag-ama,Amihan..."Sambit ng Mahal na Emre na lubos na ikinatuwa ni Amihan."Ngunit hindi ka maaaring magtagal,Amihan...bibigyan kita hanggang bukas...bago kumagat ang liwanag ay dapat nakabalik ka na...kung hindi...alam mo na ang magaganap..."Dagdag pa ni Emre at tuluyan ng umalis.Humarap naman si Amihan sa kanyang Yna.
"Sige na,anak...mag-iingat ka..."Sambit ng kanyang Yna at hinalikan ang kanyang noo.Tanging pagtango lamang ang kanyang isinagot at tuluyan na nga siyang naglaho upang bumaba sa Encantadia.

Sa Lireo naman ay tuloy pa rin ang alitan sa pagitan ng mag-ama.

"Pakiusap...'wag kayong mag-away..."Biglang bulong ng isang nilalang na hindi nila batid kung saan nagmula kung kaya't lahat sila ay napatigil.
"Sino ka?!Magpakita ka!"Matapang na sigaw ni Alena at kani-kanilang ng inihanda ang kanilang mga brilyante at sandata maliban kay Lira na patuloy pa rin sa pagtangis.
"Ada..."Tumatangis niyang sambit kaya napatingin ang lahat sa kanya na nagtataka."Nandito siya..."Dagdag pa niya at kanyang pinunasan ang kanyang mga luha at naunang lumabas ng kanyang silid.Nagtataka man ay sinundan na lamang siya ng kanyang mga Ashti,ng kanyang pinsan at ng kanyang Ama.Hanggang sa makarating sila sa balkonahe ng Lireo at doon ay makita silang isang babaeng nakatanaw sa mga nasasakupan ng Lireo."Yna..."Naluluhang sambit ni Lira tsaka siya lumapit sa babae na humarap rin sa kanya.
"Lira..."Naiiyak na tugon naman ng kanyang Ynang si Amihan tsaka nila niyakap ang isa't-isa.Isang yakap na puno ng PAGMAMAHAL at PANGUNGULILA sa isa't-isa.Habang ang kanilang mga ksama naman ay hindi makapaniwala.
"Amihan..."Magkakapanabay na sambit ng 3 sang'gre matapos kumalas sa yakap ang dalawa.Sa halip na yakapin o ngitian sila ni Amihan ay tiningnan lamang sila nito ng masama.
"Lira...Mira...Iwan niyo muna kami..."Utos niya sa dalawang batang sang'gre na agad namang sumunod at nilisan ang balkonahe."Ano ang aking sinabi noon?!Hindi ba't sinabi ko na HINDI ko nais na makitang nag-aalitan kayo?!"May tonong tanong niya sa kanila.
"Amihan...poltre...AKO ang nagsimula..."Tugon ng kanyang Ideang si Pirena.
"Masakit para sa akin na nakikita kayong nag-aaway...minsan ay AKO pa ang dahilan kung kaya't LABIS akong nasasaktan...ngunit sana...inyong intindihin ang isa't-isa..."Tumatangis na sambit ni Amihan sa kanila.
"Amihan kung narito ka lamang upang ku---"Hindi pa natatapos ni Ybrahim ang kanyang sasabihin 'pagkat kaagad siyang kinontra ni Amihan.
"Hindi iyon ang aking pakay,Ybrahim!Hindi porket bumalik ako ay kukuhanin ko silang muli!"Sambit ni Amihan kung kaya't natahimik ang lahat.
"Narito ako...upang magkabati na kayo..."Sambit ni Amihan at hahakbang sana ng magsalita si Alena.
"At sino ang may sabi na tumapak ka sa Lireo?"Asik ni Alena sa kanya.
"Nagbago na ngang talaga kayo..."Sambit ni Amihan."Kakausapin ko lamang ang dalawang batang sang'gre..."Dagdag niya pa.
"Na siyang hindi namin pahihintulutan..."Pagtutol ni Ybrahim sa kanyang kagustuhan.
"May karapatan pa rin ako kay Lira,Ybrahim!Ako ang kanyang Yna!"Galit na tugon ni Amihan.
"Isang Ynang PINABAYAAN ang kanyang anak!"Sumbat sa kanya ni Ybrahim na lalo niyang ikinagalit.
"BAKIT?!SINO BA ANG MAY SALA KUNG BAKIT KO NAPABAYAAN ANG AKING ANAK?!HINDI BA'T KAYO?!INILAYO NIYO SIYA SA AKIN!NA SIYA RING ARAW NOON NA MAKIKIPAG-AYOS NA AKO SA INYO!NI HINDI NIYO MAN LANG AKO BINIGYAN NG PAGKAKATAON!"Sumbat naman niya pabalik sa kanila.Lingid sa kanilang kaalaman ay taimtim na nakikinig ang dalawang batang sang'gre na tumatangis na rin.Hindi na nila kinaya ang pagtatago kung kaya't sila'y lumabas na sa kanilang pinagtataguan.
"Yna...Ama...Mga Ashti...tama na po..."Umiiyak na pakiusap ni Mira.
"'Wag na po kayong magtalo...AKO na ang humihingi ng tawad sa aking mga nagawa..."Pagpapakumbabang sambit ni Lira.
"Ibig-sabihin ba nito ay hindi ka na lilisan?"Tanong ng kanyang Amang si Ybrahim na umaasang 'OO' ang isasagot ng kanyang anak.
"Oo..."Hindi nga siya nagkamali.'OO' nga ang isinagot ni Lira na labis niyang ikinatuwa."Ngunit..."Dagdag pa niya na ikinawala ng ngiti ni Ybrahim.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:Opps...Sa susunod na kabanata muli.....

Tanong sa araw na ito:

Ano sa tingin ninyo ang sasabihin ni Lira?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon