Kabanata VI

585 13 1
                                    

Lumipas ang mga araw...mas lalong nagiging komplikado ang pag-iisip ni Amihan tungkol sa kanyang magiging desisyon...Samantala naman sa Sapiro...nakatanaw si Lira sa balkonahe nito habang tumatangis...

"Alam mo Yna?Kung sakaling naririto ka...Siguro...Ipagtatanggol mo ako...SANA talaga...BUMALIK ka na...NANGUNGULILA na ako ng SOBRA-SOBRA sa iyo..."Tumatangis na sambit ni Lira habang nakatingin sa kalangitan.
"Lira..."Mahinang pagtawag sa kanya ng kanyang pinsang si Mira kung kaya't napalingon siya sa gawi nito.
"Mira...may...kailangan ka ba?"Tanong niya habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa kanyang pisnge.
"Nais ko sanang magpasama upang tayo'y magsanay kasama si Kahlil..."Sagot naman ng kanyang pinsan.
"Nakasisiguro ka bang isasama natin si Kahlil? Hindi ba't...paslit lamang siya?"Tanong niyang muli.
"Nagkakamali ka,Lira...binalik na nila si Kahlil sa kung ano na dapat ang edad niya...hindi na siya paslit ngayon..."Nakangiting sambit ni Mira.
"Seryoso ka ba,Mira?"Natutuwang tanong ni Lira.Tanging pag-tango lamang ang isinagot sa kanya ng kanyang pinsan.Hinawakan ni Mira ang kanyang kamay at gumamit ng evictus upang mas madaling makarating sa kinaroroonan nina Kahlil at ng kanyang mga Ashti.

Punong Bulwagan ng Lireo.....

Narating na ng dalawang diwani ang bulwagan ng Lireo kung nasaan ang kanilang pamilya.

"Lira...Mira..."Nakangiting sambit sa kanila ng kanilang Ashti Hara na si Alena.Bigla namang napalingon ang isang lalaking engkantado na ngayon lamang nasilayan ni Lira sa tanan niyang buhay.

Bigla namang napalingon ang isang lalaking engkantado na ngayon lamang nasilayan ni Lira sa tanan niyang buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Pasensya na...wala kasi akong mahanap na litrato ni Kahlil na iba...mailap kasi ang kanyang karakter sa totoong encantadia)

"Avisala,Ideya Lira..."Nakangiting pagbati ni Kahlil sa kanyang Ideya.
"K-Kahlil?...Ikaw na ba talaga 'yan?"Hindi makapaniwalang tanong ni Lira sa kanyang nakababatang apwe.
"Ako nga..."Nakangiting tugon sa kanya ni Kahlil.Wala nang sinayang pang sandali si Lira at kaagad niyakap ang kanyang kapatid na kung iyong titingnan ay tila magkasing-edad na sila.
"Hindi ko batid na ganito pala ang itsura mo kung sakaling tila magkasing-edad na tayo kung titingnan..."Hindi makapaniwalang sambit ni Lira habang hinahaplos ang pisnge ng kanyang nakababatang kapatid.
"Lira..."Pagtawag sa kanya ng kanyang Ama.Yumuko naman muna siya bago humarap kay Ybrahim."Tapatin mo nga ako,Lira...maraming mga mamamayan sa pamilihan ng Lireo ang nagsabi na nanggaling ka raw doon noong nakaraang nawala ka...TOTOO BA!?"Diretsahang tanong ni Ybrahim sa kanyang anak.
"Paano kung sinabi kong OO,Ama?"Matapang niyang tanong.
"Lira hindi ba't pinagbawalan na namin kayong magtungo sa labas ng palasyo?!"Singhal niya kay Lira."Bakit ba ang HIRAP mong pasunurin,Lira?!Napaka-tigas ng iyong ulo!"Singhal niya pa.
"Ama tama na!"Singhal ni Kahlil ngunit pinigilan siya ng kanyang Ideya.
"Nais mong malaman kung bakit HINDI ako sumusunod sa iyo?!"Matapang na singhal niya sa kanyang Ama."Ama,Nang dahil sa inyo NAWALA si Yna!"Singhal niya.
"Lira hanggang ngayon ba---"Hindi pa tapos magsalita si Ybrahim ay nagsalita na si Lira.
"Oo,Ama!"Sagot niya.
"Ideya..."Hinawakan siya ni Kahlil sa kanyang kaliwang braso na agad naman niyang hinawakan at tsaka hunarap sa kanyang nakababatang kapatid.
"Poltre,Kahlil...hindi mo dapat nakikita ang mga ito..."Paghingi niya ng tawad sa kanyang kapatid.Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng kanyang kapatid at sinabing:"'Wag na 'wag mong tutularan ang iyong Ideya Lira...naintindihan mo ba?"Naluluha ma'y pinilit pa ring maging matapang ni Lira at ngumiti sa harap ng kanyang apwe.Naghintay siya ng ilang sandali nang pagtugon ni Kahlil sa kanya ngunit nanatili itong tahimik at nakatitig lamang sa kanya kung kaya't unti-unti na niyang binitawan ang kamay nito at marahang naglakad paalis ng balkonahe.Bago tuluyang umalis ng balkonahe ay isang MATAMIS na ngiti ang ibinigay sa kanila ni Lira na matagal na nawaglit sa wangis ng munting diwani.
"Ama...ang kanyang ngiti...nagbalik na!"Natutuwang sambit ni Kahlil sa kanyang Ama.Nagawang ngumiti ni Ybrahim sa anak,ngunit sa kabila nito'y isang NAPAKA-lungkot na ligaya ang hatid sa kanya...tila tuluyan na siyang tinalikuran ng kaisa-isa niyang alaala sa kanyang pinakamamahal na si AMIHAN.

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon