Kinabukasan.....
Nakaipon na ng lakas ang mga kawal ng Livea pati na rin sina Amihan,Lira at Mira.
"Yna?Maaari niyo po bang ipaliwanag kung bakit kami tinatawag ng mga diwata na Lira at Mira?"Takang tanong ni Mira na ikinagulat ni Amihan.
"B-Bakit niyo n-naman n-naitanong?"Kinakabahang tanong ni Amihan.
"Naghihinala lamang po kasi kami!Parari po nila kaming tinatawag na LIRA at MIRA!Kahit hindi naman po iyon ang aming mga 'ngalan!"Sabi ni Lira.
"Marahil ay...kawangis niyo ang kanilang mga diwani na nawawala!Kaya akala nila na kayo iyon!"Paliwanag ni Amihan at tumango sila.
"Pero,Yna?Ganoon po ba talaga ang mga diwata?Hindi po ba sila marunong magpasalamat kasi tinulingan natin sila?"Sunod-sunod na tanong ni Mira.
"Huwag niyo nang alalahanin iyon!Marahil ay...pagod lamang sila!"Sabi ni Amihan at tumango na lamang silang muli.
"Yna?Maaari po ba tayong magtungo sa tabing-ilog?"Tanong ni Lira.
"Oo naman!Nang sa ganoon ay makapagsaya naman tayo!"Pagsang-ayon ni Amihan na ikinatuwa ng dalawa kaya agad-agad silang naglaho.Lireo.....
Nagpupulong ngayon ang mga Sang'gre at Rehav sa silid tanggapan.Kasama rin nila si Mashna Aquil,Hafte Muros, at Mashna De Alira.
"Kailangan na nating mabawi ang mga diwani!"Nanggigigil na sabi ni Pirena.
"Pirena huminahon ka!"Mahinahong sabi ni Alena na siyang ginawa naman ni Pirena.
"Hafte Muros?Nakasisiguro ba talaga kayong hindi niyo mahanap ang kinaroroonan ng mga diwani?"Tanong ni Danaya.
"Nakasisiguro kami,Hara!Saan-saan na kami napadpad!Nalibot na rin namin ang buong Encantadia ngunit wala!"Siguradong sabi ni Muros at tumango nalang sila.
"Walang galang na mga sang'gre!Ngunit...bakit hindi natin patugtugin ang plauta baka sakaling magbalik sila!O...hindi kaya ay gamitin ang inyong mga brilyante ng sa ganoon ay matuntun natin sila!"Mungkahi ni Alira.
"Kung gagamitin natin ang plauta...maaaring hindi na sila tumugon sa ating pagtawag dahil sa nangyari...at kung gagamitin naman natin ang mga brilyante...maaaring matuntun natin sila!"Sabi ni Ybrahim at tumango sila.Tsaka inilabas ng mga sang'gre ang mga brilyante.
"Mgq brilyante,inuutusan namin kayo na dalhin niyo kami sa kinaroroonan ng mga diwani at ni Amihan!"Utos ni Danaya at lumiwanag ang mga brilyante tanda na sinunod sila ng mga ito kaya agad silanh naglaho.Tabing-Ilog.....
Samantala nagtatawanan ngayon sina Amihan,Lira,at Mira.
"Yna?Avisala Eshma at pinagbigyan mo kami!"Pagpapasalamat ni Lira.
"Walang Anuman,Cassandra at Eirene!"Sabi ni Amihan.
"Sana ganito na tayo palagi!Walang mga nanggugulo sa ating pamilya!Kahit wala ang aming mga Ama masaya naman kami dahil nandyan ka palagi,Yna!"Sabi naman ni Mira at nagyakapan silang tatlo.Kasabay ng pagdating ng mga sang'gre kasama si Ybrahim kaya agad silang kumalas sa yakap.
"Kayo na naman?!"Magkapanabay na tanong nina Lira at Mira.
"Sumama na kayo sa amin pabalik sa Lireo!"Sabi ni Pirena.
"Hindi kami sasama sa inyo!Hindi namin kayo kilala!"Sabi ni Mira.
"Mira ako ito!Ang iyong Yna!"Sabi ni Pirena.
"Arghh!Sinabi nang HINDI Mira ang aking 'ngalan!EIRENE!"Galit na sabi ni Mira.
"Kakasabi lamang namin kanina na SANA wala nang manggugulo sa amin!Pero narito kayo!"Sabi naman ni Lira at inilabas ng mga sang'gre ang kanilang mga brilyante kaya agad na pumunta sa harap nina Lira at Mira si Amihan .
"Brilyante?!Tatakutin niyo kami gamit iyan?!Sige!Diyan naman kayo magaling hindi ba?!Ang umasa sa mga brilyante!"Singhal ni Amihan.
"Vueno Vesh'ka!Matatalo ka pa rin namin!"Galit na sabi ni Alena at nginisian sila ni Amihan.
"Subukan ninyo!Tandaan ninyo!AKO ang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng nilalang dito sa Encantadia!Wala pang kahit sino ang nakakatalo sa akin kahit pagtulungan niyo pa ako!"Pagmamalaki ni Amihan na ikina-inis nila."Casaandra!Eirene!Bumalik na kayo!"Utos ni Amihan at tumango ang dalawa.
"Mag-iingat ka,Yna!"Magkapanabay na sabi nila tsaka naglaho.
"Batid namin na ikaw ang pinaka-makapangyarihan!'Pagkat sinabi iyan ni Cassiopeia sa amin noon!"Sabi ni Danaya.
"Si Cassiopeia!Bakit?!Alam niyo pa ba kung nasaan na siya ngayon?!"Sunod-sunod na tanong ni Amihan at nagkatinginan sila.
"Hindi!Bakit?!May kinalaman ka ba?!"Sabi ni Ybrahim.
"Oo!Kaya wala na si Cassiopeia dito sa Encantadia 'pagkat naging isa na siyang bathaluman!'Yun din ang dahilan kaya ako nagbalik!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka nila.
"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong ni Danaya.
"Dahil naging bathaluman na si Cassioepia ako'y binuhay muli ni Emre upang ipagpatuloy ang kanyang gawain na makita ang hinaharap at matulungan kayo!Ang akala ko'y maganda ang madadatnan ko sa aking pagbabalik!Pero hindi eh!Pinahihirapan niyo ang aking anak at hadia!Ngayon sabihin niyo!Paano ko pa kayo matutulungan kung sarili niyong pamilya ay sinasaktan at pinahihirapan ninyo!"Sabi ni Amihan at hindi napigilang maluha.
"Ang tanging nais lamang namin ay ang maibalik sa amin ang mga diwani!Amihan,Pakiusap!"Pagmamaka-awa ni Pirena pero umiling si Amihan.
"Hanggat hindi kayo nagbabago hindi ko sila ibabalik!Minsan na silang nawala sa akin at hindi ko sila nakasama hanggang sa kanilang paglaki!Kaya sana...pagbigyan ninyo ako na makasama sila bago ang aking pagbabalik!"Pagsusumamo naman ni Amihan.
"Bago ka umalis!Nais naming malaman kung saan kayo tumutuloy?"Sabi ni Danaya.
"LIVEA!"Tanging sabi ni Amihan tsaka naglaho.Naiwan naman silang nagtataka.
"Livea?Ano at saan iyon?"Takang tanong ni Danaya at nagkibit-balikat na lamang sila tsaka naglaho pabalik sa Lireo.Maibalik pa kaya sa kanila ang mga diwani?
Matutunton ba nila ang Livea?
Magbabago pa ba sila?Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...