Kabanata XI

518 13 5
                                    

Continuously...

"Tila hindi lamang ang mga kalaban ang taksil,Yna...kundi maging ang TADHANA..."Ito ang hauling katagang sinambit ni Lira bago siya tuluyang mawalan ng malay.Mabuti na lamang at nasalo siya ng isang nilalang.
"Diwata...Diwata gumising ka!"Paggising ng nilalang habang marahang niyuyogyog si Lira."Mga kasama!"Kanyang pagtawag sa kanyang mga kasamahan.
"Ano iyon?"Tanong nila.
"Tulungan ninyo akong dalhin ang diwatang ito sa Lireo...tutal...doon rin naman tayo paroroon..."Utos niya at kaagad naman siyang tinulungan ng kanyang mga kasama tsaka sila nagpatuloy sa kanilang paglalakbay patungong Lireo.
.
.
.
.
.
Nakarating na nga sila sa Lireo habang buhat-buhat pa rin niya si Lira.Nang makarating sila sa bulwagan ay agad silang sinalubong ng mga Sang'gre at ni Ybrahim.Kaagad na kinuha ni Ybrahim sa kanila si Lira.

"Anong nangyari sa aking anak!?"Hindi mapakaling tanong niya habang akay-akay sa sahig ang walang malay na batang Sang'gre.
"Natagpuan namin siya sa may tabing-ilog...mayroon siyang mga sinabing kataga at kasabay n'un ay tuluyan na siyang nawalan ng malay...mabuti na lamang at nasalo ko siya..."Paliwanag niya.
"Avisala Eshma,Wahid..."Pagpapasalamat ni Ybrahim na tinanguan at nginitian lamang din ni Wahid.
"Pahinga lamang ang kanyang kailangan,Ybrahim..."Sambit ni Danaya na ikinahinga naman ng maluwag ni Ybrahim.
"Maaari mo bang gamitin ang iyong kakayahang mag-evictus upang kami ay maihatid mo sa inyong silid,Mira?"Pakiusap ni Ybrahim.
"Masusunod..."Mapagpakumbabang sambit ni Mira at dinaluhan ang kanyang Aldo at ang kanyang pinsan tsaka sila naglaho patungo sa kanilang silid.
"May iba pa ba kayong sadya,mga barbaro?"Mahinahong tanong ni Alena.
"Nais lamang naming humingi ng kaunting tulong nang sa ganoon ay...maibalik muli ang aming tahanan na winasak nang mga hindi namin nakikilalang mga nilalang..."Tugon ni Wahid kung kaya't nagkatinginan ang tatlong Sang'gre.
"Hindi ba't ang inyong pinuno ay si Vish'ka?"Tanong ni Pirena.
"Ang aming pinuno na kanila ring pinaslang at ang iba pa naming mga kasamahan ay kanila ring dinakip...kami na lamang ang nakatakas mula sa kaguluhang iyon..."Paliwanag ng isa sa mga barbarong kasama ni Wahid.
"Vueno Veshka! At sino naman kaya ang may lamas ng loob na lusubin kayo!?"Galit na sambit ni Danaya.
"Bakit hindi natin itanong sa tungkod ni nunong Imaw?O kung hindi naman nito ibigay ang ating hinihiling ay nagtungo na lamang tayo sa isa pa nating kapanalig..."Suhustisyon ni Pirena na sinang-ayunan naman ng mga Sang'gre.
"Mga dama...Paki-samahan ang mga barbarong ito sa ating pam-panauhing silid at sila ay bigyan ninyo ng makakain..."Utos ni Alena.
"Avisala Eshma,Sang'gre..."Pagpapasalamat ni Wahid at tsaka sila yumukod at lumisan sa punong bulwagan.Kasabay naman n'un ay ang pagtungo ng tatlong Sang'gre sa kinaroroonan ni Imaw.
.
.
.
.
.
Naabutan nila ang pinuno ng mga Adamayan sa Azotea na kasama sina Banak at Nakba.Ngunit nang makita sila ng dalawa ng adamayan ay lumisan muna ang mga ito.

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon