Sapiro.....
Silid ni Ybrahim.....
Nakahiga ngayon si Ybrahim at tila malalim ang iniisip.Tungkol kay Kahlil at Amihan.Sino nga ba ang kanyang papanigan?
"Rama!Avisala!"Pagbati ni Lira.Hindi namalayan ni Ybrahim na nakapasok na pala ng silid niya ang kanyang anak kung kaya't agad agad siyang bumangon.
"Anak!Poltre kung hindi kita napansin!"Paghingi ng tawad ni Ybrahim.
"Ayos lang po!Nandito lang naman po kami ni Eirene upang sunduin si Yna...naabutan po kasi namin siya na katabi ninyo!"Sagot at Paliwanag ni Lira.
"K-Katabi ko ang inyong Y-Yna?"Nauutal na tanong ni Ybrahim at tumango si Lira.
"Opo!Pagkagising niya nga po nagulat siya kasi wala na kayong kahit anong saplot!"Natatawang sambit ni Lira na ikinalaki ng mga mata ni Ybrahim saka siya tumingin sa kanyang katawan at tama nga ang kanyang anak!Wala nga siyang saplot kaya dali dali niyang pinang-taklob ang kumot sa kanyang katawan.Si Lira naman ay patuloy pa rin sa pagtawa.Hanggang sa pumasok sina Amihan at Mira sa silid.Binatukan naman ni Mira si Lira.
"Aray ko naman,Eirene!"Reklamo ni Lira sabay kamot sa ulo.
"Eh ikaw naman kasi!Tawa ka nang tawa parang wala nang katapusan!"Pangangatwiran naman ni Mira.
"Hoy!Baka nakakalimutan mo!Mas matanda ako kaysa sa'yo!"Sagot naman ni Lira.Sasagot na rin sana si Mira nang pumagitna sa kanila si Amihan.
"Tama na!"Pag-awat ni Amihan at tumigil na ang dalawa tsaka sila tumingin sa kama.Pagtigin nila dito ay wala na si Ybrahim na kanilang ipinagtaka.Nagulat na lamang sila nang may kumalabit sa kanila kung kaya't agad silsg lumingon dito at nakita nila si Ybrahim na nakagayak na.
"Ybrahim!Anong problema mo at nais mo pa kaming paslangin nang dahil sa gulat?!"Gulat at iritang tanong ni Amihan.
"Agape Avi...hindi ko sinasadya..."Nakayukong sambit ni Ybrahim.
"Sige na!Magpapaalam na kami..."Sabi ni Amihan at akmang aalis na sana sila nang hawakan ni Ybrahim ang kanyang kamay kaya't napatigil siya.
"Tungkol sa kagabi...may nangyari ba?"Tanong ni Ybrahim na ikinatawa ni Amihan.
"Anong pinagsasabi mo,Ybrahim?"Natatawang tanong niya.
"Bakit?Kung ganoon bakit wala daw tayong saplot pareho kanina?"Takang tanong ni Ybrahim na mas lalong ikinatawa ni Amihan.
"Ybrahim lasing na lasing ka kagabi kung kaya't wala kang saplot...isa pa...mayroon akong saplot nang ako'y magpahinga at gumising...hindi ko rin batid kung bakit wala ka nang saplot..."Natatawang paliwanag ni Amihan at tila napahiya naman si Ybrahim kung kaya't binitawan na niya ang kamay ni Amihan.Pagkabitaw naman niya ng kamay ni Amihan ay naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang pisnge."Huwag kang mag-alala...malapit na,Ybrahim..."Dagdag pa ni Amihan at hinalikan sa labi si Ybrahim at umalis na.Natulala naman si Ybrahim dahil sa ginawa ni Amihan.Marahan niyang hinaplos ag kanyang labi at tila nararamdaman niya pa rin ang malambot at matamis na labi at halik sa kanya ng kanyang minamahal.(A/N:Hahaha...akala niyo kung ano na 'noh?Hayaan niyo...sabihin niyo lang...gagawin ko bago ang nalalapit na pagtatapos)
Lireo.....
Punong Bulwagan.....
Naratnan ni Amihan na tila nagpupulong ang kanyang 'pamilya' kung kaya't umupo na siya sa tabi ni Alena.
"Nakapag-desisyon na ba kayo,Mahal na Hara?"Tanong ng isang konseho.Tumayo naman si Danaya mula sa kanyang trono.
"Dahil dalawa na lamang ang natitira sa aming apat na sang'gre na hindi pa nagiging hara...isa lamang sa kanila ang aking pipiliin...nauna ko nang tanungin si Amihan ngunit hindi siya pumayag...kaya si ALENA ang aking kahalili sa trono!"Sagot at Paliwanag ni Danaya na lubhang ikinagulat ni Alena.
"A-Ako?B-Bakit?"Nauutal na tanong ni Alena.
"Wala na tayong magagawa,Alena...ikaw na lamang ang natitira..."Sagot ni Pirena.Napangisi naman ng palihim si Amihan.
"Tinatanggap mo ba ito,Alena?"Tanong ni Danaya at mapait na tumango si Alena.Balkonahe.....
Sa balkonahe si Alena ay nakatanaw sa kanilang nasasakupan at tumatangis.
"Hindi ko naman pinangarap maging Hara ng Encantadia..."Tumatangis na sambit ni Alena.
"Poltre,Alena"Bulong ni Amihan na ngayon ay nasa kanyang tabi na.Gulat naman na napatingin sa kanya si Alena.
"A-Amihan?"Gulat na sabi nito.
"Patawad..."Bulong ulit ni Amihan sa kanya na siyang ipinagtaka niya.
"Para saan?"Takang tanong niya.
"Batid kong ang nais mo ay maging Madea ng Sapiro...hindi ang maging Hara ng Encantadia..."Paliwanag ni Amihan.
"Hindi mo kailangang humingi ng TAWAD,Amihan!Naipaliwanag na rin sa akin ng konseho ng Sapiro na hindi ako maaaring maging Madea kung hindi ako ang itinanghal na Diwani..."Paliwanag naman ni Alena.
"Alena may pagkakataon ka pang umurong sa pagiging Hara..."Sabi ni Amihan.
"Kung gawin ko man iyon ay sino naman ang papalit sa akin?"Natatawang tanong ni Alena ngunit 'di kalaunan ay bumalik siya sa pagkaseryoso.Hinarap naman siya ni Amihan at hinawakan nito ang kanyang mga kamay.
"Ito ang tatandaan mo,Alena...malapit ka ng mawalan ng kaagaw...malapit na..."Sambit ni Amihan at niyakap si Alena.Pagkatapos ay umalis na rin.Naiwan namang nagtataka si Alena.
"Malapit ng mawalan ng kaagaw?"Takang tanong nito sa sarili at tumingin sa gawi kung saan dumaan si Amihan nang lumisan ito.Silid ni Amihan.....
Naabutan ni Amihan si Ybrahim na naghihintay sa kanya sa kanyang silid.
"Ybrahim..."Pagtawag niya dito.Agad namang tumayo si Ybrahim at lumapit sa kanya.
"El Correi..."Sambit ni Ybrahim at binigyan siya ng isang mabilis na HALIK sa labi.Mabilis ngunit napakatamis na halik na galing sa kanyang minamahal."Malungkot ka na naman..."Malungkot na turan ni Ybrahim at umupo sila sa kama.
"Iniisip ko lamang si Alena...hindi niya naman ninais na maging Hara..."Sagot ni Amihan.Hinawakan naman ni Ybrahim ang kanyang mga kamay.
"Amihan...hindi man ninais ni Alena na maging Hara...nasisiguro ko na pamumunuan niya ang Encantadia ng matiwasay at mapayapa..."Pagpapagaan ni Ybrahim ng loob ni Amihan.
"Avisala Eshma..."Pagpapasalamat ni Amihan."El Correi..."Dugtong pa niya na ikinatuwa ni Ybrahim.
"Amihan...kung ano man ang sinasabi mo na iyong paglisan ay 'wag mo nang ituloy...pakiusap...hayaan mong mabuo ang ating pamilya..."Pakiusap ni Ybrahim at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha.Napaiwas naman ng tingin si Amihan 'pagkat hindi niya ibig makitang tumatangis ang kanyang minamahal.Hindi alam ni Amihan ang kanyang sasabihin kung kaya't niyakap na lamang niya si Ybrahim.Yakap na puno ng pagmamahal at tila hindi na ibig na mawaglit pa sa isa't-isa.Magtapat na kaya si Alena?
Comment & Votes!!!
Pasensya sa lahat ng mambabasa ng aking ikalawang istorya...
Poltre ngunit nagbago ang aking isip...
Ang istoryang ito ay magtatagal na lamang hanggang...EWAN....
Huling 1-4 Kabanata.....
Pasensya na.....
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...