Matapos ng nangyari kay Amihan ay pinagbawalan na siyang magtungo sa hardin.
"Yna!Hindi naman po patas na hindi makatungo sa hardin si Amihan!Iniligtas lang niya kami!"Pangangatwiran ni Alena.
"Alena!'Wag mo nang suwayin ang ating Yna!"Sabi ni Amihan.
"Pero Amihan iniligtas mo kami!"Sabi naman ni Pirena.
"Kaya nga ginawa ko iyon 'pagkat...ayaw kong malagay sa alanganin ang inyong buhay!Kaya tatanggapin ko ang parusa ng Hara!"Sabi ni Amihan.
"Pero---"Tututol pa sana si Danaya pero dumating si Aquil.
"Mahal na Reyna at mga sang'gre!"Sabi ni Aquil at yumukod.
"Bakit,Aquil?"Tanong ni Mine-a.
"Nahanap na namin ang muntik nang kumitil sa buhay ni Sang'gre Amihan!"Pag-uulat ni Aquil.
"Sino?"Sabay-sabay na sabi ng mga sang'gre maliban kay Amihan.
"Ang hathor na ito!"Sabi ni Aquil at inilabas nila ang hathor.
"IKAW ang nagtangka sa buhay ng aking mga anak?!"Galit na sabi ni Mine-a.
"Ako nga!Dahil kailangan na silang mawala!"Matapang na sabi ng hathor lalapit na sana sa kanya si Mine-a ngunit pinigilan siya ni Amihan.
"Hindi ikaw!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka nila.
"Ano bang pinagsasabi mo,Amihan?!"Tanong ni Pirena.
"Ang nilalang na nagkasala ay hindi kaagad aamin sa kanyang nagawa!Isa kang huwad!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila at tsaka lumapit si Amihan sa hathor."Sa bisa ng aking kapangyarihan kung nagsasabi ang hathor na ito ng totoo ay hindi siya mawawalan ng hininga ngunit!Kung nagsisinungaling ang pashneang hathor na ito kitlan siya ng buhay!"Utos ni Amihan na sinunod naman ng kanyang kapangyarihan at namatay ang hathor.
"Hindi siya!"Sabi ni Alena.
"Kung ganoon ay sino?"Tanong ni Danaya at nagkibit-balikat sila.
"Babalik na ako sa aking silid!"Sabi ni Amihan at nilisan ang bulwagan.
"Kakaiba ang mga kapangyarihan ni,Amihan!"Sabi ni Pirena.
"Marahil ay...bihasa na siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan!"Sabi ni Alena.
"Ano kaya kung magpaturo tayo sa kanya?"Tanong ni Danaya at tumango sila tsaka sila tumingin kay Mine-a."Maaari ba,Yna?"Tanong muli ni Danaya.
"Kung 'yan ang ikasisiya ninyo!"Sabi ni Mine-a at nagtungo na ang mga sang'gre sa silid ni Amihan.Silid ni Amihan.....
Pagdating nila sa silid ay naabutan nila si Amihan na hawak-hawak ang plauta niya.
"Amihan?"Pagtawag ni Pirena at agad lumingon sa kanila si Amihan.
"Bakit?"Tanong ni Amihan.
"Batid naming bihasa ka na sa iyong mga kapangyarihan!Maari mo ba kaming tulungan ng sa ganoon ay maging bihasa rin kami?"Sabi ni Danaya.
"Maari ko kayong tulungan!Ngunit...hindi pa lahat ng inyong kapangyarihan ay lumalabas!Marahil sa ating paglaki...madiskubre niyo pa ang mga ito!"Sabi ni Amihan at tumango sila.
"Maari ba naming malaman ang ilan sa iyong mga kapangyarihan?"Tanong ni Alena.
"Kaya kong gamutin ang aking sarili ngunit hindi sa mga malalalim na sugat na aking natamo!Maari ko rin kayong magamot!Kaya kong malaman ang mga itinatago ng isang nilalang na aking nais!'Yan ay iilan lamang!"Sabi ni Amihan at tumango sila.
"Maaari mo ba kaming turuan?"Tanong ni Danaya.
"S-Sigurado kayo?Alam ba--"Hindi naituloy ni Amihan ang sasabihin sapagkat nagsalita si Pirena.
"Alam na ni Yna at pumayag siya!"Sabi ni Pirena at tumango si Amihan pagkatapos ay nagsimula na silang magsanay ng kanilang mga kapangyarihan.Habang Nagsasanay.....
Habang nagsasanay sila ay tumigil ang tatlong sang'gre,lahat sila ay pagod na pagod maliban kay Amihan.
"Tumayo kayo!Hindi pa tayo tapos!"Sabi ni Amihan na tila walang ginawa.
"Pahinga muna tayo,Amihan!"Sabi ni Danaya na hinihingal.
"Hindi ka ba napapagod?"Tanong ni Alena.
"HINDI!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila.
"Sa dami ng ginawa nating paghihirap?!"Tanong naman ni Pirena.
"OO!Kaya magpatuloy na tayo!Bawal ang BREAK!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka nila.
"Break?"Sabay-sabay na tanong nila.
"BREAK!Pahinga!"Paliwanag ni Amihan at tumango sila ng pumasok si Ades.
"Mga Sang'gre!"Sabi ni Ades at yumukod.
"Bakit?"Magkapanabay na tanong nila.
"Nais kayong kausapin ng Mashna Aquilsa hardin!"Sagot ni Ades at nagkatinginan silang apat.
"Ngunit...paano si Amihan?"Tanong ni Pirena.
"Hayaan niyo na!Magtungo na kayo sa hardin!Naituro ko na rin naman ang dapat kong ituro sa inyo!"Pagpapaubaya ni Amihan at tumango sila tsaka sila lumabas ng silid.Pagkaalis nila ay kinuha ni Amihan ang kanyang plauta at pinatugtog ito.Hardin.....
Pagdating nila sa hardin ay nakarinig sila ng napaka-gandang tunog mula sa isang instrumento.
"Saan nanggagaling ang tunog na iyon?"Tanong ni Aquil.
"Galing iyon sa plauta ni Amihan!"Sabi ni Danaya at tumango si Aquil."Bakit mo nga pala kami ipinatawag?"Tanong naman ni Danaya.
"Sapagkat...nais kong ipaalam sa inyo na...pumayag na ang inyong Yna na kayo ay matutong humawak ng sandata!"Sabi ni Aquil na ikinatuwa nila ngunit nalungkot rin sila.
"Paano si Amihan?"Tanong ni Alena at nagkibit-balikat lang si Aquil.
"Bukas na ang simula ng pagsasanay!"Sabi ni Aquil at yumukod tsaka umalis.
"Hindi ba natin makakasama si Amihan?"Malungkot na tanong ni Pirena at nagyakapan sila ang hindi nila alam ay pinagmamasdan sila ni Amihan mula sa likod ng dingding at narinig niya ang usapan nila.
"Ayos lang naman sa akin kahit hindi ako makasama sa inyong pagsasanay!"Sabi ni Amihan sa kanyang isip at bumalik na sa silid.Paano na 'yan?
Comment & Votes!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...