Lumipas ang mga taon naging mapayapa na ang Enantadia.Lumaki na rin sina Lira at Mira na busilak ang puso at ngayon na ang araw na hihirangin silang mga diwani.
"Lira!Nandito ka na naman sa balkonahe ng Lireo,tumatangis at nakatingin sa langit!"Sabi ni Mira at sinamahan ang kanyang pinsan sa balkonahe.
"Hindi ka pa ba sanay,Mira?Lagi mo naman akong nakikita dito sa tueing nagtutungo kami dito sa Lireo ni Ama!"Sabi ni Lira.
"Syempre sanay na ako!Kaso ayaw mong sabihin ang dahilan kung bakit lagi kang narito!"Sabi ni Mira na may pagtatampong boses.
"Umaasa pa rin kasi ako na bumalik si Yna!Alam mo Mira?Maswerte ka kasi nandyan ang Yna mo,sinusuportahan ka at mahal ka!Pero ako...kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang Yna!"Malungkot na sabi ni Lira at tuluyan ng umiyak.
"Maswerte ka rin naman,Lira!Buti nga ikaw may Ama,ako wala!Kaya pareho lamang tayo!"Sabi ni Mira at nagyakapan silang dalawa.Sa ganoong sitwasyon sila naabutan nina Ybrahim at Pirena.
"Narito lamang pala kayo!"Sabi ni Pirena.Agad namang pinunasan ni Lira ang kanyang mga luhan.
"Anak?Tumatangis ka ba?"Tanong ni Ybrahim pero umiling si Lira.
"Hindi po,Ama!Napuwing lang po!"Pagsisinungaling ni Lira at siniko siya ni Mira.
"Ano ang totoo?"Seryosong tanong ni Pirena.
"Eh kasi po si Lira...naabutan ko na naman na tumatangis dito sa balkonahe!Umaasa pa rin daw po kasi siya na babalik si Ashti Amihan!"Pagtatapat ni Mira.Niyakap naman ni Ybrahim si Lira.
"Lira?Ito ang tatandaan mo!BABALIK ang iyong Yna!Kailangan lamang nating maghintay!Babalik siya!"Pagpapalakas ni Ybrahim sa loob ni Lira.
"Sana nandito siya ngayon para masilayan niya na magiging diwani na kami ni Mira!"Hiling ni Lira at nagtungo na sila sa bulwagan.Punong Bulwagan.....
Pagdating nila sa Bulwagan ay nagpalakpakan ang mga mamamayan.Nagtungo na sila sa trono.
"Mga mamamayan ng Lireo!Narito tayo upang saksihan ang pagiging diwani nina Lira at Mira!"Anunsyo ni Imaw at nagpalakpakan sila tsaka nagsimula ang seremonya.
"Bilang hara ng mga Diwata at Encantadia!Kayo Mira at Lira ay aking inaatasan bilang mga bagong diwani!Diwani Mira para sa Hathoria at Diwani Lira para sa Sapiro!"Sabi ni Danaya at inilagay na ang kanyang sandata sa magkabialang balikat nina Mira at Lira.Pagkatapos ay humarap na sila sa mga mamamayan."Mga mamamayan!Ipinakikilala ko sa inyo sina Diwani Mira ng Hathoria at Diwani Lira ng Sapiro!"Pagpapakilala ni Danaya at nagpalakpakan ang lahat.Nang biglang may liwanag na lumabas at inilabas nito sina Mine-a at Raquim.
"YNA!"Magkakapanabay na sabi ng mga sang'gre at niyakap nila si Mine-a.
"Avisala,Aldo!"Pagbati ni Alena.
"Avisala rin sa inyo!"Pagbati naman ni Raquim.
"Narito kami upang masilayan ang aming mga apo!"Sabi ni Mine-a.Lumapit naman sa kanila sina Mira at Lira.
"Lira,Mira!Nais kong makilala ninyo ang inyong Ilo at Ila!"Pagpapakilala ni Pirena at niyakap nila Mine-a at Raquim sina Mira at Lira.Pagkatapos ay bumalil na sa pwesto ang mga bagong diwani.
"Si Amihan?Hindi niyo ba siya kasama?"Tanong ni Alena,nagkatinginan naman sina Mine-a at Raquim."Sayang!Hindi niya masisilayan si Lira!"Malungkot na turan ni Alena.
"Sino ba ang nagsabi na palalagpasin ko ang seremonya para sa aking anak at hadia?"Tanong ng isang diwata na pamilyar sa kanila kaya humrap sila dito at hindi sila nagkamili.
"AMIHAN!"Magkakapanabay na sabi ng mga sang'gre at niyakap nila si Amihan.Pagkatapos ay niyakap naman ni Amihan si Ybrahim.Si Lira at Mira naman ay nagtataka kung bakit kayakap ni Ybrahim si Amihan.
"Mira!?Kilala mo ba siya?!"Tanong ni Lira sa kanyang pinsan.
"Hindi!"Simpleng sagot ni Mira.
"Hindi kaya kaaway siya?"Hinala ni Lira at siniko siya ni Mira.
"Kung kaaway siya bakit siya niyakap ng iyong Ama at ni Yna pati na rin ang mga Ashti natin!"Pangangatwiran ni Mira.
"Sabagay!Tama ka!"Sabi ni Lira at lumapit siya sa kanyang mga magulang."EHEM!"Sabi ni Lira pero tila hindi siya pinapansin kahit kalabitin niya ang kanyang mga magulang kaya naisipan niyang sumigaw."AMA!"Sigaw ni Lira at kumalas na sa yakap ang kanyang mga magulang.
"Lira?Ano't ika'y sumisigaw?"Tanong ni Ybrahim.
"Ama naman!Kanina pa kita kinakalabit pero wala kang pakialam!Sino ba siya?Pinagpalit mo na ba si Yna?"Sabi ni Lira na ikinatawa nila.
"Lira?Kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang iyong Yna!Kasi SIYA ang iyong YNA!"Sabi ni Ybrahim.Nanlaki naman ang mga mata ni Lira sa nalaman.
"Yna?!"Nasasabik na sabi niya.
"Avisala aking anak!"Pagbati ni Amihan at nagyakapan sila.
"Yna bakit ang lamig niyo?"Takang tanong ni Lira.
"Sapagkat hindi na ako/kami nabibilang sa inyong mga buhay!Kami ay mga ivtre na!"Paliwanag ni Amihan.
"May pag-asa po ba na babalik kayo sa amin hindi bilang patay kundi bilang buhay?"Umaasang tanong ni Lira.
"Maaari,Lira!Malaki ang tyansa na makababalik kami!"Sagot ni Amihan na ikinatuwa ng kanyang anak."Lira,Mira?Maaari ko ba kayong maka-usap sa balkonahe?"Tanong naman ni Amihan at tumango sila tsaka sipa nagtungo sa hardin.Hardin.....
"Ano po ang pag-uusapan natin,Ashti?"Tanong ni Mira.
"Batid kong may nais kayong sabihin sa akin!Sabihin niyo na habang maaga pa!'Wag kayong mag-alala!Magaling ako magtago ng sekreto!"Sabi ni Amihan at nagkatinginan ang mag-pinsan.
"Kasi Yna...M-May n-namamagitan po kay A-Ama at A-Ashti A-Alena!"Pagtatapat ni Lira.
"Sinubukan po naming tanggapin ni Lira pero hindi po namin kaya,Ashti!Parang kapatid ko na po si Lira kaya tila batid ko rin na ayaw niya kay Ashti Alena!"Paliwanag naman ni Mira.Hinaplos naman ni Amihan ang pisnge ng dalawa.
"Ito ang tatandaan niyo?!Mapalitan man ako sa Corra ni Ybrahim...Hindi ko kayo pababayaan!At...Ang tanong mo kanina Anak kung may pag-asa ba na makabalik kami ng buhay dito?OO may roong pag-asa!"Sabi ni Amihan at nagyakapan sila.
"Aantayin namin ni Mira ang pagbabalik niyo bilang mga buhay na,Yna!"Sabi ni Lira.
"Magbalik na tayo sa bulwagan?"Tanong ni Amihan at tumango sila tsaka sila bumalik ng bulwagan.Punong Bulwagan.....
Pagdating nila sa bulwagan ay nakita nila si Ybrahim at Alena na magkatabi at nagtatawanan.
"Ama!"Pagtawag ni Lira.Agad namang tumingin si Ybrahim sa kanya."Babalik na po si Yna!Hindi ka po ba magpapaalam sa kanya?"Malungkot na turan ni Lira.
"Magpapaalam ako!"Sabi ni Ybrahim at lumapit kay Amihan."Avisala Meiste,El Correi!"Pagpapaalam ni Ybrahim at hinalikan niya sa noo si Amihan.
"Avisala Meiste!"Pagpapaalam naman ni Amihan at naglaho na sila pabalik sa Devas.Naiwan namang malungkot ang dalawang bagong diwani.
"Huwag na kayong malungkot Lira at Mira!"Sabi ni Alena pero hindi siya pinansin ng kanyang mga hadia bagkus ay nagtungo ang mga bagong diwani sa balkonahe.
"Anong nangyari sa dalawa?"Tanong ni Danaya at nagkibit-balikat nalang sila tsaka nagpatuloy sa kasiyahan.Balkonahe.....
"Ang sakit Mira!Ang sakit-sakit!Parang pinaslang na rin ako ni Ama!"Umiiyak na sabi ni Lira.
"Maging ako ay nasasaktan rin para kay Ashti Amihan at sa iyo!"Umiiyak naman na sabi ni Mira.
"Mira paano na 'yan?May namamagitan kay Ama at Ashti!Ngayon pa nga lang na may namamagitan sa kanila ay wala nang oras sa akin si Ama paano pa kaya kung magkaroon sila ng anak!"Umiiyak at nababahalang sabi ni Lira.
"Magtiwala lamang tayo sa sinabi Ashti Amihan na babalik siya!"Sabi ni Mira at nagyakapan sila.Babalik ba si Amihan?
Ano ang mangyayari kay Ybrahim at Lira?Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...