Kabanata 9:Ang Pagkamatay ni Ybarro

934 29 24
                                    

Lumipas ang 2 Linggo.....

Lumipas ang dalawang linggo nagka-ayos na ang mga Sang'gre.

"Amihan?"Pagtawag ni Ybarro agad namang lumingon si Amihan.
"Ybarro?May problema ba?"Tanong ni Amihan pero umiling lang si Ybarro.
"Nais ko muna sanang magpaalam!"Pagpapa-alam ni Ybarro na ikina-kunot ng noo ni Amihan.
"Saan ka patutungo?"Takang tanong ni Amihan sa kanya.
"Magtutungo kaming tatlo nina Wantuk at Pako sa Sapiro!Baka maaari natin itong gamitin upang ating maging kuta o hindi kaya ay itayo natin ito muli!"Pagsasalaysay ni Ybarro at tumango si Amihan.
"Mag-iingat kayo!Mangako ka na babalik ka bago kumagat ang dilim!"Sabi ni Amihan at tumango si Ybarro.
"Pangako...El Correi!"Pangako ni Ybarro at binigyan ng isang matamis na HALIK sa labi si Amihan."El Correi Diu!"Sabi muli ni Ybarro at lumabas na ng kubol.Si Amihan naman ay napahawak sa kanyang labi.
"El Correi...Dei Diu,Ybarro!"Sambit ni Amihan na tila kinikilig pa!

Sa Lireo naman ay abala ang mga Sang'gre at mga dama para sa kanilang piging na gagawin para sa kanilang magkakapatid.

"Mahal na Reyna!Tapos na po ang mga dekorasyon!Naipaalam na rin po sa mga mamamayan ng Lireo na may piging na magaganap!"Pag-uulat ng isang dama at tumango si Danaya.
"Mainam!Avisala Eshma!"Pagpapasalamat ni Danaya at tumango ang dama tsaka umalis sa bulwagan.
"Tiyak na magugustuhan ito ni Amihan!"Masayang sabi ni Pirena.
"Tama ka!At Pirena?Salamat at binigyan mo pa ng pagkakataon si Amihan!"Sabi ni Alena at tumango si Pirena.
"Karapat-dapat naman talaga siyang pagbigyan dahil nahiwalay lang siya sa atin 'pagkat...nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin!"Paliwanag ni Pirena at tumango sila tsaka sila nagyakapan.

Samantala sina Ybarro,Pako at Wantuk naman ay nasa kalagitnaan ng paglalakbah ng sugurin sila ng ilang hathor na agad naman nilang napaslang.Aalis na sana sila ng mag sumugod sa kanila na hindi nila kilala.

"Sino kayo?!"Galit na tanong ni Ybarro sa mga kalaban.
"Hindi na mahalaga iyon!"Sabi ng isa sa mga kalaban nila,magsasalita na sana si Pako ng mapana si Ybarro.

"Hindi na mahalaga iyon!"Sabi ng isa sa mga kalaban nila,magsasalita na sana si Pako ng mapana si Ybarro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"YBARRO!!!"Sigaw nila ngunit huli na 'pagkat nahulog na sa bangin si Ybarro.
"Y-Ybarro!"Sigaw ni Wantuk at pinapakalma siya ni Pako.
"Kailangan na nating magbalik sa kuta at ipa-alam kay Pinunong Celestia ang naganap!"Sabi ni Pako at marahang tumango si Wantuk tsaka nila kinuha ang mga gamit ni Ybarro at umalis na.

Kuta.....

Pagdating nila sa kuta ay agad silang nagtungo sa kubol ni Amihan.

"Pinunong Celstia!"Sabi nila at yumukod.
"Pako!Wantuk!Nasaan si Ybarro?!"Tanong ni Amihan nagkatinginan naman ang dalawa.
"Poltre,Pinuno!"Sabi ni Wantuk hindi naman sila maintindihan ni Amihan.
"Maaari niyo ba akong diretsuhin?"Seryosong tanong ni Amihan.
"Nasa kalagitnaan kami ng paglalakbay patungong Sapiro nang sigurin kami ng mga hathor ngunit natalo namin sila!Aalis na sana kami nang sugurin kami ng mga hindi namin kilalang nilalang at...N-Napana si Y-Ybarro!"Pagsisiwalat ni Pako ng katotohanan at lumabas muna sila sa kubol.Si Amihan naman ay pinagba-bato ang mga gamit sa kubol.
"Ahhhhh!!!!YBARRO!!!!!"Sigaw niya."Magbabayad ka!!!!!"Sigaw niya muli at lumakas ang bugso ng hangin dahil sa kanyang hinagpis.

Pagkagat ng Dilim.....

Kumagat na ang Dilim kaya susunduin na ni Alena sina Amihan at Ybarro.

"Mahal na Sang'gre!"Sabi nila at yumukod.
"Nasaan ang aking kapatid?"Tanong ni Alena.
"Nasa kanyang kubol!"Sagot ni Wantuk.Agad namang pumasok si Alena sa kubol at naabutan niya si Amihan na umiiyak.
"Amihan?!Ano't ika'y tumatangis?!Nasaan si Ybarro?"Sunod-sunod na tanong ni Alena.
"W-Wala na s-siya!"Humihikbing sabi ni Amihan na ipinagtaka ni Alena.
"Sino?"Takang tanong ni Alena.
"S-Si Y-Ybarro!N-Napana s-siya at n-nahulog sa b-bangin!"Sabi ni Amihan na ikinagulat ni Alena kaya niyakap niya nalang si Amihan.
"Shhh!Makakaya mo 'toh,Amihan!Narito lang kami para sa iyo!"Pagpapalakas ni Alena sa loob ni Amihan."Itutuloy pa ba ang piging?"Tanong ni Alena na kumalas na sa yakap.
"Oo!Itutuloy ang piging!"Sabi ni Amihan at tumango si Alena tsaka nila pinunasan ang kanilang mga luha at lumabas."Pako!Wantuk!Kayo muna ang bahala sa kuta!Kapag may nangyari patugtugin niya lang ang aking plauta!"Utos ni Amihan at tumango sila.
"Masusunod,Pinunong Celestia!"Sabi nina Wantuk at Pako tsaka naglaho sina Amihan at Alena.

Lireo.....

Pagdating nila Alena at Amihan sa Lireo ay sinalubong sila ng kanilang mga kapatid at sabay-sabay silang naglakad patungo sa trono.

"Aking mga minamahal na mamamayan!Nais kong ipagbigay alam na nagbalik na ang aming kapatid na si Amihan!"Anunsyo ni Danaya na ikinagulat nila."Alam kong nabigla kayo 'pagkat ang buong akala natin ay namayapa na siya ngunit hindi ito totoo!Pinalabas lang nila ito!"Anunsyo muli ni Danaya at tumango silang lahat.
"Simulan na ang kasiyahan!"Sigaw ni Pirena at nagsimula na sila.Habang nagkakasiyahan sila ay napansin nila na tila PILIT lamang ang kanyang ngiti kaya nilapitan nila si Alena.
"Alena?May problema ba si Amihan?"Tanong ni Danaya.
"Bakit niyo naman naitanong?"Pagbabalik ng tanong ni Alena.
"Napapansin kasi namin na tila PILIT lamang ang mga ngiti ni Amihan!May problema ba siya?At...nasaan si Ybarro?"Sabi ni Pirena,huminga naman ng malalim si Alena bago magsalita.
"Si Ybarro ang dahilan kung bakit siya nagkaka-ganyan!"Sabi ni Alena na ipinagtaka nila.
"Diretsuhin mo kami,Alena!"Sabi ni Pirena.
"Napana daw si Ybarro at nahulog sa bangin at hindi na rin nakita pa!Batid niyo naman siguro kung gaano ka-MAHAL ni Amihan si Ybarro!"Paliwanag ni Alena at tumango sila at lumapit si Amihan sa kanila.
"Maaari ba akong magtungo sa hardin?"Tanong ni Amihan at tumango sila tsaka umalis si Amihan sa bulwagan.
"Tama ka nga,Alena!Lubhang napakahalaga sa kanila ang isa't-isa!"Sabi ni Danaya at huminga sila ng malalim.

Hardin.....

Samantala si Amihan ay umiiyak habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Napaka-daya mo naman,Ybarro!Iniwan mo na kaagad ako!"Sabi ni Amihan at napangiti siya sapagkat naalala niya ang mga alaala nila ni Ybarro.

"Napaka-daya mo naman,Ybarro!Iniwan mo na kaagad ako!"Sabi ni Amihan at napangiti siya sapagkat naalala niya ang mga alaala nila ni Ybarro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Naalala niyo pa ba ang eksenang ito?)

"Mahal kita at maghihintay ako hanggang sa iyong pagbabalik...El Correi!"Sabi ni Amihan at tumingal sa mga nagniningning na bituin."El Correi Diu,Ybarro!"Sabi muli ni Amihan at pinunasan ang kanyang mga luha tsaka bumalik sa bulwagan.

Sino ang pumaslang kay Ybarro?
Napaslang na nga ba siya?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon