Kabanata XVII

643 8 0
                                    

Ito ay hindi na kasama sa flashbacks...
.................................................................................

Sa Sapiro,naabutan ni Ybrahim na tila naghahanda sila Lira upang maglakbay.

"Lira...saan ka patutungo?"Kanyang tanong.
"Sa Livea,Ama...bibisita ako kina Yna at kay Ayel...nangako kasi ako sa kanya na ako'y bibisita paminsan-minsan roon..."Tugon ni Lira.
"Maaari ba akong sumama?Nais ko rin kasing makitang muli ang iyong kapatid..."Sambit ni Ybrahim.
"Si Ayel nga ba o si Yna?"Panunukso ni Lira sa ama.
"Lira..."May pagbabadyang boses ni Ybrahim.
.
.
.
.
.
Livea...

"Yna!Narito sina Idea Lira at si Ama!"Sigaw ni Ayel habang nakasunod sa kanyang likuran sina Lira at Ybrahim.
"Lira..."Sambit ni Amihan at niyakap ang kanyang panganay."Avisala,Ybrahim..."Pagbati niya naman kay Ybrahim na tanging pagtango lamang ang isinagot sa kanya.
"Poltre kung hindi na ako humingi ng pahintulot sa iyo kung maaari pa ba akong pumasok sa iyong palasyo..."Paghinging paumanhin ni Ybrahim na siyang ikinangiti naman ni Amihan.
"Ayos lamang..."Tanging sagot niya na lamang.Nang hindi namamalayan ay hinila na pala papalayo ni Ayel ang kanyang Ideya upang ilibot ito sa palasyo.
"A-Amihan...n-nasabi na ba ni Ayel ang nais kong ipasabi sa iyo?"Kinakabahang sambit ni Ybrahim.
"Ukol saan?"Takang tanong naman ng diwata.
"W-Wala wala...iwaksi mo na lamang iyon sa iyong isipan..."Pag-iwas ni Ybrahim sa sitwasyon.
"Walang nababanggit si Ayel sa akin ngunit tandaan mo,Ybrahim...kaya kong basahin ang isip ng kahit na sino man...maging ikaw..."Sambit ni Amihan habang patuloy sa paglalakad patungong hardin na sinusundan naman ni Ybrahim.
"Ang ibig-sabihin ay alam mo na ang nais kong ipabatid?"Tanong ni Ybrahim.
"Maaari...kung tama ang aking nabasa...nais mo akong ayain para sa isang salo-salo sa Sapiro kasama ang ating mga Anak maging ang aking mga kapatid at hadia..."Pagsalaysay ni Amihan sa kanyang nalaman habang marahang hinahaplos ang mga halamang tanim.
"Tama ka...kung ganoon..."Sambit ni Ybrahim na umaasang OO ang isasagot ni Amihan sa kanya.
"Poltre,Ybrahim...ngunit batid ko na batid mo ang aking patakaran pagdating sa mga ganyang bagay..."Sambit ni Amihan na siyang ikinahinga naman ng malalim ni Ybrahim nang maalala ang nais ipabatid ni Amihan sa kanyang mga sinambit.Marahan niya hinawakan sa braso si Amihan at iniharap sa kanya.
"Amihan...maaari ba kitang imbitahan sa isang salo-salo na magaganap mamayang gabi sa Sapiro?"Pormal na pag-aya ni Ybrahim na siyang ikinangisi naman ni Amihan.
"Oo..."Maikli at tanging sagot ni Amihan na siyang lubhang ikinatuwa naman ni Ybrahim.
"Avisala Eshma,Amihan..."Kanyang pagpapasalamat.
.
.
.
.
.
Sapiro...

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon