Nagtungo si Alena sa Sapiro upang imbitahan sina Amihan at Ybrahim sa Lireo.
"Avisala,Alena!"Pagbati ni Amihan.
"Avisala!"Pagbati naman ni Alena.
"May maipaglilingkod ba kami sa iyo?"Tanong ni Ybrahim.
"Nais namin kayong imbitahin sa Lireo kasama ang inyong anak!"Sabi ni Alena."Teka?Nasaan na nga ba siya?"Tanong naman niya.
"Siya'y nahihimbing pa!"Sabi ni Amihan at tumango si Alena.
"Di bale!Sa Lireo na lamang tayo magkita-kita!"Sabi ni Alena at tumango sila tsaka siya naglaho.
"Maghanda na tayo?"Tanong ni Ybrahim at tumango si Amihan.Pagkatapos ng Paghahanda.....
"Handa na ba ang lahat?"Tanong ni Amihan at binuhat niya na si Lira.
"Handa na!"Sabi ni Ybrahim.
"Gagamitin ko na lamang ang ivictus at ang mga kawal ay maiiwan dito!"Sabi ni Amihan at tumango si Ybrahim tsaka sila naglaho kasama ang dama ni Lira.Lireo.....
Pagdating nila sa Lireo ay sinalubong sila ng kanyang mga kapatid.
"Avisala!Natutuwa ako at nakarating kayo!"Masayang pagbati ni Danaya.
"Teka?Ano bang meron?"Tanong ni Ybrahim.
"Mayroong piging para sa inyong mga anak!"Sabi ni Alena.
"Eh...Teka,Amihan?Nasaan ang inyong anak?"Takang tanong ni Pirena habang buhat si Mira.Kinuha naman ni Amihan si Lira sa dama nito.
"Ano ang ngalan ng iyong anak,Pirena?"Tanong ni Ybrahim.
"MIRA!"Sabi ni Pirena."Sa inyo?"Tanong niya naman.
"LIRA!"Magkapanabay na sabi nila Amihan at Ybrahim.
"Kayga-gandang pangalan!"Sabi ni Danaya at inilabas nila ang kanilang mga brilyante tsaka nagbigay ng enkantasyon.
"Sa bisa ng mga kapangyarihan ng mga brilyante!Bigyan sina Mira at Lira ng proteksyon na kahit na anong sandata dito sa Encantadia na gagamitin ng kung sino man ang magtatangka sa kanila ay matatanggalan ito ng talim!Bigyan din sila ng matalino at mahusay na pag-iisip at sa pakikipaglaban!"Basbas ng mga Sang'gre at umilaw ang kanilang mga brilyante tanda na sinunod sila ng mga ito.Pagkatapos ay nagsimula na ang piging.Kalagitnaan ng Piging.....
Habang ang lahat ay nagsasaya,nagtungo ang mga sang'gre kasama si Ybrahim at ang kanilang mga anak sa gitna.
"Mga mamamayan ng Lireo!Nais kong ipakilala sa inyo ang mga bagong diwata!"Anunsyo ni Danaya at nagpalakpakan sila.
"Ivo Live!"Sigaw ni Aquil na pinaulit-ulit ng mga mamamayan at nagpatuloy na sila.Ang mga sang'gre naman ay nagtungo sa balkonahe at iniwan ang kanilang mga anak kay Ybrahim at sa dama nito.
"Hay!Parang kailan lamang ay mga paslit pa lamang tayo!"Sabi ni Alena.
"Tama ka!Kay bilis talaga ng panahon!Noon ay paslit ngayon ay mga Yna at Ashti na!"Sabi naman ni Danaya.
"Sana'y narito pa si Yna at ang ating mga magulang!"Sabi ni Danaya at huminga sila ng malalim maliban kay Amihan na palihim na tumatangis.
"Kahit wala naman sila ay nasisiguro ko na binabantayan nila tayo at masaya sila!"Sabi ni Amihan at napatingin sa kanya ang kanyang mga apwe."May nabanggit ba akong masama?"Tanong ni Amihan at pinunasan ang kanyang mga luha.Natawa naman ang kanyang mga kapatid.
"Kahit kailan ka talaga,Amihan!"Sabi ni Pirena na ipinagtaka ni Amihan.
"IYAKIN!"Sabay-sabay na sabi ng tatlo at nagtawanan sila pero si Amihan ay seryoso.
"Anong gagawin ko?Matutuwa ako kasi wala na ang mga magulang natin?"Seryosong tanong ni Amihan at napatigil sila sa pagtawa.
"Poltre!"Sabi nila.
"Amihan?Naaalala mo pa ba ang sinabi mo noon kay Danaya?"Pag-iiba ni Pirena.
"Ah!Yun ba?"Sabi ni Amihan at tumango si Pirena."Na may tatlong nilalang na magkakagusto kay Danaya?"Tanong ni Amihan.
"Oo!Pero ang nais namin malaman ay kung totoo ba talaga ito?"Sabi ni Alena.
"Oo!Hindi naman ako nagbibiro eh!Nagkatotoo ang sinabi ko noon!Kaso parang walang pag-asa kasi Hara si Danaya!"Sabi ni Amihan.
"Maaari mo bang sabihin kung sino-sino sila?"Tanong ni Danaya.
"Wow!Curious ka?!"Natatawang sabi ni Amihan.
"Amihan?!Ilang beses ba namin sasabihin sa iyo na tama na ang pagsasalita sa mundo ng mga mortal!"Sabi ni Pirena.
"Bawal na ba?"Tanong ni Amihan at tumango sila."Ayan na naman kayo eh!Yun na nga lang ang nais ko bawal pa!Bakit ganun?"Reklamo ni Amihan.
"Hindi kasi namin maintindihan ang iyong sinasambit!"Sabi ni Alena.
"Oo na!Oo na!Pagsisikapan ko na hindi na gumamit sa salitang mortal!Pero kapag hindi ko talaga mapigilan walang aangal ha?!"Sabi ni Amihan at tumango sila."Ok!Back to the topic!Gusto niyo malaman kung sino ang nagkakagusto kay Danaya?"Sabi ni Amihan at tumango silang muli.
"Sabihin mo na!"Nasasabik na sabi ni Alena.
"Una!Si...WANTUK!Ikalawa!Si...M-MUROS!Ikatlo!Si...A-A-AQUIL!"Pagbunyag ni Amihan na ikinagulat nila.
"Mga tapat na kawal ng Sapiro at Lireo pala ang nagtatangi sayo Danaya!"Panunukso ni Pirena.
"Nakakasiguro ka ba,Amihan?"Seryosong tanong ni Danaya.
"Magtatanong kayo tapos hindi kayo maniniwala!Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo?"Sabi ni Amihan.
"WALA!"Magkakapanabay na sabi nila.
"Oh!Diba!Kayo lang naman nagsisinungaling sa akin NOON!"Sabi ni Amihan."NOON yun!Hindi NGAYON!"Dugtong pa niya.
"Amihan?Maaari mo bang malaman lahat-lahat tungkol sa isang nilalang?"Tanong ni Alena.
"Oo!Gaya ng kung saan sila nagmula!Anong dugo at lahi ang nananalaytay sa kanila!Sino ang kanilang mga magulang!Sino ang kanilang itinatangi at marami pa!Lahat-lahat!Pati ang kanilang kapangyarihan!"Sabi ni Amihan.
"Maaari mo bang mahulaan ang lahat-lahat sa akin?"Tanong ni Pirena at tumango si Amihan.
"PIRENA!Panganay sa mga sang'gre at anak ni Mine-a!Kalahating diwata at hathor!Tagapangalaga ng brilyante ng apoy!Yna ni Mira!May kakayahang magpalit ng anyo!"Sabi ni Amihan.
"Kay galing mo,Amihan!Nahulaan mo ang lahat!"Papuri ni Pirena."Pero anong sabi mo?Kalahating diwata at hathor?"Tanong naman niya.
"Oo!Bakit?Hindi mo alam?"Sabi ni Amihan at umiling si Pirena."Isa kang kalahating diwata at hathor,Pirena!Mine-a para sa diwata at.....at.....H-H-Hagorn para sa hathor?"Sabi muli ni Amihan na ikinagulat nila.
"A-Ama mo si H-Hagorn?"Tanong ni Danaya.
"Hindi ko batid!"Sabi ni Pirena.
"Upang malaman ninyo ay ikekwento ko!"Sabi ni Amihan at tumango sila."Noon ay naipagkasundo ang ating Yna kay Hagorn upang sila ay maging magkabiyak kahit hindi mahal ni Yna si Hagorn!Pero bago ang pag-iisang dibdib nila ay dumating ang aking Ama at sinabi kay Yna na mamili siya kung ang pagiging reyna ba o ang maging kabiyak si Hagorn!Pumayag naman si Yna na maging reyna at umalis sila ni Ama sa hathoria.Kinabukasan araw na ng pag-iisang dibdib nila ay nagalit si Hagorn 'pagkat wala na si Yna!Kaya simula noon ay kinamuhian niya na si Yna at si Ama!Hindi niya rin batid na nagbunga pala ang pagsasama nila at IKAW yun,Pirena!"Pagkekwento ni Amihan.
"Ngayon ay batid ko na kung bakit kaaway natin si Hagorn!"Sabi ni Alena.
"Kaaway naman talaga natin siya!Mabuti na rin iyon kaysa nag-isang dibdib sila ni Yna!Eh diy sana wala tayo ngayon dito!Tanging si Pirena lang!"Sabi ni Amihan.
"May punto ka riyan,Amihan!"Pagsang-ayon ni Danaya.
"Maaari mo rin bang malaman ang lahat-lahat sa akin?"Tanong ni Alena at tumango si Amihan.
"ALENA!Ikatlo sa mga sang'gre at anak ni Mine-a!Kalahating diwata at sapiryan!Tagapangalaga ng brilyante ng tubig!Buong kapatid ni Danaya!May magandang tinig!"Sabi ni Amihan.
"Nahulaan mo muli lahat,Amihan!Kay Danaya naman!"Sabi ni Alena at tumango nalang muli si Amihan.
"DANAYA!Bunso sa mga sang'gre at anak ni Mine-a!Kalahating diwata at sapiryan!Buong kapatid si Alena!Tagapangalaga ng brilyante ng lupa!Pagdating sa pakikipaglaban ay mainit ang ulo!"Sabi ni Amihan.
"Magaling!Nahulaan mo kaming lahat!"Papuri ni Danaya.
"Teka lang!May nakalimutan ako sa iyo Danaya!"Pahabol pa ni Amihan.
"Ano iyon?"Tanong ni Pirena.
"May pagtatangi kay AQUIL!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila at may naisip silang kalokohan.
"Ayyieeee!!!"Pang-aasar nila.
"Eh bakit kayo?Diba ikaw Alena may gusto sa isang adamyan tapos ikaw naman Pirena...isa sa ating mga kawal!"Pagbunyag naman ni Danaya at tumawa si Amihan.
"Oo nga!Nakalimutan ko sabihin!Pare-pareho lang kayo!Umamin na kasi!"Tumatawang sabi ni Amihan.
"Eh ikaw,Amihan?KAYO na ba ni Ybrahim?"Tanong ni Pirena at napatigil sa pagtawa si Amihan at nag-isip.
"Hindi ko alam sa kanya!Ay mali!Oo pala!Kaya nga nabuo si Lira hindi ba?!"Sabi ni Amihan at nagtawan sila.Sino ang itinatangi ni Alena?
Sino ang ama ni Mira?
Magtatapat ba si Danaya at Aquil sa isa't-isa?Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...