Kabanata 27:Pakikipagkasundo

818 41 43
                                    

Makalipas ang 1 Linggo.....

Nagdaan ang mga araw hindi tinantanan ng mga diwata sina Amihan kaya napadesisyunan na ni Amihan na makipagkasundo sa mga diwata ng sa ganoon ay matigil na ang panggugulo ng mga ito sa kanila.Kaya nagtungo siya sa Lireo.

"Amihan!"Magkakapanabay na sabi ng mga diwata at sapiryan.Naging sensitibo naman muli si Amihan ngunit kanya itong pinigilan.
"Anong maipaglilingkod namin sa iyo?"Tanong ni Danaya.
"Nang dahil sa hindi niyo pagtantan sa amin...napag-isipan ko na...makipagkasundo sa inyo!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila kaya nagkatinginan sila.
"Anong kasunduan?"Tanong ni Pirena,huminga naman muna ng malalim si Amihan bago magsalita.
"Lilisanin namin ang Livea at dito maninirahan...tatanggalin ko ang aking tungkulin bilang Hara ng Livea at walang kahit na anong mataas na pwesto"Kondisyon ni Amihan.
"Paano ang mga alaala ng mga diwani?"Tanong ni Ybrahim.
"Wala ito sa aking sinambit,Ybrahim!Tatanggapin niyo ba o hindi?!"Sabi ni Amihan at humingan muna ng malalim si Danaya bago sumagot.
"Tinatanggap namin ito!Hindi man maibalik ang mga alaala ng mga diwani ang mahalaga ay narito na kayo sa Lireo at kasama kami!"Sagot ni Danaya at tumango si Amihan tsaka nag-ivictus pabalik ng Livea.

Livea.....

Pagbalik ni Amihan ay sinalubong kaagad siya nina Lira at Mira.

"Yna!Nag-alala kami sa iyo!Akala namin ay iniwan mo na kami!"Sabi ni Lira.
"Nagtungo lamang ako sa Lireo upang makipagkasundo sa kanila!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka ng dalawa.
"Anong kasunduan,Yna?"Takang tanong ni Mira.
"Lilisanin natin ang Livea at doon na maninirahan sa Lireo ng sa ganoon ay matahimik na tayo!Aalisin ko ang aking tungkulin bilang Hara at mawawalan ako ng posisyon ng kahit na ano!LAHAT tayo ay lilisan dito at magtutungo sa Lireo sa lalong madaling panahon!"Paliwanag ni Amihan at nagkatinginan ang dalawa.
"Tama ka,Yna!Simula nang malaman nila ang Livea ay hindi na nila tayo tinantanan...ngunit...tila yata mas lalo nila tayong hindi titigilan kung doon tayo maninirahan!"Sambit ni Lira at tumango nalang si Mira.
"Huwag kayong mag-alala...ako na ang bahala...ang mahalaga...makatungo na tayo sa Lireo...sabihan niyo na rin ang lahat ng kawal na dalhin ang lahat ng kanilang mga gamit at tayo ay lilisan na ng Livea!Walang sinuman ang matitira dito kundi ako...mauuna kayo sa Lireo 'pagkat may kailangan pa akong gawin para sa ikaliligtas ng Livea!"Paliwanag at Utos ni Amihan na siyang sinunod naman ng mga diwani.

Matapos ang paghahanda.....

Natapos na ang lahat sa paghahanda kaya gumamit na ang lahat ng ivictus patungong Lireo.Tanging si Amihan lamang ang natira.

"Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob sa aking ng Bathalang Emre...nais kong pangalagaan at panatilihing nakatago ang Livea!Walang sinoman o anoman ang makakapasok sa aking kaharian!Kahit na mga kapwa bathaluman pa ito ay hindi nila ito makikita!"Enkantasyon ni Amihan at unti-unti nang naglalaho ang Livea hanggang sa nawala na ito at ito ay naging pangakaraniwang lugar na lamang sa Encantadia."Avisala Meiste.....Livea!"Pamamaalam ni Amihan at nag-ivictus na patungong Lireo.

Lireo.....

Pagdating ni Amihan sa Lireo ay sinalubong agad siya ng kanyang pamilya.

"YNA!"Magkapanabay na sambit nina Lira at Mira at niyakap si Amihan na gumati rin ng yakap sa kanila.
"Amihan!Mabuti at narito ka na!Ikaw na lamang ang hinihintay upang mapangalagaan na ang lahat ng mga sandata,armas at mga kalasag!"Panimula ni Mine-a at tumango si Amihan tsaka sila nagtungo sa silid ng mga armas at sandata.

Silid.....

Pagdating nila ay inilapag na nila ang kani-kanilang mga sandata,maliban kay Amihan.

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon