Abala si Amihan at ang mga mandirigma sa unti-unting pagbuo muli ng Sapiro.
"Pinunong Celestia!Unti-Unti ng bumabalik ang dating Sapiro!"Sabi ni Wantuk at tumango si Amihan.
"Tama ka,Wantuk!"Sabi ni Amihan.Magsasalita na sana si Pako ng biglang may ibinulong ang hangin.
"Pinuno?!Anong nangyayare?!"Alertong tanong ni Pako.
"Maiwan muna kayo dito!Magbantay ng maigi!"Utos ni Amihan at naglaho na.Lireo.....
Pagdating ni Amihan sa Lireo ay naka-suot siya ng kalasag at naka-takip ang kanyang wangis.Ngunit ang kanyang mga kapatid ay sugatan kaya siya ang humarap sa mga hathor.
"Alena Kalasag!Danaya gamutin niyo na ang inyong mga sarili!"Utos ni Amihan na siyang ginawa ng mga sang'gre at si Amihan naman ay napaslang ang mga hathor ng dumating si Hagorn kasama ang kanyang Mashna De na si Agane.
"Avisala!"Pagbati ni Hagorn at humalakhak.
"Avisala,Hagorn!"Pagbati ni Amihan na ikinakunot ng noo nina Hagorn at Agane.
"Ssheda!Hindi ka naman sang'gre at sumasagot ka!"Sabi ni Agane at tinanggal ni Amihan ang kanyang takip sa mukha.
"Hindi niyo na ba ako naaalala?!"Nakangising sabi ni Amihan sa kanila.
"Sino ka ba?!"Galit na tanong ni Agane,itinaas naman ni Amihan ang kanyang sandata.
"Naaalala niyo pa ba ang sandatang Arkey?!"Nakangising tanong ni Amihan.
"Oo!'Yan ang sandata ni Raquim na siyang pumaslang sa aking AMA!"Galit na sabi ni Hagorn at iniwaksi ang sandata ni Amihan gamit ang kanyang sandata.
"Na siyang purong KASINUNGALINGAN!Mabilis ka palang LINLANGIN,Hagorn!"Pang-aasar ni Amihan na siyang ikina-galit ni Hagorn kaya susugod na dapat si Agane pero ginamitan siya ni Amihan ng kanyang kapangyarihan.
"Pashnea!"Galit na sabi ni Hagorn at nginisian siya ni Amihan.
"Alam mo ba na HINDI si RAQUIM ang PUMASLANG sa iyong AMA?!"Galit na sabi ni Amihan.
"Detrumvia!Pare-pareho lamang kayong MANLOLOKO!"Galit naman na sabi ni Hagorn.
"Eh bakit kayo NAGPAPA-UTO?!"Pang-aasar muli ni Amihan at itinutok niya ang kanyang espada kay Hagorn."Nakikilala mo na ba ako HAGORN?!"Nakangisi at galit na sabi ni Amihan at naalala na siya ni Hagorn.
"AMIHAN!"Sabi ni Hagorn at tumango si Amihan.
"Eksakto,Hagorn!Ako nga!"Sabi ni Amihan na ikinagulat ni Hagorn."Nakakagulat hindi ba?!Na ang AMIHAN na inakala ninyo na napaslang na noong ako'y bata pa at noong mga nagdaang taon NARITO sa harap ninyo!BUHAY na BUHAY!"Galit na sabi ni Amihan at itinulak siya ni Hagorn.Dinaluhan naman siya ng kanyang mga kapatid.Tsaka nila inilabas ang kanilang mga brilyante.
"Umalis na kayo!"Galit na sabi ni Pirena pero pinigilan sila ni Amihan.
"Hindi pa tayo tapos,Hagorn!"Galit na sabi ni Amihan at pinatamaan niya si Hagorn ng kanyang kapangyarihan.
"Pashnea!"Galit na sabi ni Agane at dinaluhan niya si Hagorn na walang malay.Nilapitan naman siya ni Amihan at pinulupot niya ang latigo ni Agane sa leeg mismo ni Agane.
"Naaalala mo ba ang ginawa mo sa akin noon?!"Galit na tanong ni Amihan pero walang sagot si Agane."Pwes!Balikan natin!"Sabi ni Amihan at ipinakita kay Agane ang ginawa sa kanya habang naglalaban ang kanyang Ama at si Hagorn.(Isa pa sa mga masasakit na eksena noon sa Encantadia)
"Kung hindi ko ginawa iyon!Wala ka na sana ngayon!"Sabi ni Agane at binitawan siya ni Amihan.Tumingin sila sa paligid at wala na si Hagorn.Nagulat na lamabg sila ng may sumaksak kay Amihan mula sa likuran.
"AMIHAN!!!"Sigaw ng mga Sang'gre kasabay ng pag-alis nina Hagorn at Agane.
"AMIHAN lumaban ka!"Umiiyak na sabi ni Alena habang ginagamot ni Danaya si Amihan.
"P-Poltre!"Nahihirapang sabi ni Amihan tsaka siya nawalan ng malay.
"AMIHAN!!!"Sigaw nina Alena at Pirena habang si Danaya ay patuloy pa ring pinapagaling si Amihan.Nawalan na sila ng pag-asa ng dumating ang sinaunang diwata.
"Cassiopeia!"Sabay-sabay na sabi nila at dinaluhan sila ni Cassiopeia.
"Buhay pa siya!Hindi pa siya maaaring mapaslang!"Sabi ni Cassiopeia at dinala na nila si Amihan sa silid.
"Avisala Eshma sa iyong pagdating!"Pagpapasalamat ni Danaya at tumango si Cassiopeia.
"Gaya ng aking sinabi kanina!Hindi pa siya maaaring mapaslang sapagkat hindi pa nagaganap ang kanyang PROPESIYA!"Sabi ni Cassiopeia na ipinagtaka nila.
"Propesiya?"Takang tanong nila.
"Si Amihan ang pinaka-MAKAPANGYARIHAN sa buong Encantadia!Ako ang sinaunang diwata ngunit MAS makapangyarihan pa siya kaysa sa AKIN!"Paliwanag ni Cassiopeia."Kaya niyang kontrolin ang APAT na ELEMENTO ng mga Lira!May kakayahan siyang alamin ang pinagmulan at nakaraan ng sinumang nilalang!May bilis at liksi sa pakikipaglaban!At higit sa lahat!SIYA ang TULUYANG magpapa-bagsak sa HATHORIA at SIYA rin ang magbabalik ng KAPAYAPAAN dito sa ENCANTADIA!"Paliwanag muli ni Cassiopeia na ikinagulat nila.
"Kung ganoon ay dapat nga talaga siyang maging Hara!"Sabi ni Pirena pero umiling si Cassiopeia.
"Iyan ang 'wag na 'wag niyong gagawin mga sang'gre!"Babala ni Cassiopeia na ipinagtaka nila.
"Bakit?"Tanong ni Alena.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para siya ay maging hara!Sa ngayon...kailangan niya munang maghanda sa pagbabalik ng isang enkantado!"Sabi ni Cassiopeia at tumango sila tsaka naglaho si Cassiopeia.
"Hindi ko maunawaan si Cassiopeia!"Sabi ni Danaya.
"Maging kami rin!Ngunit gayon pa man ay nagpapasalamat kami na hindi mawawala sa atin si Amihan!"Sabi ni Pirena at nagyakapan sila ng magising si Amihan at nakita niya ang kanyang mga kapatid na magkakayakap kaya nagsalita siya.
"Ang DAYA niyo naman!"Malungkot na sabi ni Amihan at tumingin sa kanya ang kanyang mga kapatid."Naggo-GROUP HUG kayo tapos hindi niyo ako sinasali!"Nagtatampong sabi ni Amihan na ikinatawa ng kanyang mga kapatid.
"Amihan?!Hanggang ngayon ay nagsasalita ka pa rin sa mundo ng mga tao!"Natatawang sabi ni Alena.Tumayo naman si Amihan at lumapit sa kanila.
"GROUP HUG!"Sigaw ni Amihan at nagyakapan sila."Naalala ko noong nagkasama tayo noong mga bata pa tayo!"Sabi ni Amihan at tumango sila tsaka ipinakita ni Amihan ang naganap noon.Paghihiganti ni Amihan kay Hagorn?
Pagbabalik ng isang enkantado?
Propesiya kay Amihan?Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...