Kinabukasan.....
Lireo.....
Kasalukuyang naglalaro si Khalil kasama sina Banak at Nakba ng dumating si Alena kaya umalis muna ang dalawang adamyan.
"May nais po ba kayo?"Tanong ni Khalil.
"Khalil?Sana balang araw...mapatawad mo ako!"Sabi ni Alena na ipinagtaka ni Khalil.
"Bakit po,Yna?Wala naman po kayong kasalanan!"Sabi ni Khalil pero umiling si Alena.
"Marami akong kasalanan sa iyo,Khalil!Sana...mapatawad mo ako!"Sabi ni Alena at niyakap niya si Khalil na gumanti rin ng yakap.Sa ganoong sitwasyon sila naabutan nina Danaya at Pirena kasama si Ybrahim.
"Bakit kayo tumatangis?"Tanong ni Ybrahim.
"Wala!May naalala lamang kami!Pinayapa ko lamang ang loob ni Khalil!"Pagsisinungaling ni Alena at tumango sila.
"Nga pala...magandang balita,Alena!Nakipag-sanib na sa ating ang pwersa nina Amihan!Kakampi na natin sila!"Masayang sabi ni Pirena.
"Naibalik na ba ang mga alaala ng mga diwani?"Tanong niya pero umiling sila.
"Ngunit ganoon pa man...masaya kami 'pagkat kapanalig na natin sila!Batid kong matagal nang payapa ang Encantadia...ngunit mas maganda na rin na tayo ay handa at tiyak kong magwawagi tayo kung sakaling may panibagong panganib 'pagkat malakas ang pwersa ni Amihan!"Nakangiting sabi ni Danaya.Nang dumating si Aquil.
"Mga kamahalan!"Sabi ni Aquil at yumukod."Mayroon kayong mga panauhin na tiyak kong lubos ninyong ikatutuwa!Hinihintay nila kayo sa Punong Bulwagan!"Sabi ni Aquil at nagtungo na sila sa bulwagan maliban kay Khalil.Punong Bulwagan.....
Pagdating nila sa bulwagan ay naabutan nila ang apat na nilalang na nakatakip ang mga wangis.
"Magpakilala kayo!"Utos ni Danaya at isa-usa na nilang tinanggal ang kanilang mga takip.
"Hara Durie Mine-a!"-Mine-a.
"Rehav Durie Raquim!"-Raquim.
"Hara Durie Mayne!"-Mayne.
"Rama Durie Armeo!"-Armeo.
Lubos silang nagalak sa kanilang mga panauhin kaya agad-agad silang nagtungo sa mga ito at niyakap ng pagkahigpit-higpit.
"Tunay ba ito?!Buhay na kayong muli?!"Nagagalak na tanong ni Ybrahim at tumango sila.
"Oo,Ybrahim!Mga nabubuhay na kaming muli!"Masayang sabi ni Armeo.
"Ngunit...nasaan si Amihan?Ang mga diwani?"Takang tanong ni Raquim.
"Hindi niyo po ba alam na buhay na rin siya?"Tanong ni Alena.
"Batid namin na buhay na siya...ngunit ang ipinagtataka namin ay...wala siya dito!"Sabi ni Mine-a.
"Hindi namin batid kung saan sila nagkukuta ngunit may sinabi siyang lugar na nagngangalang.....Livea!"Sabi ni Danaya at nagkatinginan ang apat.
"Livea?Tila pamilyar ito!"Sabi ni Raquim at naalala niya ang sinabi ni Emre sa kanila bago sila tuluyang lumisan sa Devas.Balik Tanaw.....
Nakahanda na sina Mine-a,Raquim,Mayne, at Armeo para sa kanilang pagbabalik.Nang lapitan sila ni Emre.
"Mahal na Emre!"Sabi ni Mayne at yumukod sila.
"Mapayapang pagbabalik sa Encantadia!"Sabi ni Emre at tumango sila."Bago kayo tuluyang lumisan...nais kong ipaalam sa inyo na hindi na ang dating Amihan ang makikilala ninyo!Nagbago na siya!Naging bato na ang kanyang Corra hindi katulad dati na malambot ito!Wala na rin siya sa Lireo!"Paalala ni Emre at nagkatinginan silang apat.
"Nasaan na siya?"Tanong ni Raquim.
"Siya'y nasa Livea!Sa kanyang pagbabalik noon ay siya ang pumalit kay Cassiopeia upang ipagpatuloy ang pagtulong sa mga diwata...Sa Livea si Amihan ang Hara!Kasama niya ang dalawang hukbo ng mga ivtreng kawal ng Lireo at Sapiro!Kaya...umaasa ako na...maibabalik ninyo siya sa dating Amihan!'Wag niyo na rin siyang tawaging AMIHAN dahil hindi na iyon ang kanyang 'ngalan at nagiging sensitibo siya sa oras na marinig niya iyon!Gaya ng kanyang Corra ay binago rin ni Amihan ang kanyang 'ngalan at ito ay naging...CELESTIA!"Paliwanag ni Emre at tumango sila.
"Huling katanungan,Mahal na Emre!Saan matatagpuan ang Livea?"Tanong ni Mine-a.
"Ang Livea ay matatagpuan sa Silangan ng Lireo!Walang sinuman ang nakakakita dito maliban kay Amihan at sa kanyang mga kasama!Ngunit maaari niyo itong makita!"Sabi ni Emre at tumango sila tsaka sila bumaba sa Encantadia.
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...