Abala ngayon si Amihan sa pag-aasikaso ng mga mandirigma na kanyang nasasakupan.
"Pinunong Celestia?Tama ba ang aking narinig?Sa Sapiro na tayo magku-kuta?"Tanong ni Wantuk kay Amihan.
"Wantuk?!Kakasabi ko lamang hindi ba?!"Sabi ni Amihan at tumango nalang si Wantuk."Bukas!Bago sumikat ang araw ay lilisan na tayo dito!Kaya maghanda na kayo!"Utos ni Amihan at tumango sila.
"Masusunod,Pinuno!"Sabi nila at bumalik sa kanya-kanyang gawain si Amihan naman ay nagtungo sa kanyang kubol.
"Kung sana'y narito ka pa,Ybarro!Ikaw sana ang magiging pinuno ng Sapiro!"Sabi ni Amihan ng biglang pumasok sa kanyang kubol si Pirena.
"Tama ba ang narinig ko?!Si Ybarro sana ang mamumuno sa Sapiro?!"Tanong ni Pirena gulat namang napatingin sa kanya si Amihan.
"P-Pirena?"Gulat na sabi ni Amihan,umupo naman si Pirena sa kanyang tabi.
"Amihan magtapat ka nga sa akin!Ano ang kaugnayan ni Ybarro sa Sapiro?"Deritsuhang tanong ni Pirena kay Amihan.
"Siya ang nawawalang Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Amihan na ikinagulat ni Pirena.
"Si Ybarro ay si Ybrahim?"Gulat na tanong ni Pirena at tumango si Amihan."Kailan mo pa ito nalaman?"Tanong ni Pirena sa kanya.
"Matagal na!Nais ko sanang sabihin sa kanya ngunit tila hindi naman siya maniniwala!"Paliwanag ni Amihan at tumango si Pirena."Pero kung narito siya ngayon?Maaaring sinabi ko na ito sa kanya at itataguyod namin muli ang Sapiro!Ang kaharian ng aking Ama at ng kanyang pamilya!"Sabi muli ni Amihan at niyakap siya ni Pirena.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na kayo ay lilipat sa Sapiro?"Tanong ni Pirena na kumalas na sa yakap.
"Hindi ko lamang nais dagdagan ang mga suliranin ninyo!Namomroblema na nga kayo sa mga kaaway pati ba naman ako dadagdag pa?"Sabi ni Amihan,hinawakan naman ni Pirena ang kamay ni Amihan.
"Amihan?Hindi naman lahat ay puro sa kaaway lang!Anong silbi nang pagkakabuo nating magkakapatid kung nawawalan tayo ng oras sa isa't-isa?"Tanong ni Pirena.
"Batid ko,Pirena!Kaya ko naman itaguyod at itayo muli ang Sapiro gamit ang aking kapangyarihan!Isa pa...Nasa akin ang Kantao!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka ni Pirena.
"Kantao?"Takang tanong ni Pirena.
"Maaari akong matulungan ng kantao upang unti-unti kong maitayo muli ang Sapiro!"Paliwanag ni Amihan at tumango si Pirena."Sige na,Pirena!Baka hinahanap ka na nila!"Nakangiting sabi ni Amihan at tumango si Pirena tsaka siya naglaho.Lireo.....
Pagdating ni Pirena sa Lireo ay sinalubong siya nina Alena at Danaya.
"Pirena?Saan ka nagtungo?"Tanong ni Alena.
"Kay Amihan!"Simpleng sagot ni Pirena na ipinagtaka nila.
"Anong ginawa mo doon?"Tanong naman ni Danaya.
"Binisita ko siya at napag-alaman ko na lilisanin na nila ang kanilang kuta at lilipat sa Sapiro!"Paliwanag ni Alena.
"Bakit hindi ito ipinaalam ni Amihan?"Tanong muli ni Danaya.
"Hindi niya daw nais na maka-dagdag pa sa ating mga suliranin!"Sabi ni Pirena."Inamin niya rin sa akin ang totoong pagkatao ni Ybarro!"Sabi muli ni Pirena na ikina-kunot ng noo nina Alena at Danaya.
"Anong totoong pagkatao ni Ybarro?"Tanong ni Alena.
"Siya ang nawawalang Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Pirena na ikinagulat nila.
"S-Si Y-Ybarro at Y-Ybrahim ay i-iisa?"Nauutal na tanong ni Danaya at tumango si Pirena.Magsasalita na sana si Alena ngunit pumasok si Aquil kasama ang isang grupo na ngayon lamang nila nakita.
"Poltre sa paggambala!"Sabi ni Aquil at yumukod.
"Sino sila?"Mataray na tanong ni Pirena.
"Ako si ASVAL!At ito ang aking mga kasama!Kami ay narito upang ibigay ang aming katapatan sa inyo!"Sabi ni Asval at inirapan siya ni Pirena.
"Ikaw ba ang tinatanong ko?!Si Aquil ang tinatanong ko at hindi ikaw!At tsaka...hindi pa nga kami nagtatanong kung ano ang pakay ninyo!"Mataray na sabi ni Pirena.
"Hahantong din naman sa ganoon iyon!"Sabi ni Asval at inirapan lamang siya muli ni Pirena.
"Saang lahi kayo nagmula?"Tanong ni Alena.
"Kami ay mga Sapiryan!Isa ako sa mga Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Asval na ikinagulat nila nang dumating si Alira Naswen kasama si Amihan.
"A-Asval?"Gulat na sabi ni Alira.
"Avisala,Alira!"Pagbati ni Asval at nagkamay sila.
"Ikinagagalak kong makita kang muli!Maging kayo!"Masayang sabi ni Alira pero si Amihan ay napaka-sama ng tingin kay Asval.
"Amihan?Ayos ka lamang ba?"Tanong ni Alena pero hindi sumagot si Amihan bagkus ay lumapit siya kay Asval.
"Anong ginagawa mo?!Sino ka?!"Tanong ni Asval at nginisian siya ni Amihan.
"Ikaw si Asval hindi ba?Isang TAKSIL na Sapiryan!IKAW ang dahilan kung bakit namatay ang aking AMA!"Galit na sabi ni Amihan,pilit naman siyang pinapakalma ng kanyang mga kapatid.
"Anong pinagsasabi mo?!"Pagmamaang-maangan ni Asval.
"Anong pinagsasabi ko?!Bakit?!Hindi ba totoo?!Nagkaroon noon ng labanan sa pagitan ng Lireo at Sapiro laban sa Hathoria at napaslang ang kanilang hari noon na si ARVAK!Nagalit si Hagorn 'pagkat napaslang ang kanyang AMA at nagtungo ka sa kanya upang sabihin kung sino ang pumaslang sa kanyang AMA at sinabi mo na ang aking AMA ang pumaslang sa kanya ngunit ang TOTOO!Ikaw ang pumana sa kanya!Sabihin mo nga?!Paano mapa-pana ni AMA si Arvak kung ESPADA ang kanyang hawak at si Hagorn ang kanyang kinakalaban?!"Pagsisiwalat ni Amihan ng totoo at umiyak na siya.Dinaluhan naman siya ng kanyang mga kapatid.
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo!"Sabi ni Asval at SINUNTOK siya ni Amihan.
"Hindi mo ako maiisahan!Walang KATOTOHANAN na maitatago sa AKIN!"Galit na sabi ni Amihan.
"Wala nga akong kinalaman sa sinasabi mo!"Galit naman na sabi ni Asval at tinutukan siya ni Amihan ng kanyang Espada.
"Naaalala mo ba ang sandatang Arkey?"Nakangising tanong ni Amihan.
"OO!'Yan ang espada ni Raquim!"Sabi ni Asval.
"Tama ka!At alam mo rin ba na...nahanap ko na ang nawawalang rehav ng Sapiro?"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila.
"B-Buhay si Y-Ybrahim?"Nauutal na tanong ni Asval.
"Hindi!Hindi siya buhay!Patay siya!Kakasabi ko nga lang hindi ba?!Bingi ka ba?!"Galit na sabi ni Amihan.
"Paano mo ito mapapatunayan?!Wala ka ngang proweba na nahanap mo na siya!"Matapang na sabi ni Asval.
"Paano nga ba?!Eh PINASLANG mo siya hindi ba?!"Galit na sbai ni Amihan at nagkulay asul ang kanyang mga mata inawat naman siya ni Danaya.
"Ang nilalang na napana ko ay si Y-Ybrahim?"Tanong ni Asval.
"Eh diy lumabas din ang KATOTOHANAN!Ikaw ang PUMASLANG sa aking katipan!"Sumbat ni Amihan at humangin ng malakas.
"Eh diy MABUTI!Nang sa ganoon ay WALA nang sagabal sa aking pagiging Rama ng Sapiro!"Pagmamalaki ni Asval.Hindi naman nakatiis si Amihan kay sinakal niya si Asval.
"At sinong may sabi sa iyo na WALA ng SAGABAL sa trono ng Sapiro?!"Nakangisi at galit na sabi ni Amihan tsaka niya binitawan si Asval na nasubsob.
"SINO?!IKAW?!Sino ka ba talaga?!"Galit na tanong ni Asval.
"Hindi pa nga pala ako nakakapag-pakilala sa iyo!"Sabi ni Amihan at lumapit sa kanya."Ako si AMIHAN!Ikalawa sa apat na sang'gre!Anak ng Hara Mine-a ng Lireo at Rehav Raquim ng Sapiro!"Pagpapakilala ni Amihan sa kanyang sarili na ikinagulat ni Asval at ng kanyang mga kasama.
"Amihan tama na!"Pag-awat ni Danaya.
"Narinig mo naman siguro ang Hara?!Tama na!"Sabi ni Asval at naglaho si Amihan na galit na galit at inis na inis."Mahal na hara!Nais na--"Hindi naituloy ni Asval ang kanyang sasabihin sapagkat nagsalita si Danaya.
"Ssheda Sapiryan!Hindi ka namin matatanggap bilang aming kapanalig!Kung KAAWAY ka ng aming kapatid KAAWAY ka na rin namin!Ayaw na ayaw naming nakikitang nasasaktan ang isa't-isa lalo na si Amihan!Nawala na ang kanyang katipan at dumagdag ka pa!"Galit na sabi ni Danaya at sinamahan nila Aquil at Alira Naswen paalis ng bulwagan.
"Kailangan nating maka-usap si Amihan!"Sabi ni Pirena at tumango sila tsaka sila naglaho.Kuta ng mga Mandirigma.....
Pagdating nila sa kuta ng mga mandirigma ay wala na silang naabutan na sinomang enkantado.
"Wala na sila!"Sabi ni Alena.
"Maaaring nagtungo na sila sa Sapiro!"Sabi ni Pirena at tumango sila tsaka sila naglaho patungong Sapiro.Sapiro.....
Pagdating nila sa Sapiro ay hindi sila nagkamali!Lahat ng mandirigma ay naroon na ngunit wala si Amihan.
"Mandirigma?Nasaan si Amihan?"Tanong ni Danaya kay Wantuk.
"Mahal na Hara!Siya ay nasa balkonahe!Nagpapahangin!"Sabi ni Wantuk at tumango sila tsaka sila nagtungo sa balkonahe.Balkonahe.....
Pagdating nila sa balkonahe ay naabutan nila si Amihan na tumatangis at nakatingin sa langit.
"Ama bakit ganoon?Isa-isa na kayong nawawala sa akin!Una IKAW!Pangalawa si Yna!Pangatlo si Ybarro o mas maganda kung tawagin sa ngalang YBARAHIM!Sino pa ba ang mawawala sa akin Emre?"Umiiyak na sabi ni Amihan."Dumagdag pa ang BAGONG KAPANALIG ng mga Diwata na siyang pumaslang sa inyo!"Sabi muli ni Amihan.
"Hindi naman namin siya tinanggap!"Sabi ni Pirena.Gulat naman na napatingin sa kanila sa Amihan.
"A-Anong g-ginagawa n-niyo d-dito?"Nauutal na tanong ni Amihan.
"Nais namin ipaalam sa iyo na HINDI namin siya TINANGGAP bilang bagong kapanalig!'Pagkat KAAWAY mo?KAAWAY din namin!"Paliwanag ni Danaya.
"Batid niyo rin ba?Na SIYA ang PUMASLANG sa aking mga MAHAL?"Tanong ni Amihan at tumango sila.
"OO!Siya ang pumaslang sa iyong katipan!"Sabi ni Alena pero umiling si Amihan.
"Hindi lamang si Ybrahim ang kanyang pinaslang!Pinaslang niya rin ang isang DIWATA na lubhang napaka-halaga para sa ating magkakapatid!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka nila.
"Diwatang lubhang napaka-halaga sa ating magkakapatid?Si YNA ba ang iyong tinutukoy,Amihan?"Tanong ni Alena at tumango si Amihan.
"Eksakto,Alena!"Sabi ni Amihan at nagsimula na silang umiyak.Ipinakita ni Amihan sa kanila ang pagpaslang sa kanilang Yna.(Isa sa mga masasakit na eksena noon sa Encantadia)
"ASVAL!!!!!"Sigaw ng tatlong Sang'gre at dinaluhan sila ni Amihan.
Maghihiganti ba sila kay Asval?
Maghihiganti ba sa kanila si Asval?ABANGAN ang pagpapatuloy ng hinagpis ni Amihan at ng mga sang'gre!
Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...