Kabanata 12:Muling Pagbangon ng Sapiro at Ang pagbabalik

804 28 1
                                    

Dahil sa tulong ng mga sang'gre ay nabuong muli ang Sapiro!Dinagdagan din ni Danaya ng mga kawal ang Sapiro kasama na sina Alira Naswen at an kanyang hukbo.Ngayon ay hihirangin ng PRINSESA ng Sapiro si Amihan.

"Amihan!Binabati ka namin!"Masayang pagbati ni Alena.
"Avisala Eshma sa inyo!Kung hindi dahil sa tulong niyo ay hindi maitataguyod muli ang Sapiro!"Pagpapasalamat ni Amihan at nagyakapan sila.Nang tumunog ang kampana ng Sapiro.
"Magsisimula na ang seremonya!"Sabi ni Pirena at nagtungo na sila sa Punong Bulwagan ng Sapiro.

Punong Bulwagan.....

Pagdating nila sa punong bulwagan ay nakayukod ang lahat at nagpapalakpakan ang iba.Hanggang sa makarating na sila sa trono.Hawak ni Danaya ang espada ni Amihan si Alena naman sa korona.

"Bilang Hara ng mga diwata at Encantadia!Ikaw AMIHAN ay aking inaatasan na maging Diwani ng Sapiro!"Sabi ni Danaya at yumuko si Amihan tsaka ipinatong ni Danaya ang espada ni Amihan sa magkabilang braso niya at pagktapos ay kinuha niya ang korona at isinuot kay Amihan.
"Ivo Live,Diwani Amihan!"Sigaw ni Alira Naswen.
"Ivo live!"Paulit-ulit na sabi ng mga mamamayan.

Samantala si Cassiopeia ay pinagmamasdan sila gamit ang kanyang kawa.

"Tingnan mo!May diwani na ang Sapiro!May makakatuwang ka na!"Masayang sabi ni Cassiopeia sa nilalang na katabi niya.
"Tama ka,Cassiopeia!At sa aking paghantad ay mas magiging matayog pa ang Sapiro!"Sabi ng nilalang at tumango si Cassiopeia tsaka umalis ang nilalang.

Kalagitnaan ng Kasiyahan.....

Lahat ng mamamayan na nasa Sapiro ay napaka-saya sa bago nilang diwani.Ngunit mapapansin pa rin ang lungkot sa mga mata ni Amihan.

"Amihan?May problema ba?"Tanong ni Alena.
"Naaalala ko lang si Ybrahim!Marahil kung narito pa siya ay SIYA ang namumuno dito at tatanghalin siyang Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Amihan at pilit na ngumiti si Amihan nang biglang dumating si Cassiopeia.
"Cassiopeia!"Magkapanabay na sabi ng mga sang'gre maliban kay Amihan at yumukod ang mga mamamayan.
"Avisala,Amihan!Binabati kita!"Pagbati ni Cassiopeia.
"Avisala Eshma!"Pagpapasalamat ni Amihan.
"Mayroon akong handog sa iyo!"Sabi ni Cassiopeia at lumabas ang isang nilalang na nakasuot ng 'di pangkaraniwang kalasag.

"Mayroon akong handog sa iyo!"Sabi ni Cassiopeia at lumabas ang isang nilalang na nakasuot ng 'di pangkaraniwang kalasag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Huling laban sa Encantdia)

"Y-Ybrahim?"Sabi ni Amihan at nginitian siya ni Ybrahim.
"Avisala El Correi!"Pagbati ni Ybrahim at tumakbo sa kanya si Amihan tsaka nila niyakap ang isa't-isa."Masaya ako at nakita kitang muli!"Sabi ni Ybrahim na kumalas na sa yakap.
"Ganoon din ako!"Sabi naman ni Amihan.Nilapitan naman siya ng kanyang mga kapatid.
"Amihan?!Total narito na rin si Ybrahim...tatanghalin na rin natin siya bilang Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Pirena at nagkatinginan sina Amihan at Ybrahim.
"Oo!"Sabi ni Amihan at ginamitan ng majika ang kasuotan ni Ybrahim at naglakad na si Ybrahim patungo sa trono.
"Bilang hara ng mga diwata at Encantadia!Ikaw YBRAHIM ay aking inaatasan na maging Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Danaya at yumuko si Ybrahim tsaka nilagay ni Danaya ang sandata ni Ybrahim sa magkabilang braso at kinuha na ni Danaya ang korona at isinuot ito kay Ybrahim pagkatapos ay umupo si Ybrahim sa trono.

"Bilang hara ng mga diwata at Encantadia!Ikaw YBRAHIM ay aking inaatasan na maging Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Danaya at yumuko si Ybrahim tsaka nilagay ni Danaya ang sandata ni Ybrahim sa magkabilang braso at kinuha na ni Danaya ang korona at isinuo...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Noong kinoronahan si Ybrahim bilang Rama ng Sapiro ngunit sa ngayon ay Rehav muna siya)

"Ivo Live,Rehav Ybrahim!"Sigaw ni Alira Naswen.
"Ivo live!"Sigaw naman ng mga mamamayan at nagpalakpakan sila.
"Kompleto na ang inyong pinuno!"Anunsyo ng Hara Danaya at nagpalakpakan muli sila.Pagkatapos ay nagpatuloy sa kasiyahan.Sina Amihan at Ybrahim naman ay nagtungo sa kanilang silid.
"Napakasaya ko at nakasama kitang muli,Amihan!At ngayon...tayo na ang Rehav at Diwani ng Sapiro!"Sabi ni Ybrahim at binigyan ng isang napaka-tamis na HALIK si Amihan sa labi na siyang tinutugon ni Amihan.
"El Correi Diu,Rehav Ybrahim!"Sabi ni Amihan.
"El Correi...Dei Diu,Diwani Amihan!"Sabi ni Ybrahim at muli nilang hinalikan ang isa't-isa at sila ay nagdaupang palad.

Ang hindi nila batid ay kanina pa pala sila minamanmanan nina Asval at ng kanyang hukbo.

"Magpakasaya kayo 'pagkat mababawi ko rin ang nararapat para sa akin!"Siguradong sabi ni Asval at nilisan ang Sapiro.

Kinabukasan.....

Nagising sina Amihan at Ybrahim na magkayakap at walang kahit anong kasuotan.

"Ybrahim gising!"Paggising ni Amihan kay Ybrahim.Agad namang gumising si Ybrahim at nagulat siya ng wala silang kasuotan."Anong nangyari?"Tanong ni Amihan habang ginagamitan niya ng majika ang kanilang kasoutan at ilang sandali pa ay nakasuot na sila ng kanilang mga kasuotan.
"Wala akong matandaang nangyari kagabi!"Sabi ni Ybrahim at tumayo na sila ng pumasok si Wantuk.
"Mahal na Rehav!Mabuti at gising na kayo!"Sabi ni Wantuk.
"Ano bang naganap kagabi,Wantuk?"Tanong ni Amihan.
"Hindi ko alam sa inyo!Basta kami nagkakaaiyahan ng umalis kayo ng bulwagan!"Sabi ni Wantuk at tumango sila tsaka sila nagtungo sa bulwagan.

Punong Bulwagan.....

Pagdating nila sa punong bulwagan ay nakita nila si Aquil.

"Avisala Diwani at Rehav ng Sapiro!"Nakangiting bati ni Aquil at yumukod.
"Anong maipaglilingkod namin sa iyo?"Tanong ni Amihan.
"Nais kayong kausapin ng Mahal na hara!May nais silang sabihin sa inyo!"Nakangiting sabi ni Aquil.
"Alira Naswen?Ikaw muna ang bahala dito sa Sapiro!"Utos ni Ybrahim.
"Masusunod!"Sabi ni Alira at bumaba sa trono si Amihan at Ybrahim tsaka sila naglaho kasama si Aquil.

Lireo.....

Pagdating nila sa Lireo ay naabutan nila sina Alena at Pirena kasama si Danaya at nagkakatuwaan sila.

"Amihan!Ybrahim!Narito na kayo!"Masayang bati ni Alena.
"Ano ba ang kaganapan?"Tanong ni Amihan.
"May magandang balita sa inyo si Pirena!"Sabi ni Danaya na ipinagtaka nila."Pero baho iyon?!Kumain muna tayo!"Sabi muli ni Danaya at pumwaesto na sila sa hapag.

Ano ang balita ni Pirena?!

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon