Kabanata 03

19.3K 415 23
                                    

Chapter 3: Meet the Gangsters

Mnemonicson Academy: isang malaki, magarbo at sikat paaralan. It's a school of the jocks, spoiled brats, mean girls, rich kids, nerds, and of course.. gangsters. Name it, they have all types of people.

Hindi ko namang ginusto na lumipat ulit ng mapapasukang eskwelahan. Sa totoo lang, sawang-sawa na ako sa paulit ulit kong paglipat. For the first time, hindi ako lumipat dahil na-kick out ako. I transferred because my 'fanboys' were so eager to kill me whenever they get the chance.

Malapit na ang oras para sa klase, kaya naman madaming estudyante ang nagkukumpulan papasok ng paaralan. Lahat sila ay nagmamadali at ang iba'y may nakakabanggaan pa. Ngunit sa tuwing malalagpasan nila ako, nagkakaroon pa sila ng oras upang lumingon saglit at titigan ako na para bang ngayon lang sila nakakita ng dyosa. I looked straight ahead while walking with my head and chin up. Wala akong pakialam sa mga oras na ito kung pinagtitinginan ako ng mga tao rito. Tumingin lang sila kung gusto nila, paki ko ba?

"It's rude to stare," nagawa kong sabihin ito sa isang lalaki na kanina pa tingin ng tingin sa akin at bigla na lang ngingiti kapag nagkasalubong ang mga mata namin. Mukhang tanga na akala mo naman ay magkakilala kami. Sinimangutan niya lang ako at nagmadali rin siyang umalis matapos siyang tawagin ng isa sa mga kasamahan niya.

Napairap ako sa kawalan. It's obvious that I stand out among the crowd. Maputi ako, mestiza, may tamang katangkaran, mapupungay na mga mata at mahahabang pilikmata. I have brown eyes which perfectly matches my natural wavy brown hair. Hindi ito ang tinutukoy kong humahakot ng atensyon. I mean, I am currently wearing a thick eyeliner and I have an all black get up from head to toe. Ako lang ang naiiba sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Lahat sila, nakasuot ng kanilang uniporme so there's nothing shocking about them, turning their heads to glance or rather stare at me. Sabagay, hindi naman kasi ito ang unang araw ng klase kaya't nararapat lang na naka-uniporme ang mga estudyante-except for me, this is my first day.

"New student ba 'yun?"

"She looks like a gangster."

Guess what? I don't give a damn.

***

"Oh look, what do we have here? A new face! Introduce yourself, miss," a petite middle-aged man wearing long sleeves and khaki pants pointed at my direction. Nakangiti s'ya ng napakalawak na para bang mapupunit na ang kanyang mga labi.

I slouchily stood up from my seat, not even thinking of going in front of the class. I just lazily stood without a mindset to take even a step away where I was. Nagsilingunan ang mga estudyante sa likuran kung nasaan ako. "I'm Gab?" I shrugged my shoulders. I know, this is probably the lamest introduction ever. Who cares?

Nakatuon pa rin ang buong atensyon ng klase sa akin. There was a long moment of dead air bago pa napagdesisyunan ng aming guro na magsalita. "Alright, ha-ha," he let out an awkward laugh and clapped his hands simultaneously. "Let's proceed to our topic for today." Agad akong umupo at nakinig sa teacher na ngayo'y kasalukuyang nagtuturo. I'm not a nerd nor a cuckoo brain, just in the middle of that. Kahit na lagi ako gumagawa ng gulo, I know the right time and right place. Ngayon? Sa tingin ko makikinig na lang muna ako.

***

Mabilis tumakbo ang oras because the next thing I knew, the bell rang. So I guess, it's break time.

Pagkalabas ko ng classroom, may humarang agad sa harapan ko. I didn't see this coming on my first day though. Matangkad siya kaya kailangan ko pa tumingala ng kaunti upang mahagilap ang mukha nya. Maputi at may pagkachinito: ito ay ilan lamang sa mga katangian niya. He has this messy dark brown hair at nakasuot sya ng malaking glasses, not the nerd type though. He was wearing a jersey which obviously means he's a jock. This guy looked kind of familiar in the weirdest possible way.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon