Kabanata 17

13.2K 294 6
                                    

Chapter 17: Underground World

Diretso ka lang na pumasok ng cafe. Sabihin mo ang password sa lalaking nakaitim katabi ng cashier.

Ilang beses akong napabuntong hininga pagkatapos mabasa ang text ni Clint. Kanina pa akong hindi mapalagay sa hindi malamang dahilan. Wala namang makakakilala sa akin dahil sa suot ko ngunit masama pa rin ang kutob ko. Tumunog ang cellphone ko, hudyat na tapos na ang limang minuto na i-sinet ko sa timer. Ibig sabihin nito ay kailangan ko nang pumasok. Nagpakawala ako ng huling buntong hininga. Hinawi ko ang ilang pirasong laglag na buhok na tumatakip sa gilid ng mata ko. Taas noo akong naglakad patungo sa Honeybee's at binuksan ito.

Nahagip ng mata ko si Ate Cj at si Yanna na nag-uusap. Bakit si Ate Cj ang naroon at wala si Jeremy? Ang taas pa ng sikat ng araw kaya dapat si Jeremy ang on shift ngayon. Napangiwi ako sa pagtataka. Tinitigan ako saglit ni Ate Cj ngunit nagbalik ang atensyon niya kay Yanna dahil kasalukuyan silang nag-uusap. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko upang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Huh?! Dito tumitira si Gab?" napatigil ako sa kinatatayuan ko nang marinig kong nabanggit ang aking pangalan.

"Oo, sa basement siya natutulog. Hindi ko lang alam kung bakit hindi siya umuwi kagabi. Buti na lang kamo! Nandito kasi yung muntik na kumuha sa kanya noon! Yung kalbo tsaka yung Carlos daw yata?"

"Muntik na kumuha? Anong sinasabi mo, ate? Bakit wala yata akong alam dyan? Sinasabi ko na nga ba naglilihim sa akin si Gab eh!"

Bumuka na ang bibig nito at namilog ito nang makita niya na ako ay nakahinto at nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mata niya at nag-iwas ng tingin. Napakurap ako ng mabilis at buti na lang naka-shades ako. Hindi niya yun nakita. Nagpatuloy muli ako sa paglakad at lumapit sa isang lalaking nakaitim na nakaupo sa tabi ng cashier.

"Password?" malaki siyang tao at malalim ang boses nito.

"Underground world," mahinang bulong ko. Kahit na nakatakip ang bibig ko ay mukhang naintindihan naman niya ito dahil tumango siya. Lumingon sya sa kaliwa't kanan pagkatapos ay binuksan ang pintuan papuntang basement.

"Pasok," nagitla ako nang bigla siyang nagsalita.

Muntik na ako madapa sa pagmamadali kong pumasok. Bumaba ako ng hagdan papuntang basement at inabutan ko si Clint na nag-aabang sa harap ng isang malaking picture frame. Tinanguan niya ako bilang hudyat na papasok ako pagkatapos muli ng isa pang limang minuto. Tumango rin ako bilang tugon. Kinuha ko ang cellphone ko at i-sinet muli ang limang minuto sa timer. Pinanood ko si Clint nang lumapit ito sa bookshelf na katapat ng kama. Pinalo niya ito ng tatlong beses at laking gulat ko nang gumalaw ito. Inilantad nito ang isang malaking lagusan papunta sa isa pang kwarto. Hindi ko alam na may ganito pala rito. Ngayon ay 'di na nakakapagtaka kung paano nakuha ni Clint ang dagger. Kahit sino pala ay nakakalabas pasok dito sa basement. And to think na may hideout dito na 'di ko alam, there's really a lot to discover.

Natauhan ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko. Ito na ang signal. Kagaya ng ginawa kanina ni Clint, pinalo ko ang bookshelf ng tatlong beses. Akala ko ay hindi ito gagalaw dahil nananatili ito sa pwesto nito. I was about to hit it again when it finally moved. Napaismid ako and I felt a sudden relief. Nagbilang pa ako ng hanggang tatlong segundo bago ko naisipang tuluyan na pumasok sa hideout. Mabagal akong maglakad kaya muntik pa akong masaraduhan at maipit ng bookshelf.

Pinagmasdan ko ang paligid at makalaglag panga ito. It was about the three times bigger than the size of our school's gymnasium. Ang disenyo nito ay isang arena ngunit covered at may kisame. Ang ipinagkaiba lang ay gawa ang lahat sa bakal. Mula sahig hanggang kisame, lahat ay pawang bakal lamang kaya matapang ang amoy sa loob. Kumikinang pa ang mga ito, kahit mukhang luma na ang lugar na ito ay alagang alaga siguro ito. Walang bakas ng kalawang dito. May mga upuan din ngunit ito ay parang hagdanan, mula sa baba hanggang sa mataas na kisame ng gusali ay mayroong hagdan. Samantalang ang pinakamataas na bahagi ng hagdanan ay may limang trono.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon