Kabanata 09

15.4K 331 19
                                    

Chapter 9: Clash of Gangsters

"Gab! Dito!"

Narinig ko ang boses ni Yanna na tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa harapan ng cafeteria kung saan nagmula ang boses niya. Nakita ko siyang nakangiti at kumakaway sa direksyon ko.

It's been three days since the Marcus guy was killed. Hindi na siya masyadong napag-uusapan dahil ipinagbawal ito ni Mr. Mnemonicson. The authorities also declared it as suicide. Since then, I never talked to Jairus. Hindi na rin ako nakatanggap ng sulat mula sa hindi ko alam kung sino.

Medyo bumalik na sa dati ang lahat, kahit na ang iba ay di pa rin nakakamove on sa nangyari. Ilang estudyante ang lumipat ng paaralan ngunit karamihan ay nanahimik na lang. Graduating students na kami kaya mahirap lumipat sa gitna ng school year. Moreover, halos lahat ay sanay na sa ganitong sitwasyon. They've experienced worse.

"Gab!"

Nabalik ako sa katotohanan nang narinig ko muli ang boses ni Yanna. Bakit siya nakaupo sa table na nasa pinakaharap ng cafeteria? If I'm not mistaken, that's the table of Anarchy 5. The table which I had the most precious memory of my flying mac and cheese. Now that I remember, her boyfriend's a member of A5. Tinignan ko ang table at kumpleto roon ang Anarchy 5. Kahit si redhead ay doon din nakaupo.

Teka, si redhead? Kinilabutan ako nang makita ko siya. Hindi pa rin ako sigurado kung kaugnay talaga siya sa pagpatay kay Marcus. Lalo na at natanggap ko ang sulat kung saan maaari siya ang tinutukoy. Hindi pa ako handang magpakita sa kanya. I kept up with my blank expression at tumungo ako palapit ng table nila. Dala ko ang tray ko na naglalaman ng lagi kong inoorder: Mac and cheese, fries at gulaman.

Naramdaman ko ang mata ng karamihan sa akin. Maybe now they're thinking if I would really sit with the gorgeous gangsters.

"Dito ka umupo sa tabi ko, Miala. Ay wait. Hala, wala na palang upuan," halos pabulong na pagkakasabi ni Vince na may halong panghihinayang.

"Wait lang, kukuha ako," masayang pagboboluntaryo ni Jeremy.

Pinigilan ito ni Grayson at pinabalik sa kanyang upuan. Nagtataka namang bumalik si Jeremy. "Dito ka na umupo," nilagpasan ako ni Grayson at pumunta sa kabilang table upang kumuha ng upuan.

My jaw clenched when I realized where I was supposed to sit. Tignan mo nga naman, sa dinami rami ng upuan ay sa tabi pa ako ni redhead pinapaupo. I was not grateful kaya hindi ako nagpasalamat kay Grayson. Anong pakialam ko kung gentleman siya? Mamaya isang pakitang tao lang pala sya. Umupo ako at nilapag ang tray sa lamesa. Dala ang isang upuan ay umupo naman sa kaliwa ko si Grayson.

"Miala, long time no see," bati sa akin ni Ethan.

Tinanguan ko lamang siya. Sa Anarchy 5, siya ang una kong nakilala bago pa man kay Jeremy. Well, that's because he's my bestfriend's boyfriend. I have to beat the hell out of him if he does something mischievous.

"Tuwing nakikita yata kita ay paganda ka ng paganda ah?" as usual, inilantad ni Vince ang nakakasilaw na pantay pantay niyang ngipin. Kumindat siya at hinawi ang ilang piraso ng buhok niya. Napapansin ko lang na tuwing ngumingiti siya, parang nagliliwanag ang paligid. He has that kind of effect. He's a casanova after all.

"Hindi siya tatablan ng mga damoves mo, Vince. Diba, ate Gab?" parang nawawalang bata na tinatanong kung nasaan ang nanay niya na pagkakasaad ni Jeremy.

Pinanood ko lang sila mag-usap. Kahit hindi ako nagsasalita, walang dead air dahil sa kadaldalan nila. Dahan dahan kong kinain ang mac and cheese ko. Sinalpak ko rin sa bunganga ko ang isang dakot na fries. Nag-uusap lang sila Yanna, Ethan, Jeremy at Vince. Hindi naman ako nakikinig dahil wala akong balak makiusyoso. Samantalang kaming tatlo nila Grayson at Jairus ay tahimik na kumakain. Napataas ang isa kong kilay nang naramdaman kong may tumapak sa kanang paa ko. Pagkatapos nito ay umubo ang katabi ko sa kanan, which is redhead. Pinigilan ko ang sarili ko lumingon at itinuon ang atensyon ko sa pagkain. Sumubo ako ng mac and cheese at kumuha ulit ng isa pang dakot ng fries.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon