Kabanata 11

16.6K 346 23
                                    

Chapter 11: Attracted to Danger

Thou shalt not suffer a witch to live.

Nagkasalubong ang dalawa kong kilay sa aking nabasa. Anong ibig sabihin ng sulat na ito? May mamamatay na naman ba o hindi kaya ay may taong magpapakita ulit? There are many questions clouding my mind begging to be answered. But then, kahit isang tanong ay wala akong masagot.

"Ayos ka lang?" tanong ni Grayson na may pag aalala sa kanyang mga mata.

My heart skipped a beat when he suddenly appeared in front of me. Pasimple kong ginusot ang papel nang hindi niya nakikita at sinilid sa bulsa ko.

"Oh. Baka nagugutom ka. Mag-ingat ka, mainit pa 'to," nilapitan niya ako at binigyan ng isang pepperoni pizza na nakabalot sa tissue.

"Salamat."

"Wow, tama ba narinig ko? First time yun ah!" manghang pagkakasabi nito.

"Mukha kang tanga."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Maamo at inosente ang mukha ni Grayson. Ngayon ang unang beses na nakita ko siyang nakangiti at may iba sa mga ngiti nito. Tila may alam siya na hindi ko alam at masama ang kutob ko. Hindi ako maaari mapalapit sa katulad niya. He's a gangster and I despise their kind.

"Hoy kayong dalawa dyan! Baka mamaya magkadevelopan kayo nyan!" puna ni Ethan.

"Miala, sweetheart! Upo ka dito dali! 'Wag ka dyan kay Grayson, nangangain yan ng tao," nakakalokong sambit naman ni Vince.

"Loko, 'wag mo kausapin ang sarili mo brad!" sagot naman ni Grayson.

Napag desisyunan naming umupo kasama ang A5. Pinaghila pa ako ni Grayson ng upuan bago siya umupo. I awkwardly nodded to him as a sign of thanks. Nang nakaupo na ako ay napuna kong katabi ko si Vince sa kanan, samantalang si Grayson sa kaliwa.

"Tada! Java Chip mo, Ate Gab," umupo si Jeremy sa tapat ko at nilagay sa table ang pinakamamahal kong Java Chip Frappe. Nagtataka ko siyang tinignan dahil hindi naman ako umorder.

"Sagot ko yan, sweetheart," naramdaman ko ang mainit na hininga sa kanan ko. Maharot talaga si Vince kahit kailan.

"Ba't siya lang meron, Jem? Dugas naman. Gawan mo rin ako. Tsaka oy Vince, wag mo nga tinatakot si Miala. Masasapak ako ni Yanna kapag nilandi mo yan."

"Grabe naman yung term mo. Landi agad? Good deeds 'to bro. Minsan na nga lang ako manlibre eh," kinuha ni Vince ang Java Chip na dapat ay sa akin at uminom siya nito ng kaunti. Pagkatapos uminom ay inabot niya ito sa akin kaya napangiwi ako. Dinilaan niya ang labi niya nang may mga natirang whipped cream dito. Nang napansin niyang nakatingin pa rin ako sa kanya ay kinindatan niya ako. Napasinghap ako sa ginawa niya.

'Di naman ako maarte sa inumin kaya tinanggap ko ang inabot niyang Java Chip. Nagulat na lamang ako nang sa isang segundo ay naglaho mula sa kamay ko ang hawak kong frappe. Dinampot pala ito ni Jairus at nilaklak ng isang lagok. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit walang epekto ito sa kanya.

"Tabi, doon ka umupo," sumulpot si redhead at halos kaladkarin paalis sa tabi ko si Vince.

Napakunot ang noo ko sa inasal niya. Sadyang nang aasar yata si Jairus sa ginawa niyang pagtabi sa akin ng upuan. Pati tadhana ay nakikipag laro sa akin. I've told myself a hundred times to avoid these people. But hell! Why does fate always find its way to have our paths crossed?

"Gago 'tol! Ba't mo ako tinulak? Dyan ako nakaupo eh!"

"Doon ka na nga umupo sa tabi ni Jem."

Napansin ni Vince na hawak ni Jairus ang Java Chip na inabot niya sa akin kanina. Napagtanto rin niyang wala na itong laman kaya't agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. "Teka, ba't mo ininom yan?! Para kay sweetheart 'yan eh. KJ mo, pare!"

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon