Chapter 22: Red Box
For the next few days, I trained really hard whenever I'm dismissed from school. Pumupunta ako agad ng mansion pagkatapos ng klase upang magsanay. I had to take the taxi and then Clint will fetch me in the middle of nowhere. Nagsanay na kami ng iba't ibang techniques sa pakikipaglaban. Mga do's and don'ts when fighting and things to avoid. Tinuruan niya rin ako ng special techniques that he used all throughout the years kaya hinirang siyang the legendary gangster. That pretty much summarizes my schedule for the whole week. I did well during the training, he said. Kaya binigyan niya ako ng premyo kahapon. Niregaluhan niya ako ng bagong motor! It was way better than my old baby. Mas mahal din ito at mas maganda rin ito para sa akin. Good mood ako ngayong araw dahil doon.
Malapit na ang examinations namin. Lahat ng estudyante ay kina-career ang pag-aaral sa mga subject. Basta pumasa ay okay na. Kapag kasi may nabagsak kang subject ay kailangan mag summer class. Wala namang may gusto nito sa amin kaya puspusan ang lahat sa paggawa ng mga reviewer at pagsusunog ng kilay sa pag-aaral. Kapag alam naman nila na hindi kaya ng utak nila, they secretly make kodigos and they hide it under their sleeves during exam. Kanya-kanyang diskarte ika nga.
Papunta ako sa library ngayon. Pinahintulutan kami ng guro namin na mag-aral na lamang dahil tapos na ang mga lessons namin at parating na ang examinations. Sinabi sa akin ni Yanna na tutulungan niya raw ako magreview kaya sumunod na lang daw ako sa library. I don't like to fail my exams so I took the offer. Habang naglalakad ako ay isang grupo ng kababaihan ang tumambad sa akin na nakaharang sa nag-iisang daan papuntang library. Aish, ayoko pa naman madamay sa gulo ngayon. Masaya ang mood ko ngayon at ayaw ko itong masira dahil lamang sa mga taong walang magawa.
"Just because you have a famous sister, doesn't mean you can go with us!" sigaw ng isang babae at sinabunutan ang maliit na babaeng nakasalamin at mukhang junior pa lang.
Umirap ako sa eksenang nangyayari sa harap ko. I crossed my arms at inisip kong maghihintay muna ako ng isang minuto. Nakakadala kasi tumulong. Baka mamaya tulungan ko itong babaeng ito ngunit magmukha na naman akong masama. I'm done with getting accused and yelled at. Mas mabuti pa na hindi ko sila pansinin. Not that I'm mean, but I just want to handle my own business.
"Ano? Isusumbong mo ba kami sa ate mo?"
"Nerd, just stop hanging out with your sister. Hindi bagay tignan. Isang mukhang manang at isang fashionista. Ang sagwa!" nagtawanan sila na lalo kong ikinainis. I guess I can't stop the call of being good samaritan right now. Feel na feel ko ngayon ang pagkakaroon ng good vibes kaya idadamay ko na ang babaeng mukha raw manang na nakasalamin.
"Excuse me, dadaan ako," seryoso ang itsura ko ngayon habang sila ay nakataas ang kilay na tumingin sa akin.
"Look who's here. Ikaw yung bitch na dikit ng dikit sa Anarchy 5 diba?!"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Did she just call me the b-word? Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay binibigyan ako ng label ng walang permisyon galing sakin.
"Sinabi ko bang gusto ko dumaan?" ngumisi na ako ngayon. Mukhang hindi ko talaga kayang iwasan ang kaguluhan. I'm magnetic to trouble and we are surely soulmates. Magagamit ko na rin siguro ang mga natutunan ko sa pagsasanay ngayong araw.
"I didn't hear you," maarteng pagkakasabi nito. Mas maarte pa sya kesa kay Denise. Sarap nilang pag uuntugin lahat eh. Pagbuhulin ko kaya ang mga bituka nitong mga haliporot na 'to.
"Oh talaga? Edi paparinig ko ulit sayo. Excuse me," dumaan ako sa gitna nila at sinadyang banggain ang dalawa sa balikat. Nagback kick ako at pinalabas kong nadulas lamang ako. "Ay, di ko sinasadya. Nadulas yata ako," nakakapang asar na sambit ko habang nakangisi ng malawak.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...