Chapter 31: Aftermath of Tragedy
Balik kami sa dati naming gawi pagkatapos ng insidenteng nangyari. Everyone acted as if nothing happened. Napansin kong natural na sa Anarchy 5 ang nangyari. Death and violence have always been part of their lives. They're pretty used to it.
Maraming bumabagabag sa isip ko na kailangan ng mga sagot. I can't sleep properly because of overthinking about the questions related about the incident. My curiosity keeps on killing me. I had questions like: Bakit ba ako tinutulungan ni Carlos? Ni Louise? Alam pala ni Mnemonicson ang sikreto ko ngunit bakit hindi niya ako agad pinatay? Sino ang natitirang tatlong may mataas na posisyon sa UGO? May kinalaman ba talaga sila sa pagpatay sa mga kabataan at sa parents ko? Hindi ko na alam. Masyadong maraming mga bagay ang naglalaban laban sa utak ko. I feel like a fragile bubble that can pop anytime.
To add fuel to the fire, isa pa sa mga problema ko ay si redhead. Kailangan ko siyang layuan. Kapag nalaman niya ang tunay kong pagkatao ay hindi lang ako ang mapapahamak. Pati siya ay mapapahamak din. Sa ngayon ay bilang pa naman ang nakakakilala sa tunay kong katauhan; kabilang na rito si Mnemonicson, Clint, Yanna, Carlos at Louise. Idagdag na rin siguro si Nurse Faye dahil noong nabaril ako ay siya ang gumamot sa akin. Lahat lahat ay anim na silang nakakaalam. Kahit na isang numero lang ito ay para sa aki'y marami na ito. Malaki ang chance na kumalat ito dahil marami na ang nakakaalam at hindi ko rin batid kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan. Kaya ngayon, I don't really trust anyone.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Grayson na katabi ko sa kaliwa sabay hawak sa balikat ko.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang siya ay nagsalita. Nasindak ako at nabitawan ang hawak kong kutsara sa pagkagulat. The ever so caring ang gentleman, Grayson. Kung hindi lang siya isang gangster ay mapagkakamalan ko siyang may gusto sa akin. But nah, he's like that to everyone.
Tumingin sa akin ang lima pati na si Yanna ngunit tumango lang ako. As I nodded, bumalik sila sa kani-kanilang pinag-usapan at tahimik lang akong nagpatuloy sa pagkain. As usual, we were having our lunch. Parang dati lang ang mga kilos nila. Walang mali at wala ring nagtatanong tungkol sa pangyayari na kaming pito lamang ng Anarchy 5, ni Yanna at ako lang ang nakakaalam. It was all normal.
Kahit kami ni Yanna ay 'di pa rin nakakapag-usap simula ng nangyari. I don't have the guts to talk to her. I'm sure that she's still traumatized of the near death experience. Naiintindihan ko naman siya dahil naranasan ko na rin yun. Ang pinagkaiba lang, mas intense yung sa kanya. Muntik ako mahulog ng rooftop samantalang siya ay torture talaga. I can't blame her if she has ill feelings for me. Wala akong magagawa dahil kasalanan naman talaga ito ng magaling kong pamilya.
On the other hand, I was thinking of my plans. Iniisip ko kung ano ang maaari kong gawin sa limang pinuno ng UGO. Whether I would kill them or should I torture them? They deserve worse than that. Dapat ay diretso sila sa umaapoy na impyerno. They should burn to death and repent their sins. Therefore, the greatest revenge is to make them suffer. Kung papatayin ko lang sila ay napakadali naman ng paghihirap na iyon. I want to be challenged at least. No torture can pay for what they've done to countless teenagers and families.
Pumalakpak bigla ang tainga ko nang pinalitan nila ang topic sa usapan nila. Binuksan na nila ang usapan tungkol sa nangyari. Yanna looked cool with it at nakipagusap din siya sa nangyari. Kaming tatlo lang nina Grayson, Jairus at ako ang nanatiling tahimik na kumakain.
"Pero ang chicks nung Nemesis noh?" sambit ni Ethan kaya siniko siya ni Yanna at tumingin sa akin.
"Wag ka nga," ani Yanna kay Ethan.
"Anong 'wag?" tanong niya at napailing lang sa inis si Yanna.
"Che."
"Crush ko na sya! Hahaha," wika ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...
