Kabanata 36

11.8K 271 26
                                    

Chapter 36: The Punishment

Nababalot kaming dalawa ni redhead ng katahimikan habang naglalakad patungong POD. Nahuhuli ako kumpara kay Jairus marahil kung makapaglakad siya ay parang walang kasama. Malalaki ang mga hakbang niya at mabilis siyang maglakad habang nakapamulsa. Kahit anong subok na bilisan ang lakad ko, naiiwan pa rin ako dahil hindi kahabaan ang mga paa ko.

Lumilipad ang isip ko kaya hindi ko namalayan na tumigil pala sa paglalakad si redhead. Nabunggo ako sa isang matibay na bagay. Naamoy ko agad ang isang pamilyar na pabango. Itinaas ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang batok ni Jairus. Bumangga na pala ako sa makisig niyang likod. Napakagat labi ako nang napagtanto ko ito. Umatras ako ng tatlong hakbang mula sa kinatatayuan ko.

"Tsk tsk tsk," he faced my direction with a serious expression planted on his face. Ngumuso siya patungong likod niya.

"What?"

"Saan ba napunta ang utak mo? Do you even have a brain or you're just plain stupid?" panlalait niya.

"Wow, is it really that necessary to call me stupid every now and then?"

"Yes, it is."

"I hate you."

Sumimangot siya at ngumuso ulit. Bakit ba nguso siya ng nguso? Sarap tabasin ng labi nya. Baka kapag di ako nakapagpigil, halikan ko sya eh. Don't tell me he wants me to kiss him?

"No, I don't like to. Do you think I'll do such thing?" tumawa ako ng peke.

Mula sa mga bulsa niya, itinaas niya ang isang kamay niya at idinaan ito sa mga hibla ng buhok niya. Mukha siyang frustrated. Tila nakikipag-usap siya sa isang matandang bingi na hindi siya marinig.

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" naiirita niyang sambit.

Bago niya ako talikuran ay hinawakan ko siya sa braso. Tinignan niya ako ng may pagtataka sa mukha. Nag-aabang siya kung may sasabihin ako. Inilapat ko ang labi ko sa aking palad. Idinampi ko ang palad ko sa pisngi niya na ikinalaki ng mata niya. Napahawak siya sa pisngi niya. He froze like a statue. Hindi siya nakagalaw ng ilang segundo at natulala siya.

"Are you not contented? Sorry, I can only do it indirectly."

Nabuhayan siya ng kaluluwa nang nagsalita ako. Napansin kong namumula ang tainga niya at nag-igting ang panga niya. Kumurap siya ng ilang beses bago nakapagsalita.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" hindi siya mapakali. Umiikot ang paningin niya at kung saan saan dumadapo. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Isn't that what you wanted?"

"Haha, you're really stupid," tumawa siya ng malakas at nag-echo ito sa gusali kung nasaan kami. Dalawa lang kaming tao rito kaya wala namang nakarinig ng mga ginagawa naming ingay.

"Hey! I told you to stop calling me stupid!" I was about to hit him but he grabbed my hand. I tried to struggle with my other hand ngunit nahawakan niya rin ito. Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. His hazel eyes were glowing and so his grin.

"Hindi ko sinabing halikan mo ako. Ang sabi ko, mauna ka na maglakad dahil maliit ka," nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"O-oh? I know. Of course, I know," kinakabahang wika ko.

"Sabi mo eh. Baka mamaya gusto mo ako halikan. Pasimple ka pa," pahina ng pahina ang boses niya dahil inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. I felt shivers all over my body when he whispered, "Sabihin mo lang, bibigay ko sayo ng libre," binitawan niya ang kamay ko at lumayo ng tuluyan. Kinindatan niya ako at naglakad sa kasalungat na direksyon ng pupuntahan namin.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon