Kabanata 18

12.6K 271 4
                                    

Chapter 18: Declaration of War

"Bitawan nyo ako!"

Kinakabahan akong lumingon sa kaliwa ko kung saan nagmula ang boses ng isang babae. Napakunot ang noo ko sa isang bagay na napagtanto ko: hindi pala ako ang tinutukoy at tinitignan nilang lahat, they were looking beside me wherein the entrance of the arena is located. Pumasok ang dalawang nakaitim na malaking lalaki at kasalukuyan nilang kinakaladkad ang babaeng may katangkaran at may kahabaan ng buhok. Hindi ko makita ang mukha nito sapagkat nakaharang ang mga piraso ng buhok sa mukha niya.

Nakuha ng atensyon ko ang uniporme niyang suot na may nakasulat na Honeybee's. Isa lang ang kilala kong babae na may shift ngayon sa cafe at nakasuot ng unipormeng yun nang dumaan ako kanina. Si Ate Cj? I don't know what they were exactly thinking. Why on earth would they think that she's the heiress of Ashwood-Davis? Siguro ay wala na talaga silang maiharap sa mga tao kaya kumuha na lang sila ng isang random na babae. Ganoon ba?

Kinaladkad siya ng dalawang lalaki hanggang gitna ng arena. Sumigaw ng 'boo!' at samu't saring paninira ang nasa loob. If they placed a tracker on my phone, I surely turned it off and even removed the battery. Di ko lang maalala kung iniwan ko ba ito sa mansyon o baka naman nadala ko hanggang dito at nahulog ito. Don't tell me, I really dropped it? Impossible.

Napaatras ako nang nagsimulang batuhin si Ate Cj ng kung anu-ano. Ganito ba ang mangyayari sa akin kapag nahuli nila ako? Papahirapan tapos papatayin? Wala naman akong ginagawang masama.

Nahagip ng mga mata ko ang pwesto ng A5, bakas sa mukha nila ang panggigigil sa mga tao at pagkagulat. Marahil di nila inaasahan na sya pala ang heiress. Well, fake heiress. Nagwawala si Jeremy dahil gusto nito lapitan at paalisin doon si Ate Cj. Sa kasamaang palad, inaawat siya ng mga men in black.

"BOOOO!!"

My jaw clenched when they started throwing out knives. I bit my lip hard hanggang nagdugo na ito ng tuluyan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nangyayari sa kanya 'to dahil sa akin. They thought I was her. Wala syang kasalanan.

"Are they sure that it's her?"

"Ashwood-Davis ba talaga 'yan?"

"She's weak."

Gusto kong isigaw na umiwas siya. Nakayuko lamang siya at nakaluhod sa gitna. She doesn't intend to avoid it. What is she doing?!

"Ilang taon natin sya hinanap. It's not worth it."

"She's a shame to the underground."

Minsan talaga kailangan pa natin masabihan ng masasakit na salita bago tayo matauhan. This is exactly how I feel right now. But then, I just think that people are like music. Some speak something pleasing that can set the mood while others are just plain noise that ruins the mood. I closed my fist. Naiinis ako sa lahat ng naririnig ko. Get ready people, I'll prove you wrong. You are giving me motive to train harder and show you what I've got.

Tumayo na ako sa oras na ito. Hindi ko na kayang panoorin ang nangyayari. I glanced at Clint who gave me a signal to sit down and wait. Lumapit sa kanya ang tagapagsalita at may binulong si Clint dito. Tumango ng tumango yung MC at ngumiti rito pagkatapos. Bumaba sya mula sa may trono ni Clint hanggang gilid ng arena. Binulungan nito ang isang malaking lalaki na bantay kanina ng basement. Tumango rin ito bilang tugon. I wonder what they are up to.

"Ladies and gentlemen, calm down. Let's not throw anything first. We need to confirm her identity," ani ng MC na ikinainis ng marami. Kesyo hindi raw pala sila sigurado na sya yung heiress tapos dinala na rito. I crossed my fingers. They should know it is not her.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon