Chapter 48: 4th UGO Head
"Pangalan?" tanong ng isang kalbo at may katabaan na lalaki. May hawak siyang isang mahabang papel na may nilalamang listahan ng mga pangalan.
"Zapanta. Leader ng Poisonous Viper, Rank 2 strongest gang in the underground."
Panandaliang hinanap ng lalaki ang pangalan niya at tumango tango ito. Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Carlos at binigyan ng blankong tingin.
"Sige, maaari ka nang pumasok."
Sumunod lang ako sa likod niya. Tila isa akong aso na bumubuntot sa kanyang amo. Napahinto kami nang hawakan ako sa braso nung kalbong lalaki. Tinignan ko siya ng masama ngunit hindi siya nagpatinag. Wala yata itong pakialam. Tusukin ko sya sa mata eh, nakakairita.
"Hindi ka kasama," matabang na wika nang kalbo.
"At bakit hindi?" taas kilay na tanong ni Carlos.
Nanatili akong tahimik habang nagtatalo sila. Wala akong enerhiya na sumali sa kanilang pag-aaway. Baka masapak ko lang silang dalawa at pagbuhulin ko ang bituka nila. Just a little more and I would be able to kill someone. Apparently, we are at the entrance of a bar named "Heaven's Door." Akala ko ay sa cafe kami pupunta dahil naroon ang UGO arena. Lingid sa aking kaalaman, there are hundreds of hidden arenas in this freaking country. Isang halimbawa ay ang arena kung saan kami papunta ngayon. It was disguised as a bar but actually, it's just another underground gangster org. arena.
Kung bakit masama ang timpla ko ay isa pang storya. A while ago when we were around that abandoned building, wala kaming nagawa kung hindi iwan si redhead. Not knowing whether he survived or not, we just left. The thing is, hindi ako mapakali. Ligtas ba sya o nasabugan sya ng booby trap?
"Wala sya sa listahan, Mr. Zapanta. Paki-lahad na lamang po ng kanyang pangalan upang aking mahanap."
Napa-face palm si Carlos. Ilang beses niyang naihilamos sa kanyang mukha ang kanyang kamay. Kahit mahina lang, rinig ko ang kanyang mura sa gitna ng kanyang paghinga.
"If only my gang was ranked first, this baldy wouln't have asked," he whispered more to himself.
I looked at my watch, it's 2:20 pm. Just about ten minutes before the execution will take place. Great, baka patay na si Louise bago kami makapasok. Maybe after she's dead, papapasukin na kami nitong kalbo. Kung kanina ay nagpapanic ako, ngayon ay hindi na. Namamanhid ako sa sobrang pagkaparanoid. Ano na kayang nangyari kay Jairus?
"What's going on here?"
Mula sa loob ay may lumabas na isang babae. May takip ang kanyang mukha gamit ang isang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg. May suot din siyang shades na nagtatago sa kanyang mata. Gayunpaman, I recognized this flirty tone voice. Pinakita niya ang kanyang tattoo sa batok. Ngayon ko lang ito nakita dahil laging nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Simbolo yata ito na isa siyang head ng UGO.
"I'm the first UGO head's only heiress, Herrera. So tell me, what's the problem?"
Sa wakas ay nagka-ekspresyon ang mukha ng kalbo. Halatang nagulantang siya nang makita ang isa sa may pinakamataas na posisyon sa underground na nasa harap niya mismo. Sus, kung sinabi ko sa kanyang ako si Nemesis ay baka nahimatay na siya.
"Ahhh-Ano po kasi.. Ang binibining ito," tinuro niya ako. "Ayaw niyang ilahad ang impormasyon ukol sa kanyang pangalan kaya hindi ko siya pinapasok," sambit nito.
"Okay then. Let her in," utos ni Denise.
"Po?"
"Sabi ko papasukin mo na sya. She's with me."
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...