Kabanata 38

11.1K 253 4
                                    

Chapter 38: The Real Dilemma

"Hindi ka pa pwede lumabas sabi ng nurse! Ate Gab naman!" hinabol ako ni Jeremy palabas ng clinic.

Madali lang niya akong nahabol dahil uugod ugod ako kahit na pinipilit ko lakihan ang mga hakbang ko. Annoying detention. Annoying injury. Annoying day. It took me a short moment to think that I'm in trouble again. Trouble chases me everywhere I go. Ako na yung umaayaw, pero sya pa rin 'tong habol ng habol sa akin. Nakakainis.

Nahawakan niya ako sa braso dahilan ng pagtigil ko sa aking kinatatayuan. Lagi na lang nila pinupuntirya ang braso ko. "Makinig ka naman oh. Baka kung anong mangyaring masama sayo," I can see something through his serious eyes. He had another emotion other than being serious. Ayaw nya sa ginagawa ko. The thing is, my life depends on this. Sa oras na may makaalam sa sikreto ko, parehas malalagay ang buhay namin sa panganib. I'm not in danger alone, kasama ko ang kung sinumang nakadiskubre ng bagay na hindi dapat malaman.

"Wala akong pakialam. Pwede ba wag mo na muna akong sundan?" malamig na pagkakasambit ko at tinanggal ang kamay niya mula sa braso ko. Nagmaktol ako palayo sa kanya. I'm trying to make my pace faster. Ignoring all the pain I'm having, I quickly walked heading to where my feet would take me. I didn't get to hear Jeremy's footsteps anymore. Marahil di na niya ako sinusundan.

I have no idea of what I'm supposed to do. If redhead knew my secret, all this time it was all a scheme? Yung pagiging replacement boyfriend, pagiging protective at ibang pagkilos niya ay planado, ganun ba? 'Di ko lubos maisip na kaya nyang gawin yun. Yeah, he's a jerk but he's definitely not a liar. Thinking about it, I made a mistake. I trusted him quite a bit. Kahit gaano kaliit ang pagtitiwalang binigay ko sa kanya, malaking pagkakamali pa rin iyon. Sometimes, the smallest things create the biggest problems.

Halos masira na ang cellphone ko kakapindot ng speed dial kong si Clint. I roughly touched the screen and dialled his number. Nagriring ito ngunit walang sumasagot. Answer it! I wanted to shout that out loud. Pinatay ko ang tawag at pinindot ulit ang call. Paulit ulit ko itong ginawa ngunit mukhang pinatay na niya ang cellphone nya. I can't get through his mind. Ano bang iniisip nya?

Ugh, Clint where on earth are you?

"Please answer the damn phone!" iritable kong pagkakasabi.

I lost hope. Tinigil ko na ang pagtawag at sinilid ang cellphone sa bulsa ko. Think, I need to think. There should be a place that he will go to. He won't absolutely just wander anywere. If he's not here to find me then.. Right! Nagtext sya ng tungkol kay redhead. Paniguradong hahanapin nya si Jairus at kokomprontahin ito. That shouldn't happen. He must not confront him. Ayoko malaman ang totoo. Ayoko malaman kung matagal na siyang aware sa totoo kong pagkatao. Ayoko malaman kung alam na nya ang pakay ko. He'll stay away from me. Hindi na sya magpapakita sa'kin. After all, if he's caught with me, he'll be marked as an accomplice. Magiging traydor ang tawag sa kanya ng underground at mararanasan niya ang makipaglaro kay kamatayan. I will not let that happen. Kung may dapat mapahamak, ako lang. I should not involve other people especially Jairus.

Pumukaw ng atensyon ko ang nagtatakbuhang mga estudyante patungo sa open court. Nagsisigawan ang karamihan at nagtititili. Nagmamadali sila at kulang na lang ay madapa. Naghihilahan pati na rin tulakan ang bawat isa. Iba talaga pag sa Mnemonicson ka nag-aaral. Araw-araw may nagtutulakan at nagsisigawan. Araw-araw may gulong nangyayari.

Tumigil ako saglit sa gitna ng daan. Nagmasid ako sa paligid, iniisip ko kung paano ko malalaman ang nangyayari. May babaeng tumatakbo na nasanggi ako at 'di man lang humingi mg paumanhin.

"Aish!" singhal pa nito. Hinawakan ko siya sa braso bago pa man siya makaalis. Taas kilay niya akong nilingon ngunit bumaba agad ang kilay niya nang nakita ko. 'Di maipinta ang gulat sa mukha niya.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon