"Hubadan mo sya ng t-shirt," utos sa akin ni Ate Cj.
"Okay," walang malisya kong tugon. After a couple of seconds, I realized what I agreed to do. "Wait, what? What did you just say?" naiilang kong tinignan ang walang malay na si redhead. Nakadapa siya sa kama dahil sa pagkakasaksak nito sa likod. Mukha naman syang mabait-kapag tulog nga lang.
Napag alaman ko rin na kaya n'ya ako inikot ay para siya ang masaksak ni Carlos at hindi ako. Sinalo nya ang cutting knife at s'ya ang nasaktan. He kissed me so that I'd close my eyes and not see him hurt. He's a masochist, indeed.
"Marunong ka ba ng first aid?"
Umiling ako. "Hindi."
"Iyon naman pala eh. Dali, hubadan mo na siya at ako na ang maglalapat ng lunas," Ate Cj said as if it was a normal thing to do.
I hesitantly went nearer to the direction of Jairus, clueless of what I'm supposed to do. "Uhh, okay?"
How am I supposed to do this?
Hawak ko na ang laylayan ng t-shirt niya ngunit hindi ako magka intindihan kung paano ko ito tatanggalin. Nakadapa siya kaya nahihirapan ako mag isip. Baka kasi masanggi ko pa ang sugat niya.
"Anong ginagawa mo, Ate Gab? Ako na dyan," Jem appeared out of nowhere. Tumabi naman ako sa gilid at pinanood siya sa kanyang ginawa. Madali n'yang natanggal ang damit ni redhead ng walang kahirap-hirap. Lumantad ang maliit na pahabang hiwa sa likod ni Jairus. The wound's not too big nor too small, it's in average size.
"Buti na lang at nadaplisan lang ng kutsilyo ang likod niya. Kaya ayan, maliit lang na hiwa yung nakuha nya. Mabilis lang siguro ito gagaling," sambit ni Ate Cj. Itinuro niya sa amin kung paano i-disinfect ang sugat. Hindi kasi s'ya pwede magtagal dito sa basement dahil shift nya. Mapapagalitan s'ya ng boss niya kapag nagkataong walang tao sa café.
"Kayo na bahala dyan ha? Kailangan ko pa mag-duty eh."
Umakyat na ng hagdan at nagmamadaling bumalik ng cafe si Ate Cj. Naiwan kaming dalawa ni Jeremy at parehas kaming nananahimik. No one dared to speak between the both of us. Instead of making things more awkward, I grabbed the disinfectant to clean redhead's wound. To my surprise, kinuha na naman ito mula sa akin ni Jeremy.
"Ako na," aniya. Tahimik niyang nilinis ang sugat ni redhead. Nakahalumbaba lang ako habang pinapanood siya. I wasn't used to this awkward atmosphere. Masyado siyang tahimik. Hindi katulad ng dati na daldal ng daldal n'ya.
"What's your problem?" I asked.
"Wala."
Napairap ako sa kawalan. "Yeah, sure," I sarcastically answered. "Bakit ang tahimik mo?"
Huminto siya saglit at tinignan ako sa mata. Seryoso ang mga titig nya at ramdam ko ang isang malamig na aura. "Bawal ba?"
I have no response. Hindi ko alam kung anong pang bara ang pwede kong sabihin. He's not his usual self. Kakaiba ang mga kinikilos nya. Nagulat na lang ako nang pagkatapos ng ilang segundo ay ngumiti na siya ng nakakaloko at nagsalita. "Joke lang! Gusto lang kita asarin. Ang cute mo magreact eh! Hahaha," nawala ang focus niya sa paggamot kay Jairus at tumawa siya ng tumawa.
Iritable ko siyang tinignan at hinampas sa braso. "Damn you!"
He kept laughing. Dahil nga nawala sya sa focus sa paggagamot, napansin kong napapadiin ang bulak na ginagamit niya sa sugat ni redhead. "Hey, careful there! Masakit kaya yan."
"Ay, 'di ko na pala napansin. Sorry. Nag-aalala ka ba para sa kanya?" natapos na niyang i-disinfect ang sugat. Ang sunod niyang ginawa ay tinakpan ito ng bandage.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
Hành độngMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...