Kabanata 07

16.3K 363 19
                                    

Chapter 7: You've been Warned

"Are you sure that I can stay here?" tanong ko habang iniinom ang paborito kong Java Chip Frappe.

It's almost eight o'clock in the evening. Halos tatlong oras na kaming nag-uusap at himalang nakatagal ako ng ganitong oras. Wala rin naman kasi akong choice kung hindi magstay dito. Matagal na akong suki sa Honeybee's. I just don't know about myself why I didn't recognize him at first.

"May basement sa baba nitong cafe. Sigurado akong ligtas ka roon," he assured me.

Sa loob ng tatlong oras, nakwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin ngayong araw and kung ano ang sitwasyon ko. But of course, I didn't tell him about everything. Hindi ko sinabi sa kanya ang sikreto ko dahil alam kong mapapahamak siya.

"Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit may mga gustong pumatay sa'yo? Ano bang sikreto mo?" tanong niya.

Tumingin ako sa labas. Umuulan ng malakas at rinig na rinig ang bawat patak nito kahit nasa loob kami.

"I can't tell you."

"Bakit naman?"

"Wag mo na alamin. If you find out, you'll be in danger. Pwede kang mamatay," hindi ko naman siya tinatakot pero sinasabi ko lang sa kanya ang totoo.

"Edi umalis ka na pala! Hindi kita ililigtas noh, mahal ko ang buhay ko," sambit niya.

"I'm not asking you to save me though," tumayo ako at lalabas na sana ng cafe nang hinawakan niya ang pulso ko.

"Joke lang! Eto naman! Alam mo ang seryoso mo lagi. Kung ayaw mo sabihin sa akin, okay lang naman. Hindi kita pipilitin," nginitian niya ako ng ever so famous creeper smile ng isang Jeremy De Guzman.

Tinignan ko ng masama ang kamay niya na nakahawak sa pulso ko. "Tatanggalin na nga po!" hindi pa ako nagsasalita pero mabilis pa sa isang segundo ay tinanggal niya ito. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinulak ito pababa para maupo ako. "S'ya nga pala, kung problema mo ay damit, nagpadala ako sa kasama ko. Dadating na yun maya maya dahil magpapalit kami ng shift," proud na pagkakasabi niya na parang may ginawa siyang napakabuting bagay.

After a while, bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng mukhang nasa early twenties niya-matangkad, maputi, petite at maliit ang pangangatawan. Sinarado niya ang payong niya at nakangiting lumapit sa amin.

"Jem, di mo sinabi sa akin na may girlfriend ka na pala," tila nagtatampong pagkakabanggit ng babae.

"Hindi ko 'yan girlfriend! Ate Cj naman eh."

Hindi pinansin ng babae si Jem. Lumapit siya sa akin at may inabot na paperbag. "Sinabi sa akin ng batang 'to na damit pang gangster daw ang dalhin ko. Wala naman ako ng ganun kaya nagdala na lang ako ng malapit doon," nakangiting saad niya. "Nagdagdag na rin ako ng pantulog," pahabol pa nito. She went closer to me and whispered, "May undies din d'yan."

"Salamat," tipid at walang emosyon kong pagkakasabi.

Biglang sumabat si Jeremy sa usapan. "Aba aba, teka lang! Bakit sa kanya nagpapasalamat ka tas sa akin hindi?" nakataas ang isa niya kilay habang sinasabi ito sa akin.

Hindi ko ito pinansin at bumaba ako ng basement upang magpalit ng damit. Isang pajama na sakto lang sa akin at isang maluwag na t-shirt na medyo malaki ang isinuot ko. Naghugas ako ng mukha at itinali ko ng isang mataas na bun ang buhok ko. Pagkalabas ko pa lang ng banyo ay bumungad na naman sa harapan ko si Jeremy.

"Ako sa kama at doon ka sa sofa," I ordered as if ako ang may-ari ng basement.

"Ano ka? Eh ako kaya yung may-ari ng kwartong 'to kaya ako ang masusunod," taas noo niyang pagkakasabi. "Ikaw ang matutulog sa sofa. Ako ay sa kama ko," sabi pa niya. Hindi ako nagsalita dahil ayaw ko mag-aksaya ng laway. "Edi sa kama na lang tayo parehas!" napakamot siya sa batok niya nang sinabi niya ito.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon