Chapter 24: The Jerk and the Stupid
Tinapakan ko ang paa ng kung sinumang nagtakip ng bibig ko. Mabilis akong nakawala sa kanya ng walang kahirap hirap. I didn't have time to look at him. Tumakbo ako at hinabol ang mga dumakip kay Yanna. I'm not letting her get into trouble because of my family's damn unwritten laws. It's all because of that annoying principle that my clan had that's why my parents died. Hindi ako papayag na mangyari rin ito kay Alyanna. Another person should not suffer because of that freaking damn thing.
Medyo nakakalayo na sila sa kinatatayuan ko dahil sa walangyang lalaki na sinubukan akong pigilan. I controlled my running pace at mas lalo ko pang binilisan. Masyado na silang nakakalayo sa akin ngunit hindi ako tumigil sa pagtakbo. Langya, ang bilis nila. Ininda ko ang sakit ng paa ko dahil sa pagkakatapilok ko kanina. Naka-paa lamang akong tumatakbo kaya napapangiwi ako nang may natatapakan akong bato o kung anong matulis.
Malapit na sana ako ngunit bigla akong nabangga sa tila isang posteng lalaki na may matigas na dibdib. Humarang ito sa dinaraanan ko at nanatili sa harap ko nang hindi gumagalaw. Sinubukan kong umalis ngunit nakipagpatintero ito sa akin. Gusto ko siyang sigawan. They're getting away! Lumalayo na sila dahil sa pesteng sagabal na ito. I almost yelled in anger and frustration. Hindi ito natuloy sapagkat tinakpan niya ang bibig ko at hinila ako patago sa isang malaking puno.
Kahit na madilim ay naaninag ko ang pamilyar na hazel eyes at pulang buhok. Jairus Lance Dela Cruz, the redhead gangster. What does he want from me? Naging isa na namang siyang sagabal sa buhay ko.
He cornered me using his arm while covering my mouth with his other hand. Sinubukan kong makawala sa bisig niya ngunit masyado siyang malakas. Kasing tigas siya ng isang pader na hindi kailanman magigiba. Baliwala rin pala lahat ng pagsasanay ko kung pati si redhead ay hindi ko man lang maitulak. I tilted my head at sinilip ko ang anino nila. I watched them as their shadows slowly disappear in the dark. Damn it, I'm losing them!
With all my might, kumawala ako sa bisig niya. Mabuti na lamang at tinuruan ako ni Clint. Bago pa man ako makatakbo ay hinila muli niya ako sa pulso at tinulak sa puno. Napalakas ang tulak nito at sumakit ang likod ko. Gusto ko na ngayon magmura ng paulit ulit.
"Miala!! Won't you get back to your senses?!" mahina ngunit may diin na pagkakasabi nito. Tinignan niya ako ng nag-aapoy niyang mga mata at hinigpitan ang pagkakahawak sa dalawa kong kamay. Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi ako natinag dahil doon, tinignan ko rin siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa siya isang malamig na bangkay at pinaglalamayan na ang puntod niya. Nanatili kami sa ganung posisyon ng ilang minuto. Ilang beses ko rin sinubukan makawala ngunit nanghihina na ako. Masyado akong napagod sa pagtakbo dahil malayo na ang narating namin. Linga siya ng linga sa paligid gamit ang kanyang matulis na mata. Samantalang ako ay pinakinggan ang paligid at tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. They're gone.
"Let go of me!"
I was in the verge of crying. Namumuo na naman ang bigat sa dibdib ko. Ito ang pakiramdam noong inakusahan niya ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Alam na alam ko na ang pakiramdam na ito dahil hindi ko yun malimutan. It's the first time that I've cried ever since my parents' death. Kahit isang luha walang pumatak pagkatapos nun. Lumunok ako at kinagat ang labi ko.
Binitawan niya ako at ngayon naman ay hinawakan ng mariin sa magkabilang balikat. Inalog niya ako na parang naiipit din siya sa nangyayari. "Stop being so stupid!"
"Alam mo ba ang ginawa mo?!" galit na galit ko siyang tinignan. He didn't show any emotion. Tila wala lang sa kanya ang nangyayari. Binitawan na niya ako at nagsimulang maglakad palayo. Yun na yun? Ganun na lang ba? After what he did, aalis na lang sya na parang walang nangyari? Na parang isang malaking joke lang at bukas nandyan na ulit si Yanna na safe and sound. Is that what he is thinking? Because I really want to punch him in the face right now. Gusto ko basagin ang pagmumukha niya.
Hinabol ko siya at hinawakan sa kamay upang iharap ito sa akin. "I'm talking to you! Wag mo akong talikuran kapag kinakausap kita!"
Tinignan niya ako gamit ang malamig niyang titig. Nagulat ako nang hinapit niya ang baywang ko at hinigit papunta sa katawan niya. Napakalapit ng katawan namin sa isa't isa. Even our faces are less than an inch close. Napapigil ako ng paghinga at napatitig na lang sa mapupungay niyang mata. Konting tulak at maling galaw ay magkakadikit ang mga labi namin. Iniisip ko pa lamang ito ay nanlalambot na ang mga tuhod ko. Ngayong nagkatitigan kami ay sa kanya lamang napunta ang lahat ng atensyon ko. Wala na akong pakialam sa paligid. Ramdam ko ang napakabilis na pintig ng puso ko. It was racing so fast that I can barely breathe. Napansin ko na napatigil ako sa paghinga dahil sa sitwasyon. Parang lahat ng ginawa niyang masama pati na ang galit ko ay naglahong parang bula.
What the hell is wrong with me?
"Ano nga ba ang ginagawa ko, Miala? I knew that you'd do something stupid kaya sinundan kita agad. I am protecting you and your stupid brainless head!" bumalik ako sa reyalidad dahil sa mga pinakawalan niyang salita. Oo nga pala, nag-aaway kami. He just called me stupid, not once but twice.
"Don't you get it? Kinuha nila si Yanna!"
"I think it's you who doesn't get the situation. Hindi ka ba tinuruan ng magaling mong boyfriend? Paano ka susugod sa isang laban ng wala ka man lang armas? Para mo na ring pinamigay ang buhay nyong dalawa," ayaw mag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko matanggap na sya yung tama at ako ang mali. "Are you not going with me? Kung tutunganga ka dyan ng isang taon, sa tingin mo babalik ba si Alyanna?" aniya.
"What the on earth am I supposed to do then?"
"You should stop being stupid first," aniya na nagpataas ng lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"Can you stop calling me stupid?!"
"No. Because you are stupid," pag uulit pa niya.
Umirap ako sa kanya. "Paano na si Yanna?"
Nagkibit balikat lamang siya. "Who knows? I'm not related to her in any way."
"That's it? Pagkatapos mo silang malayang pinaalis, ganun lang? It's your damn fault why they got away with her! Sabihin mo nga sa'kin, are you an accomplice of those bastards? Kasabwat ka ba, ha?!"
"Look. Alyanna, that girl, she won't die easily. Her father has a big influence in the underground and those dudes won't just touch her like she's a typical chic. It's hard to explain to someone stupid like you. To make it simple, stop making things complicated because she'll make it alive."
"I don't care about those possibilities that she'll make it alive. Gusto ko makasigurado na makakaligtas talaga sya. I'll get her out no matter what," naiinis akong naglakad palayo sa kanya patungo sa direksyon kung saan nawala ng parang bula ang mga anino.
I'm stubborn, I know. But I cannot just stand here and wait for her to be tortured. In fact, kasalanan ng pamilya namin lahat ng ito. It's all because her family is a freaking ally of Ashwood-Davis clan. How can I ever forget that? Hindi siya exempted sa sixteen year old torture. She must've hated my family by now. Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin. Her family used to be close with my dad. Hindi alam ni Yanna yun at hindi ko rin sa kanya ipinaalam dahil isa sa mga naghahanap sa akin ay ang mismong tatay niya. And now, it's over because they got her. Walang silbi ang pagtatago ko sa kanya ng sikreto dahil in the end, napahamak pa rin siya.
"You're not just stupid, you're quite an idiot as well, aren't you?"
Nabigla ako nang tumaas ako sa ere and the world turned upside down. Binuhat ako ni Jairus na parang sako at pinatong niya ako sa balikat niya.
"Put me down, you jerk!" pinalo ko siya sa likod at sumigaw ako ng sumigaw.
"Shut up, stupid idiot. I'll take you home."
***
![](https://img.wattpad.com/cover/10793179-288-k652058.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...