Kabanata 43

9.9K 248 8
                                    

Chapter 43: Debt to Pay

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Vince.

Dala ang aming mga gamit ay naghintayan kami sa harap ng Honeybee's. Higit tatlumpong minuto na bago dumating ang iba pang miyembro ng Anarchy 5. Maliliit lang ang mga bag na dala nila. Mabuti na lang at nagpalit din ako ng maliit na bag. Hindi naman pala kami magtatagal doon.

"Yan, bakit ang laki naman yata ng bag mo?" tanong ni Ethan kay Alyanna.

"Ehhh, marami akong gamit eh. Bakit ba?"

"Overnight lang naman tayo ng isang gabi. Parang pang-isang buwan na 'yang maleta mo eh."

"Che," sagot ni Yanna.

Umagang umaga ay tila may lovers' quarrel na yatang nagaganap. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa isang relasyon. Sa ayaw mo man o sa hindi, laging may darating na problema at mag-aaway kayo. Kailangan walang pride ngunit para sa akin ay hindi iyon pwede. Masyadong mataas ang pride ko at ang ayoko sa lahat ay drama.

"Wala pa pala sina Jeremy at Jairus," wika ni Grayson.

"Sinundo pa yata ni Jem si Jairus. Alam mo naman yun, pa-VIP eh," komento ni Ethan.

"Silang dalawa na lang ba yung kulang? Tatawagan ko na yung transpo," ani Vince.

"Ge," pagkumpirma naman nina Ethan.

Tinawagan ni Vince ang magiging transpo namin papunta sa resort nila. Dahil medyo mainit na sa labas ay naisipan nila na pumasok muna sa cafe habang naghihintay. Sinabi ko namang mananatili na lang muna ako sa labas. Hindi ko maatim na pumasok sa loob hangga't naroon sina Ate Cj at Clint. Hindi ko rin makalimutan ang naging pag-uusap namin kanina ni Clint. I can't believe that he's willing to choose that girl over me. Ha! After all, no one is on my side. Who would be on the troublemaker's side anyway? Siguro nagsawa na siya sa akin dahil sa lahat ng masasamang bagay na naidulot ko sa kanya.

"Hindi ka ba papasok sa loob?" tanong sa akin ni Grayson.

"Nah, go ahead."

Tumango siya bilang tugon at pumasok sa cafe. Naiwan akong nakatunganga sa kawalan. Hindi ko na talaga alam kung sino ang aasahan ko. I can trust no one but myself. Even the closest people to me are turning their backs at me.

Nasilaw ako sa sinag ng araw at napaso ang aking balat. Napagdesisyunan kong sumilong sa isang shed na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Malilim dito at hindi mainit kaya napanatag ako. Bakit ba ako ang umiiwas? Wala naman akong kasalanan. Sinabi ko lamang ang totoo pero ako pa ang nagmukhang masama. Ibang klase talaga, nakakatakot ang mga tao.

"Miala," may humawak sa balikat ko. Nagawan ko agad ito ng aksyon at inikot ko siya sa ere pagkatapos ay binalibag sa sahig. I heard a guy groan in pain. He was lying in the hot floor while holding his arm.

"That hurts, darling," nagawa pa niyang tumawa ng mahina.

Inilahad ko sa kanya ang aking kamay at kinuha niya ito. Tumayo siya ng maayos at pinagpagan ang kanyang nadungisan na damit. Nakasimpleng itim na t-shirt lang siya at ripped jeans. Magulo ang buhok niya, which looks like his charm. Imbis na magmukha siyang dugyot ay bagay sa kanya ang ayos ng kanyang buhok.

"Carlos, anong kailangan mo?"

"Nothing big, really. Well, since I saved you many times and got you away from danger..I think you owe me some--" inirapan ko siya sa kanyang sinabi. I cut him off before he even finished his sentence.

"Dami mong satsat. Can you please just get to the point?"

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay as if surrendering to the police. He's wearing a fake scared face like he's mocking me.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon