Chapter 26: Nemesis: A-D's Heiress
Mula sa malayo ay tinanaw ko ang mala-mansyong bahay ng mga Herrera. Mas malaki ang mansyon ni Clint sapagkat ang kina Herrera ay nasa isang subdivision lamang. Gayunpaman, it's still quite wide and big. Halatang napakayaman ng nakatira rito kumpara sa mga karatig na bahay. Mayroong dalawang guard na nakabantay sa matayog at mataas na gate. It's nearly impossible to climb over the gate dahil sa taas nito. Ngunit ang wall naman, hindi kataasan kaya mukhang doon ako dadaan. Ang problema lamang ay ang CCTV na nakakabit sa mga wall. Mahahagip nito kung sakaling akyatin ko ang pader. Kaya naman narito si Clint, to cover the blind spot of the CCTV that will help me jump over the wall.
Alas otso na ng gabi at ngayon namin napagdesisyunan na isagawa ang plano. Napakalaki ng bahay nila kaya mukhang mahihirapan ako sa pagkuha ng bagay na pinapahanap sa akin ni Clint. Napakalawak nito kaya mas marami ang posibleng hidden basements at safe pati na vaults. Kahit saan pwede nila ito itago ang hinahanap ko.
Nakadisguise si Clint ng isang matandang mahirap na lalaki na naghihila ng kariton. On the other hand, I was wearing an all black get up. Nakasuot ako ng itim na skinny jeans, black sneakers, at itim na sports bra with matching leather jacket. Kita ang hubog na kalahating katawan ko dahil naka-expose ang mula pusod ko hanggang bewang. Nakabun ang buhok ko at may takip ang kalahati ng mukha ko ng itim na maskara. Kahawig nito ang pantakip sa bibig na ginagamit ng mga doktor. Tanging mga mata ako lamang ang nakikita sa aking mukha. Moreover, I purposedly wore a black sports bra to expose my star birthmark at ang mga katagang Nemesis. Para kung sakaling may makakita sa akin, they'd die of heart attack.
"Hoy, ano 'yan?" tanong ng lalaking tagabantay ng gate kay Clint.
Malabundok ang mga kahon na nasa karitong kanyang hinihila at tumigil siya mismo sa sinasakupan ng CCTV. Sinadya ni Clint na itaas ang handle ng kariton kaya nagslide pababa ang mga laman nitong kahon. Napairap ang mga guard at hindi man lamang tinulungan si Clint. Napakawalang moral at modo ng dalawang taong iyon. Gusto ko sila kitilan ng leeg.
Mula sa kinatatayuan ko, nagtago ako sa isang malaking puno. Sa sackbag ko ay kinuha ko ang isang klase ng baril. Tinantya ko ang layo nila at tinapat ang baril sa isa. Pinutok ko ito at sinunod na barilin ang pangalawang guard. Wala itong ginawang tunog sapagkat pampatulog lang ang bala nito na parang karayom. Natamaan ko sila sa leeg at tumirik ang mata nila. Natumba sa malamig na semento ang dalawa at nawalan ng malay. Binalik ko ang baril sa sackbag ko. Nanlaki ang mata ni Clint sapagkat wala sa plano namin ang ginawa ko. Sadyang nabwisit lamang ako sa dalawa na napakawalang modo. Didn't their parents teach them right morals and conduct? I'm quite disappointed in Herrera's minions.
Binagalan ni Clint ang paggalaw. Iika-ika niya ibinaba ang hawakan ng kariton. This is the signal that I should cross over the wall. I quickly went to his direction using the blind spots area of the CCTV. Bumwelo ako at tinapakan ang kariton. Mabilis akong tumalon sa pader, ikinapit ang dalawa kong kamay dito and raised a leg over followed by the other. Tumalon ako pababa ang I smoothly landed on the other side, which is grass area of the house.
"May pag-aari ang mga Herrera na tatlong malalaking itim na aso. Be aware, mabilis sila kung sumugod at trained ang mga iyan," hinawakan ko ang earpiece ko nang nagsalita si Clint sa kabilang linya.
"Got it. I can sense their presence," sambit ko at mas naging alerto sa pagkapa ng kapaligiran.
"Be careful, Mia."
Suddenly, there were three gigantic dogs coming towards my direction. Nagsimula silang tumahol at mabilis silang sumugod sa akin. Tila lalapain nila ako ng buhay. I grabbed my jacket's pocket and took out a whistle. Hindi ito ordinaryo at may kahabaan ito sa normal na pito. It has the ability to calm wild dogs and make them follow your orders. Hinipan ko ito at agad silang tumigil sa harapan ko. Nakataas ang buntot nila at nakanganga habang nakalabas ang dila. "Good dogs," hinaplos ko ang likod nila pagkatapos ay maingat na umalis nang walang ginagawang tunog. Ang mga bahaging dinaanan ko ay ang mga hindi nasasakop ng CCTV.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...