Kabanata 20

12.4K 294 5
                                    

Chapter 20: Goddess of Revenge

Nagmagktol ako palabas ng Mnemonicson habang dala ang bag ko. Hindi ko na tinapos ang lunch break dahil nasira na ang araw ko. Mabuti na lang at nauto ko ang guard. Nagsinungaling akong may emergency sa bahay. Hindi ito agad naniwala but anyway in the end he bought my lie. Kinuha ko sa bag ko ang shades ko at ang mask na ibinigay sa akin ni Clint. I never wear the school's uniform so it's less hassle. Hindi ko na kailangan magpalit dahil kaswal lang ang suot ko ngayon.

Hindi ko pa pala napapaayos ang pinakamamahal kong motor. I can't ask Clint to fetch me either. Pumara ako ng isang taxi at dito na lamang sumakay. "Ashwood residence," wika ko. As I expected, sinuri ako ng driver na parang nakakita ng taong taga-bundok. Hinintay ko siyang magmaneho dahil wala naman siyang makikita sa akin. Nakatakip ang mukha ko at hindi naman kita ang kaluluwa ng suot ko.

"What? Hindi ka pa ba magmamaneho?" naiinip na tanong ko.

"Ahh, sorry miss," aniya. Nabalik siya sa katinuan at nagsimulang magdrive. Tatlumpong minuto ang distansya mula rito hanggang doon kina Clint. Inaantok ako ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I should not sleep, baka mamaya ay mayroong mangyaring masama. I kept track of the road. Alerto ako kung sakaling hindi ito ang daan sa pupuntahan ko. Siguro nga masyado akong paranoid. Matagal na kasi simula ng sumakay ako sa isang public transportation. Ayoko talaga ang sumasakay dito kaya nga bumili ako ng sarili kong motor eh.

Twenty minutes pa lang ang nakalilipas ay tumigil sa gitna ng lupain ang driver. Malayo pa ang mansyon ni Clint mula rito. Tanging damuhan lamang ang natatanaw ko. "Manong, ba't ka tumigil?" tanong ko.

"Pasensya na, miss. Private property na kasi yan. Hindi na pwedeng dumiretso mula rito dahil trespassing ito. Hanggang dito na lang ang kaya kong ibyahe," aniya.

Tumingin ako sa labas at ang taas ng araw. Paniguradong mainit at mapapaso ang balat ko kung lalabas ako at maglalakad patungong bahay ni Clint. Sampung minuto kapag may sasakyan, paano pa kaya kapag nilakad?

"Ahh," tipid kong sagot. Hindi na ako nagreklamo at inabot sa kanya ang bayad pagkatapos ay bumaba na ng taxi. Tinanggal ko agad ang mask ko dahil sa labis na init. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko. Kahit nakapikit ay kaya kong tawagan si Clint dahil nakaspeed dial sa 1 ang number nito.

"Oh Mia! Napatawag ka? Diba may klase ka pa ngayon?" bungad nito sa kabilang linya.

"Sunduin mo ako dito! Dali!" hindi ko pinansin ang tanong nito at nagsimulang maglakad habang nakasimangot. Napakainit dito sa labas, wala pang limang minuto ngunit tagaktak na ang pawis sa noo ko.

"Kumakain pa ako eh--manang, paabot nga ng kanin. Salamat."

"I don't care."

"Ang bait mo talaga, Mia. Sige na nga susunduin na kita. Nasaan ka ba?" tanong niya.

"Ewan ko."

"Paano pala kita susunduin? Mia naman eh. Nasa Mnemonicson ka ba?" tila naglalaro kami ng Pinoy Henyo dahil puro siya tanong.

"Uhh," tumingin ako sa paligid ko at puro damuhan lamang ang nakita ko.

"I think I'm in the middle of your land. Siguro mga ten minutes away from your house. Faster Clint!! I'm burning, ang init dito!"

"Okay, just wait. I'm going there," nakarinig ako ng ilang ingay sa kabilang linya. Nagbibilin yata si Clint sa katulong na aalis muna siya saglit. "Don't hang up. Wag mo papatayin ang tawag," utos nito sa akin.

"Why?" 

"Basta, makinig ka na lang."

"Okay," sinunod ko siya ng walang alinlangan. Hindi ko pinatay ang tawag at daldal lang siya ng daldal. "Mia, andyan ka pa ba?"

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon