Chapter 45: Kill Me Slowly
Mendez; I have repeated the same surname for over a hundred times in my head. Sigurado akong may iba sa apilyidong Mendez. I've surely heard of it before, hindi ko lang maalala kung kailan at saan. I know it's somewhere deep within my brain ngunit kahit anong alog ko sa ulo ko ay hindi ko matukoy kung saan ko ito narinig.
Napag-alaman namin na si Marco ay kaibigan ng kapatid ni Vince. Kakagraduate lang pala nito ng high school sa Mnemonicson kaya mas matanda siya sa amin ng isang taon. Sabi niya ay nagtatrabaho raw sa Mnemonicson Academy ang nanay niya dati. Kabatch din daw namin yung kapatid niya ngunit hindi na natuloy pa ang usapan namin dahil kailangan na daw niya umalis. He looks weirdly familiar though. Lahat na lang ng makita ko pamilyar, tss.
Natapos na rin kaming magtanghalian kanina. Nakapag-ayos na rin kami ng gamit sa kwarto namin.
"Tapos ka na ba?" tanong ko kay Yanna at kinatok ko siya sa cubicle. Nagbibihis siya dahil papanoorin daw namin yung sunset. Kapag nagkataon ay ito ang unang beses ko makakakita ng sunset.
Bumukas ang cubicle at lumabas siya suot ang isang short at sandong see through na nakapatong sa bikini niya. Lumapit siya sa salamin at nagtali ng buhok. "Hindi ka ba magpapalit, girl? Ayaw mo magswimming?"
"No thanks."
"Sus, kj mo! Wala ka bang bikini? Pahiramin kita!"
"Ayaw ko. I won't swim," sagot ko.
Sa totoo lang, I don't wear bikinis dahil ma-eexpose ang tattoo at birthmark ko. Kahit na alam na nila kung sino ako, I need to be cautious. Baka mamaya ay may biglang dumating.
"Lagyan mo nga ako ng sunblock sa likod, baka mangitim ako eh," inabot niya sa akin ang sunblock at sinuot nya naman ang shades niya.
"The sun's going down soon and you're here, wearing glasses, putting sunblock and all," wika ko.
"Che, kanya kanyang trip!"
Nilagyan ko siya ng sandamakmak na sunblock sa likod. Siguradong hindi na talaga siya mangingitim nito.
"Hey girls, anybody there? Sorry, I'm late!!"
Napangiwi kaming dalawa ni Yanna nang may marinig kaming higad na boses mula sa labas. Nagkatinginan kami at parehas kaming napailing. Ano namang ginagawa ng babaeng yun dito? As if anyone invited her. Kahit saang lupalop talaga ng mundo ay handa niyang sundan si Jairus. Letse, lagi na lang siyang salot sa buhay ko.
"Hi guys!" pumasok sa banyo si Denise na may suot na malaking sumbrero na mukhang para sa mga magsasaka. Nakabumblebee shades siya kaya nahiya naman siguro ang shades ni Yanna. Samu't saring abubot ang nakasabit sa kanyang leeg at kamay. Nakashorts siya at isang lose na designer blouse.
"Naku Alyanna! I think tumataba ka yata," nakasimangot na wika ng babaeng nakamakapal ng blush on at pulang lipstick. Nakipagbeso beso ito kay Yanna na para bang close na close sila. Bakas sa mukha ni Yanna na nakikipagplastikan lang siya at gustong gusto na niya ito sabunutan ngunit nagpipigil lang siya.
"Miala, you're here? Ha-ha. My bad, hindi kasi kita nakita," lalapit sana siya sa akin ngunit pinigilan ko siya. Tumikhim siya, kahit na nakashades siya ay kitang kita ko ang pag-irap niya sa akin. "Let's go na guys! Gusto ko pa makita yung sunset!"
After that annoying encounter, we decided to go together outside kahit kating kati kong gusto pag-iwanan at i-lock sa banyo si Denise. That wouldn't be so good. Baka kung ano na naman ang ibintang sa akin ni redhead at mas sasama pa ang tingin niya sa akin.
Pagkababa namin ay nadatnan naming nakatambay na sa baba ang A5 at naghihintay sa amin. Naagaw kaagad ng atensyon ko si Jairus. Napamura ako ng mahina nang makita ko siyang nakahiga sa hammock habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang batok. Maingay siyang ngumunguya ng bubble gum habang nakapikit. Nakaputing sando siya at shorts na mas lalong nag-emphasize sa pagkagwapo nito. Kahit ano talagang suot niya ay kaya niyang dalhin at gwapo pa rin siya. Maybe even if he wears the ugliest clothes that ever existed, he's still as handsome as ever.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...