Kabanata 33

11.1K 252 6
                                    

Chapter 33: Quintuple Trouble

Not even a slight idea came to my mind when that doppelganger slash fake Nemesis appeared out of nowhere. I'm not curious as to who she is anymore. I don't care about her motive or intention. As long as hindi niya dudungisan ang pangalan ko at hindi nya gagamitin ang pangalan ko sa masama niyang balak.

Salamat sa kanya, ligtas kaming lahat na nakalabas ng auditorium. Nawala na lang kasi siya na parang bula at lumabas muli ang video ni Mnemonicson. Pinahintulutan na niya kami lumabas ng gusali at malayang bumalik sa cafeteria. Dahil doon ay napanatag ang loob naming lahat. Para kaming mga ibong payapang nakawala mula sa kinakalawang na kulungan.

Magkasama kami ni Jairus at napansin kong magkahawak pa rin kami ng kamay. Hinahanap namin sina Yanna na nakalabas na rin siguro ng auditorium. Parehas kaming lingon ng lingon sa paligid. Mala-giraffe ang leeg ko sa kakatingin sa harap at likod. Nangangawit na nga ako eh. Sa tingin ko ay namamawis na rin ang kamay ko kahit hindi naman ako pasmado. Ayoko pa naman bitawan ang kamay nya.

Paniguradong mukha na naman akong tanga dahil napatitig na naman ako sa kamay namin na magkahawak. Kung kanina ay sa pulso lang siya nakahawak, pwes ngayon ay hindi na. Our fingers were intertwined with each other. We were holding hands. Parang kami pero hindi. Ano na naman ba itong iniisip ko? Is it wrong to think na ayaw ko bitawan ang kamay nya? This is not me.

"Nandun sila."

Kinaladkad ako ni redhead. Ang laki ng mga hakbang niya at kung makakilos parang walang kasama. Mahahalikan ko na ang sahig sa sobrang bilis niya maglakad. Buti pa kami ng sahig, may chemistry. Habang naglalakad kami patungo kila Yanna at sa ibang members ng A5, pinagmasdan ko ang seryosong mukha ni Jairus. Flawless at napaka perpekto ng mukha niya sa paningin ko; mas makinis pa sa akin at walang bakas na tinutubuan ng pimples o white heads man lang, the face of a celebrity. Sayang ang mukha niya kung isa lang syang gangster na nakikipag basag-ulo.

"Miala, ayos ka lang?" tanong ni Grayson.

"Ate Gab! Huy!" ani Jeremy.

Nasa harap na pala namin ang lima. Nahuli kong nakatingin sa akin si redhead. Ngumuso siya pababa sa kamay naming dalawa. Nakabitaw na siya ngunit ang kamay ko ay nakakapit pa. Iniwas ko ang tingin ko at bahagyang binitawan ang kamay niya.

"Saan kayo nagpunta? Bigla na lang kayong nawala ah," sambit ni Ethan.

"Sa pinakalikod," sagot ni Jairus.

"Buti hindi ka nahila ng mga lalaki dun, sweetheart. Kapag nagkataon nahubadan ka dun sa stage. Baka mapanganga sila lahat," ani Vince sabay akbay sa akin.

"Loko 'to!" binatukan ni Grayson si Vince.

"Joke lang! Daig mo pa si sweetheart magreact eh," aniya.

"Lumayo ka. Doon ka sa dulo," wika ni Jairus kay Vince na ipinagtaka ng lahat.

"Huh? Bakit brad?"

"Basta," tinanggal ni redhead ang pagkakaakbay sa akin ni Vince at tinulak ito palayo.

"Aray ko brad! Makatulak naman!"

"Nakakahalata ako ah," ani Ethan.

"Ako rin," nagcross arms si Yanna at tinaasan ako ng kilay.

"Jairus, ikaw ba talaga 'yan?" pabirong tanong ni Grayson.

"Parang may nag-iba sayo, 'tol. Mas madaldal ka na sa akin ngayon! Hahahaha, anong nakain mo?" wika ni Jeremy.

Tinignan ng masama ni Jairus ang mga kabarkada niya. May namuong tensyon sa pagitan nilang A5. Kami ni Yanna ay out of place at nakatunganga lang sa gilid. Wala kaming alam sa nangyayari dahil nagtitigan lang sila. It looks like their gazes were playfully talking to each other. Here we are, looking clueless. Naputol ang tensyon nang nagring ang cellphone ko. Tumatawag na naman siguro si Clint. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon