Kabanata 15

14.7K 317 25
                                    

Chapter 15: Miala's Secret

Nalaglag ang panga nilang lima sa narinig nila. Nanlalaki ang mata nila at gulat na gulat sa nalaman. Nagulat sila hindi dahil may boyfriend ako. Ito ay dahil kaharap nila ang nag-iisang legendary gangster sa underground society.

Let me describe the legendary one. Clint Ashwood, according to almost everyone in the world, has a face that looks like it's been carefully sculpted by angels. Siguro nung umulan ng kagwapuhan ay siya lang ang gising kaya sinalo niya lahat. To add twist, he is the so-called "legendary" gangster at galing sa angkan ng mga gangster katulad ko. Of all gangsters of gangsters, siya ang may pinaka-maraming panalo in the record without a single lose. Isa siya sa pinakasikat na imahe sa gangster world na hinding hindi mo dapat babanggain kung gusto mo pa mabuhay. Therefore, he's named as legendary. No one in the society has broken his record yet that's why people looked up to him.

Ganun na lang ang gulat ng A5 nang makilala siya. They didn't recognize his face because he usually doesn't show it in battles. Hindi rin sya gumagamit ng code name kaya madali siyang makilala. Pero kahit hindi kami gumagamit ng code name, it's not easy for others to find us. There are hundreds and thousands of mafia, reapers, gangsters and assassins around the world. Maraming mga gumagaya lang at nagpapalit ng pangalan na katulad ng sa amin. To make it short, there are thousands of Clint Ashwood posers slash doppelgangers in the underground and if ever, thousands of Davis as well. Kung tunay na gangster ka talaga, you will recognize the original from the fakes.

"Clint Ashwood? Saan ko nga ba narinig yun?" nag-iisip na tanong ni Ethan. Napanganga ito nang napagtanto niya kung sino ang kaharap niya.

"Kung tama ang iniisip ko, ikaw nga yun?" tanong ni Grayson.

"You mean the legendary Clint Ashwood?!" kumikinang ang mga mata ni Jeremy habang 'di makapaniwala sa narinig.

"Whoa! It's a pleasure meeting you, sir!" mangha namang pagbati ni Vince at inalok ang kamay niya upang makipag shake hands.

Nasa gitna silang apat ng pagkamangha nang biglang sumingit at nanira ng moment si Jairus. "Syota mo 'yan?" aroganteng tanong ni redhead. Sa kanilang lahat, siya lang yata ang off topic at naligaw ng landas. Wala yata siyang pakialam kung sino si Clint.

"Bawal ba?" kalmadong sagot ni Clint.

"Hindi naman. You just don't look like it," naghahamon na tono ang maaaring marinig sa boses ni Jairus. Pinigilan agad sya ng mga kasama niya dahil alam nila kung sino ang babanggain nila kung sakali.

"Pasensya na pare, ganto talaga 'tong kasamahan namin eh. Sorry ah?" paghingi ng tawad ni Vince kay Clint.

"Anong sorry? Bakit ka nagsosorry dyan?" naiiritang tanong ni Jairus.

"Brad, tama na," awat ni Grayson.

"Tama na? Ano bang ginagawa ko?!" naaasar na tanong ni redhead habang tinatanggal ang pagkakahawak sa kanya ng mga kasama niya.

"Jairus, wag ka gumawa ng eksena," pagbabanta ng boses ni Ethan. Dahil siya ang pinakamatanda, hindi na nagawang sumagot dito ni Jairus. Napapatingin sa amin ang natitira pang estudyante na nakapila palabas ng pintuan. Hinintay naming maubos ito tsaka ako hinawakan ni Clint sa pulso.

"Let's go," Hinila niya ako pababa ng rooftop at iniwan namin ang A5 doon.

"Oh Gab? Saan kayo pupunta?"

Nakasalubong ko si Yanna ngunit dahil sa pagkaladkad sa akin ni Clint ay hindi ko siya nakausap ng maayos.

***

Napabalik ako ng katotohanan nang nakita kong wala na si Nurse Faye sa harapan ko. Nagamot na lahat ng sugat ko at ang sakit ng buong katawan ko.

"Kinuha ko na ang gamit mo. Tara, may pupuntahan tayo," hinila ni Clint ang dalawa kong kamay to pull me off the clinic's bed. Nagtagumpay naman siya at at tuluyan akong nakatayo. "Whoa! Kaya mo ba?" nagulat siya nang bumigay ang paa ko at muntik na akong mahulog sa sahig. Buti na lang at sinalo niya ulit ako kagaya ng ginawa niya kanina.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon