Chapter 34: Replacement Boyfriend
Naghiwa-hiwalay na kami pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Kaming tatlo nila Jeremy at Yanna ay dumiretsong Honeybee's at ang apat na unggoy ay pumunta sa kani-kanilang bahay. Walang hirap naming natakasan ang guard kahit tanghaling tapat pa lang at may klase pa. They are gangsters, and I am a troublemaker after all.
"Wow! Ang ganda naman nito. Mukhang mahal 'to ah, saan mo ito binili?" bilib na bilib si Yanna habang hinahalungkat niya ang maleta ko. Puno iyon ng mga bagong damit na pinamili sa akin ni Clint nung una kaming nagkita after the rooftop incident.
"Regalo sa akin ni Clint."
"Ohhh, galante pala yang boyfriend mo. Ay, pinsan mo nga pala yun. Sayang, kung wala akong boyfriend pinatulan ko na yun!"
"Okay, I'll inform Ethan about that."
"Joke lang! Ikaw naman, Gab. 'Di ka mabiro. Mahal ko si Ethan noh! Kahit na may mga mas gwapo at mas macho pa sa kanya, hindi ko yun ipagpapalit," aniya.
"Oh please. 'Yan na naman ang ka-cheesyhan mo, Alyanna."
Bumangon ako at umupo sa kama. Pinagmasdan ko si Yanna sa paghalungkat at paggulo sa maayos na nakatiklop kong mga damit. I'm glad that we are okay. Nag-uusap at nag-aaway kami ng normal na parang walang nangyari. That's what I like about her at doon din kaming dalawa nagkakasundo. We don't give a damn on things that are in the past. It happened so be it. The only thing that I give a damn about is my family's unwritten rules.
"Don't mess it up! Ate Cj even folded it into organized piles and you'll just ruin it!" singhal ko sa kanya.
"Okay, okay. Sorry, aayusin ko na lang. Ang ganda kasi ng mga damit mo eh," aniya. Hinukay niya ang maleta ko at may hinilang isang dress mula sa pinakailalim. Nagulo na ng tuluyan ang lahat ng laman ng maleta. "Wahhh! Ang ganda naman nito! Hihiramin ko muna ito ah? Gusto ko ito isuot. Wait lang," tumayo siya at dumiretso agad sa banyo.
Wala pang ilang minuto ay lumabas na rin siya agad suot ang strapless beige dress na above the knee. Bagay sa katawan niya and it suits her complexion well. It seems that it fits her better than me.
"How is it? Ang ganda! Bagay ba sa'kin?" tanong niya at umikot ikot sa harap ko.
"Yeah, it suits you well. But don't wear it."
"Huh? Bakit? Hiram lang naman, babalik ko naman eh!"
"We're not going in a mall, Yanna. It's an amusement park. Sigurado ka bang gusto mo sumakay ng mga rides kasama ang syota mo na ganyan ang suot? Mabobosohan ka lang noh. Baka mag-away pa kayo ni Ethan."
"Sabagay," she sighed.
"Don't worry, you can keep that dress. It's a gift," I shrugged my shoulders.
"Really? Kyaaaa! Love you, Gab!!" sinunggaban niya ako ng yakap at natumba kami sa kama.
"Yanna please?" iritable kong pagkakasabi.
"Okay, okay! Magpapalit na ako! Yeepeee lalala~" tuwang tuwa siyang pumasok sa banyo at nagpalit ulit.
Umakyat na rin kami agad sa cafe nang bihis na kaming dalawa. Simpleng itim na hoodie at skinny jeans lang ang suot ko habang nakalugay ang umaalon kong buhok. Si Yanna naman ay nakasuot ng isang makulay na blouse at maong na shorts.
"Ang tagal nyo! Anong oras na oh?" bungad sa amin ni Jeremy.
"Alas dose na," sagot ko.
"Sasaraduhan ba 'tong cafe? Nasan si Ate Cj?" tanong ni Yanna.
"Ewan, may pinuntahan daw eh. Nakipagdate yata! Hahahaha, umaasenso rin si Ate Cj. Luma-love life. Sya nga pala, nagpaalam na ako kay boss. Pumayag naman eh, tara na?"
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...