Chapter 6: Never Provoke Death
Nadatnan ko ang sarili ko sa clinic. Ako lang ang nag-iisang estudyanteng nananatili rito nang nagkaroon ako ng malay, siguro dahil na rin dismissal na.
Tinignan ko ang kanang braso ko at nakita kong may benda na ito. Sinubukan kong igalaw at iikot ito subalit hindi ko siya maigalaw ng maayos. I think the anesthesia's effect is wearing off so I'm feeling the pain all over again. It's not as painful as what I've felt before though, it's more bearable.
"Oh gising ka na pala, hija. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" a lady who looks older than me by several years suddenly appeared. Hanggang leeg ang maitim niyang buhok at hindi siya katangkaran. Nurse Faye was written on her bar pin which I noticed immediately.
I simply nodded as my response.
"Masakit pa ba ang braso mo?"
"I can manage."
Dahan dahan at mabagal akong tumayo mula sa kama. Inayos ko ang suot kong damit at sinuot ang boots ko. I didn't wear my uniform. Every time I was any kind of uniform, it just plainly brings me ultimate bad luck. If I had worn it, probably I died.
"Mabuti at hindi malalim ang natamo mong sugat. Bumalik ka dito bukas para i-disinfect ko ulit yung sugat mo at mapalitan na rin yung bandage," nakangiti niyang saad.
Katulad ng kanina, tumango lang ako pabalik. Pinagpagan ko saglit ang damit ko at inayos ang magulo kong buhok. "I'm going. Thanks," walang emosyon kong sagot. Naglakad ako ng mabagal papuntang pintuan. I finally touched the doorknob and was about to open the door, when I suddenly remembered something. At that point, my brain was divided into two parts-whether to ask or not to ask.
"Uhh," napahawak ako sa batok ko. Hindi ko alam kung may sense ba na kailangan ko pa talaga itanong but I'm really curious.
"Ano 'yun?" lumingon siya sa akin ng nakangiti.
"Perhaps, do you remember who brought me here?"
Napatigil siya sa ginagawa niya at mukhang nag-iisip ng malalim. Tumingin siya sa taas at nilagay ang mga daliri niya sa baba niya. Pagkatapos ng ilang segundo, parang may naalala si Nurse Faye. Kumislap ang mga mata niya at parang may lumitaw na light bulb sa ulo niya. "Buhat ka ng isang lalaking may pula ang buhok nang makarating ka rito. Si Dela Cruz, ang leader ng A5. May kasama rin siyang babae na kaibigan mo raw," tumatango niyang pagkakasabi. Napanatag ang loob ko sa sinabi niya.
I turned my back again to open the door. Suddenly, Nurse Faye held my shoulder lightly that stopped me from opening the door. Sa tingin ko ay pinipigilan niya ako sa pag-alis.
"Ay oo nga pala! May isa pa ako naalala. Sandali lang, hija," pumunta sya sa table niya at parang may hinahanap. Kinalkal niya ang mga papel at folder na nasa table niya. "Asan na ba yun?" kunot noo niyang bulong. Nagkalat ang mga papel sa table niya kaya't hindi siya magkaintindihan.
Maya maya pa ay nakita na yata niya ang hinahanap nya kaya lumapit na ito sa akin. "May isang binatang dumaan dito kanina habang wala kang malay. Hindi siya naka-uniporme at ngayon ko lang yata siya nakita dahil mukhang hindi siya rito nag-aaral. Pinapabigay niya ito sayo," inabot niya sa akin ang isang nakatuping puting papel.
Nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Sino naman kaya yun? Hindi kaya isang miyembro ng Poisonous Viper o yung leader? Umiling ako sa mga iniisip ko. Kinuha ko ang puting papel na iyon at nilagay sa bulsa ko pagkatapos ay lumabas na ako ng clinic.
***
Habang papunta akong locker para iwanan ang iba kong libro, naramdaman kong paulit ulit na nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at biglang nahulog ang nakatuping papel na binigay sa akin ni Nurse Faye kanina. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang caller I.D at pinulot ko ang papel mula sa sahig.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...