Chapter 29: Falling to Pieces
Napalibutan ako ng mga tauhan ni Mnemonicson. Kanya-kanyang mga patalim ang hawak nila. Chains and knives, samantalang ang iba ay fist lang ang panlaban. Kahit papaano ay may bahagi sa akin na ayaw maniwala na kasabwat siya sa organisasyong iyon. Kasabwat sa pagpatay ng aking mga magulang at pagpapahirap sa daang daan na mga kabataang tumanggi sa UGO.
I immediately grabbed my hidden dagger at hinawakan ito gamit ang kanan kong kamay. Hindi ko pa rin magamit ang kaliwa kong kamay dahil pakiramdam ko ay mapuputol ang buo kong balikat kapag nagalaw ito ng sobra.
Bumilog sila sa akin habang ako naman ay nasa gitna nila. Higit sa sampu ang mga alagad ng pinunong pusit na si Mnemonicson. Lahat sila ay pawang mga lalaki na mukhang may katandaan din. Maybe late twenties to middle thirties. I didn't have any plan to hurt them nor attack. But then, nangunguna sila. Mas gusto yata nila ng patayan. I used martial arts where I excelled a lot. Pinaulanan ko sila ng magkabilang suntok at tadyak. Bawat atake nila ay nasangga ko. Kahit na mag-isa nila akong pinagtutulungan ay wala lang ito sa akin. Buti na lang at hindi nila nahahalata na may sugat ako sa balikat kaya 'di nila ito pinagtuunan ng pansin. Ginamit ko rin ang dagger ko at ginalusan lahat ng sumubok na kumalaban sa akin. I didn't stab them in vital parts. Binigyan ko lang sila ng maliliit na galos sa braso at hita.
Wala silang kasalanan kaya kahit katiting ay may awa pa ako sa kanila. Tinira ko lahat ng sumusugod sa akin. Ang mga nananahimik sa gilid ay hindi ko pinansin. Nagpatuloy ang pagbabasag ulo namin at kinapa ko ng mabuti ang paligid. Nasa isa kaming malawak na kwartong gawa sa kahoy. Lahat ay gawa sa kahoy. Maliwanang ang paligid kahit na walang mga bumbilya rito. Ang nagsisilbing ilaw rito ay tanging bilang na torch lang na nagbibigay liwanag sa paligid.
"Open the curtains," utos ni Mnemonicson.
Napatigil kami sa paglalaban. Kahit ako ay napalingon sa pinapabukas niya. His minions went over the big curtain at hinawi nila ito. I bit my lip when I saw what was behind that curtain. Nanghina ang mga tuhod ko sa nakita. Itinulak ako paluhod ng ilang tauhan ni Mnemonicson. Hindi na ako nanlaban pa dahil sa nakita ko. Buhay pa si Alyanna. Marami siyang galos sa kanyang mukha pati na sa braso. Marami siyang natamong maliliit na sugat. Sinaktan siya ng mga gago.
Yanna had both of her hands over her head tied with a rope at ang kadugtong ng tali na iyon ay hawak ng isa sa mga tauhan ni Mnemonicson. Nakatali siya sa may kisame at malayo ang paa niya sa lupa. Kapag binitawan ng tauhan ang tali na iyon ay diretsong mahuhulog pababa si Yanna at masusunog siya sa kumukulong tubig na nasa loob ng malaki at human size na timbang gawa sa bakal.
Napapikit ako ng mariin ng hinawakan ako ng mahigpit ng isa sa magkabila kong balikat. Ininda ko ang sakit at tinago ang ekspresyon ko. They should not know my weakness. Even my identity, they're not supposed to know anything about it. Hindi ko sila bibigyan ng giveaway. May utang pa siyang kailangan pagbayaran. Nakatapat sa leeg ko ang kutsilyo at mayroong dalawang baril na nakatutok sa ulo ko.
Lumapit sa unahan ko si Mnemonicson at nakangisi akong tinignan. Lumuhod siya upang makapantay ako at hinawakan niya ng mahigpit ang baba ko. Itinaas niya ito upang magkatitigan kami. Umiling siya ng ilang beses. "Kung hindi naging pakialamera ang isang katulad mo, hindi ka sana mamamatay kasama ni Perez. Tsk tsk," pailing iling niyang pagkasabi.
"Let her go! Ako na lang ang patayin nyo!" sigaw ko na mas lalo niyang ikinatuwa.
"I can't do that, little girl. Hindi alam ng napakabait mong kaibigan kung ano ang tinanggihan niya. Kung hindi gumana ang pagpapahirap, kailangan kitilan ng leeg. At para sayo naman, you know too much. You should be as good as dead for you to seal your mouth," wika niya. "Your death is near," naglalaro ang ekspresyon niya. Tuwang tuwa siya sa nagiging reaksyon ko. "You've been warned," ngumiti ulit siya.
Napagtanto kong ang mga linyang binitawan niya ay ang nasa mga sulat na natanggap ko. Nahalata nya siguro ang aking pagtataka kaya nilingon niya ako muli at nagsalita. "Ahh! Nagtataka ka ba kung bakit pamilyar ang mga linyang iyon? Tama, ako ang nagpapadala sayo ng mga sulat. Sa tingin ko lang ay kailangan mo 'yun malaman bago mamatay," sambit niya na parang ang dali lang talaga pumatay ng tao.
"I know who you are ever since the beginning. Pagtapak mo pa lang sa aking eskwelahan ay alam ko na ang lahat, Nemesis," bulong niya sa akin na nakapagpatindig sa mga balahibo ko. "Isn't it amazing? Killing three birds in one stone? Isang tumanggi, at isang pakialamerang tagapagmana," pang aasar niya. "Anong tunay mong intensyon at nagpakita ka sa underground?" tanong niya.
Ako naman ang ngumisi ngayon. Bawat salita ko ay may kasamang diin upang ipakita sa kanya kung gaano ako kadesidido. "Para patayin ang lahat ng kailangang mamatay," nanlilisik ang mata ko habang sinasabi ito.
Umalingawngaw ang tawa niya sa buong lugar. Tila nagsabi ako ng isang nakakatuwang biro. Hinawakan niya ang tiyan nya kakatawa. Kung merong creepy smile ni Mnemonicson, meron din itong katumbas na creepy laugh. It brings goosebumps all over your body.
"Masyado mo akong pinaliligaya," aniya. "Mukhang hindi sapat na sunugin lamang ang katawan ng iyong mahal na kaibigan. Gusto mo ba talagang kunin ko ang buhay niya?" tanong nya.
"Don't you dare touch her!" sigaw ko ngunit hindi siya nagpasindak.
"Tie her up!"
Itinali ako ng mga tauhan niya. They hang me up using the other end of the rope. Ang sitwasyon naming dalawa ni Yanna ngayon ay isang seesaw. Siya ang nasa taas at ako ang nasa baba. Sa sandaling tumaas ako ay tuluyan siyang mahuhulog sa kumukulong tubig. Kahit ang pagputol sa tali ay maaari nang malagay ang buhay nya sa panganib.
"Ngayon, ikaw na ang may hawak ng buhay niya. Kapag tinanggal ko ang tatlong sako na nakatali sa paa mo, alam mo ang mangyayari, hindi ba?"
Tinignan ko ang tali at diretsa itong nakadugtong sa tali ni Yanna. Alam na alam ko ang mangyayari. Mayroong tatlong sako na nakatali sa paa ko upang dagdagan ang bigat ko at manatili ako sa baba. Kung tatanggalin ito ay tuloy tuloy ako pataas at mahuhulog si Yanna pababa. Masusunog ang balat niya at mamamatay siya. Napakawalanghiya nitong matandang hukluban na ito.
"Kung ayaw mong mangyari yun, sabihin mo ang totoo. Ano ang pakay mo sa underground?"
Hindi ako nagsalita. I kept my mouth tightly shut. Seriously, hindi pa ba talaga niya alam ang dahilan? It's obviously all because of their damn organization that my parents died! Hindi lang siya, madami nang namatay. I'm taking revenge for my parents and for those who died with injustice. Sa lahat ng walang awang pinaslang ng walang kalaban laban.
"Bibigyan kita ng tatlong segundo upang magsalita."
"Isa," bilang niya. He cut off one sack from my other leg. Nagulat ako nang tumaas ako at bumaba ang tali ni Yanna. Nanlalaki ang mata ko at tinignan ko si Mnemonicson na may halong galit at hidwa. "Just kill me instead! Diba ako lang naman ang kailangan mo?! Don't get her into this!" sigaw ko.
Ngumisi siya at nagkibit balikat. "Dalawa," tinanggal nito ang pangalawang sako sa paa ko. Muli ay tumaas ako at bumaba si Yanna. Nasa kalahati na ang ibinaba niya. Kapag natanggal pa ang huling sako ay didiretso siya pababa. Nataranta na ako ngayon. I freaking have no idea of what I'm supposed to do.
"W-wait! Let her down first, I.. I promise to answer your questions!" I tried to calm down kahit na nagwawala na ang loob ko. Hindi na ako mapakali.
"Nagsimula na ako magbilang ng pangalawa. Kailangan na natin ituloy, hindi ba?" aniya. "Tatlo," malalim niyang pagkakasabi.
"N-no. Don't touch that!" halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Takot, kaba at paninikip ng dibdib. I don't know anymore. Namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa mga emosyong ito. His minion went nearer to me holding a knife. Itinapat niya ito sa pangatlong sako at nagbabadyang putulin ang laylayan. Gusto ko siya sapakin sa ginagawa niya. For pete's sake! Buhay ng tao ang nakasalalay dito at ganito lang sila umakto? Are they humans?
Napalunok ako ng ilang beses nang dahan dahan niyang tinanggal ang sako mula sa paa ko. No! I want to scream over and over. I want to freaking stab them straight to the heart. I just want to kill them right now!
Nangingilid na ang luha ko. Kahit anong oras ay maaari na itong tumulo. "DON'T!" piyok na pagkakasigaw ko nang tuluyan ng natanggal ang sako. Namamaos na ang boses ko at tila nahulog ang puso ko nang diretso akong tumaas at tuloy tuloy bumaba si Yanna. Napapikit ako ng mariin at umagos ang luha ko pababa ng pisngi ko.
***
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...