Kabanata 40

13.2K 262 42
                                    

Chapter 40: Riddle

Pag-ibig; isang katagang may maraming kahulugan. Isang bagay na wala kaming karapatan na maramdaman. Kaming mga may koneksyon sa underground ay hindi nararapat na makaramdam ng pagmamahal. Kapag ipinagpilitan namin ang aming nararamdaman, isa lang ang ibig sabihin nito: pagiging makasarili. But you see, it's supposed to be the other way around.

Love is selfless. They say when you love someone, you do everything that makes that person happy. Even if it costs your own happiness, it wouldn't matter. Ang importante ay masaya sya, kahit na sobrang nasasaktan ka na. Kahit na ilang patalim na ang tumutusok sa puso mo, kahit na pakiramdam mo ay para kang bomba na sasabog na kahit anong oras, you choose their happiness over yours. That is so-called 'selfless love.'

But if you choose your own happiness, that's being selfish. Kung mahal mo talaga sya, wala kang gagawin na ikapapahamak nya. That explains why people involved in the underground world avoids the dangerous thing called love. Lahat ng tao na mapapalapit sa amin ay mapapahamak lang. We become selfless for their safety. Even though I'm not happy, as long as the people important to me are happy, then it's all worth the sacrifice. Mapahamak na ako, wag lang sila.

Kaya naman hindi ako makapaniwala na after all these years, nakahanap na si Clint ng babaeng mamahalin nya. He found the girl whom he'll protect and cherish. Isang babae na handa niyang pagbuwisan ng buhay niya. I'm worried about Ate Cj. Paniguradong kapag nalaman ito ng mga kaalitan ng pinsan ko ay malalagay sa panganib ang buhay niya. I believe in Clint, kaya nyang protektahan si Ate Cj.

That's one of the very reasons why I'm afraid to accept my own feelings. Ayokong may mapahamak na iba. Kung meron man, sana ako na lang. I realized today what that feeling meant. The feeling when you're willing to give up everything, even your life. Ayoko maging madamot kaya wala akong ibang magagawa kung hindi protektahan lahat ng mahalaga sa akin.

I will never admit my feelings. Whatever happens. Paulit ulit ko itong nireplay sa utak ko. Huminga ako ng malalim. Ito na ang simula ng mas magulong buhay. Ang kailangan ko lang gawin ay hindi aminin ang nararamdaman ko para kay redhead. Para sa ganun, mananatili siyang ligtas. I don't have the confidence that I can protect him. Kaya ito, if I don't say anything, I'll stop danger from coming closer to him. As long as no one knows my feelings for him, he's safe. They'll never use him against me.

Pinatay ko ang makina ng motor ko at ipinarada ito sa harap ng cafe. I took a quick glance on my watch, 4:10 pm. Mataas pa rin ang araw dahil maaga pa naman. Masyado pala akong mabilis. Dapat ay tinagalan ko pa ang pagstay sa mansyon ni Clint. Kung hindi lang talaga sana dumating si Ate Cj eh.

"Kilala nyo po ba si Miala Davis?"

Sa tabi ko ay may sumulpot na isang may katandaan na lalaki. Nakasumbrero siya at may sakbit na bag sa isang balikat. May hawak siyang box at isang folder. I checked him out but I've never seen him before. Hindi ko sya kilala at mukhang ngayon lang kami nagkita.

"It's me, why?"

Nagliwanag ang mukha niya at ngumiti siya ng malawak. "May package po kayo. Pumirma na lang po kayo rito," inabot niya sa akin ang folder at itinuro kung saan ako pipirma. Binalik ko sa kanya ang folder na may pirma na.

"Salamat po," aniya sabay abot sa akin ng kahon. Umalis na rin siya agad kaya wala na akong iba pang nasabi.

Nakakapagtaka. Who would send me a package? I don't know anyone. Pero may pumasok sa isip ko na posibleng nagpadala nito. Si Mnemonicson o isa sa natitirang tatlong UGO heads. Or someone who knows my identity. Si Denise? Tss, hindi. Hindi niya ako pag-aaksayahan ng oras.

I scanned the box but there's no return address. I'd never know who sent it. Tatanungin ko pa sana yung lalaking nakasumbrero ngunit 'di ko na makita kahit anino niya. Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok ng Honeybee's.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon