Kabanata 16

13.9K 296 6
                                    

Chapter 16: Ashwood's Disguise

Mga tatlumpong minuto nang nagmamaneho ng sasakyan si Clint nang marating namin ang isang lugar na may matataas na damo at mayayabong puno. Madilim na ang paligid sapagkat gabi na kaya wala akong masyadong makita. Walang mga bahay na nakatayo sa paligid, tila isa itong malawak na lupain na pagmamay-ari ng isang mayamang tao. Ngayon ay iniisip ko kung magkakaroon nga ba ng bahay sa gitna ng malawak na lupaing ito. Malayo ito sa bayan at napaka-isolated ng lugar na ito.

At 'di ko nga ako nagkamali, huminto kami sa isang malawak na eleganteng mansyon na kulay puti. Ang disenyo nito ay katulad ng Rosecliff mansion na nakita ko sa isang magazine. Nakatayo ito sa mismong gitna ng lupain. Mayroong itim na mataas na gate ang nasa harapan nito.

"Where are we?"

Bumusina muna ito at bumukas ang malaking gate. Binuksan ito ng dalawang lalaking nakaitim.

"Nasa bahay ko."

Right there, my jaw dropped big time. He freaking owns this gigantic mansion. What a hell of a rich guy. I mean, we've been swimming in gold ever since we were born. Hindi ko lang akalain na ganun na pala kami kayaman. Not that I'm boasting about it dahil yun naman talaga ang totoo.

"Tara," binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at naglahad ng kamay. Inabot ko ito at lumabas ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang paligid at huminga ng sariwang hangin. It must be so nice to live here.

Pumasok kami ng mansion. Di pa man kami nakakarating sa magiging kwarto ko ay nananakit na ang mga hita ko kakalakad. Ang dami na rin kasing nangyari sa araw na ito. Mabuti na lang at nakaraos ako at buhay pa rin ako hanggang ngayon. Kusang pumipikit na ang talukap ng mata ko sa sobrang pagod. Good thing I survived and didn't collapse.

"Ito ang kwarto mo. Magpahinga ka na ngayon dahil marami pa tayong gagawin bukas," tumigil kami sa harap ng isang kwarto. "May ilang katulong dito sa bahay. Speed dial mo ang 1 kapag may kailangan ka. Kapag gusto mo ako tawagan, speed dial 0. Good night, Mia," lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

Pumasok na ako ng kwarto. Katulad ng buong bahay, ito ay napakalinis dahil na rin kulay puti ang paligid. Mula tiles hanggang ceiling ay kulay puti. Napakalawak nito kumpara sa basement doon sa Honeybee's. Muli, namangha na naman ako. Parang isa itong bahay ng prinsesa. Tumungo ako sa banyo na mukhang mas malaki pa nga sa basement. Naghilamos ako ng mukha at nagsipilyo. Kumpleto na ang mga gamit dito at lahat ay bago. Matagal na raw itong inihanda ni Clint para sa akin so everything is perfectly set. Pinatuyo ko ang mukha ko gamit ang isang tuwalya at tinali ng isang mataas na bun ang buhok ko.

Dahil sa pagod, 'di na ako nakapagpalit ng damit at diretso na akong humilata sa kama. Malamig sa kwarto dahil na rin dalawa ang aircon dito at mababa ang temparatura. Paniguradong masarap ang tulog ko dahil para akong nasa isang five star hotel. Ipinikit ko na ang mata ko at nagsimulang magpahinga. I should free my life from worries at least just tonight.

Gosh, it feels like heaven.

***

Nakarinig ako ng ilang katok mula sa pintuan. Napakunot noo ako dahil sa ingay. Binalot ko ang buong katawan ko sa blanket at tinakpan ang magkabila kong tenga ng unan. Hindi ito tumigil at mas lalong lumakas ang pagkatok. Hindi ako magkaintindihan sa posisyon ko sa kama dahil sa ingay.

"What the hell do you want?!" naiirita kong sigaw.

"Ma'am, pinapagising na po kayo ni Sir Clint," sambit ng babaeng katulong habang nasa labas ng kwarto ko.

"Ugh, ano bang oras na?" sinilip ko ang orasan sa bedside table gamit ang isa kong mata habang ang isa'y nakapikit pa. Alas syete pa lang ng umaga! Anong trip na naman ng magaling kong pinsan? Pumikit ako ulit at dumapa sa kama. Nagtalukbong ako gamit ang makapal na comforter at bumalik sa pagtulog. Don't get me wrong, I'm not being stubborn. Gusto ko lang matulog ng mahaba dahil marami akong pinagdaanan hindi lang kahapon kun'di sa mga nakaraang araw din.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon