Kabanata 37

11.1K 265 11
                                    

Chapter 37: Speculations

Nang nakaalis kami sa gusaling iyon ay dinala ako agad ni Jairus sa clinic. Ibinaba niya ako sa isang clinic bed, pagkatapos ay lumapit sa amin ang nurse. May pinainom siya sa akin na isang maliit na tableta, ayon sa kanya ay pain reliever daw iyon. Lalapatan daw niya ako ng lunas kapag nakatulog na ako. For about a minute, my eyes felt really heavy. Dinalaw ako ng antok at kusa na lang sumara ang talukap ng mga mata ko.

"Ate Gab, gising ka na ba?" isang pamilyar na boses ang aking narinig sa tabi ko.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Sa una ay malabo ang paligid kung kaya't napapikit ako muli. Sa pangalawang pagkakataon ay binuksan ko ang mga mata ko. The first few seconds, all I see is a blurred background. Afterwards, lumiwanag ang paningin ko at nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa taas ng kwarto. Pinalibot ko ang aking tingin sa silid, napagtanto ko na lahat ay kulay puti at kasalukuyan akong nakahiga sa isang maliit na kama. Tama, nasa clinic ako at muntik ko na iyon makalimutan. Sa pagkakaalala ko ay si Jairus ang nagdala sa akin dito subalit walang bakas ni anino niya.

Binaling ko ang tingin ko kay Jeremy na may nakapintang pag-aalala sa mga mata niya. Magulo ang buhok niya at nakatagilid ang suot niyang salamin.

"Yeah, I'm awake. Anong ginagawa mo rito?" napasimangot siya agad sa tanong ko.

"Bawal ba kita bisitahin? Nag-aalala ako para sayo. Ayos ka na ba?"

"Uhh, not really."

Bumuntong hininga siya nang nagsalita ako. Ginulo niya ang buhok niya at yumuko. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa batok niya pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga maya. "Sorry. Kasalanan ko lahat ng 'to. Kung hindi kita iniwan kasama si Jairus, hindi sana nangyari ang lahat ng 'to. Sorry, Ate Gab. Sorry talaga," nanatili siya sa ganung posisyon. Tinitigan ko siya ngunit hindi pa rin siya gumagalaw.

"Nah, it's not your fault. Pinili ko naman ang nangyari. They said be careful of what you wish for because you might just get it. I guess I got it quite accurately," wika ko.

"No, kasalanan ko. Sorry. Sorry talaga, Ate Gab. Masakit pa rin ba? May iba ka pa bang galos?" sinuri niya ang katawan ko. Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ito sa harap at likod pati na sa gilid.

"It doesn't hurt one bit, sa tingin mo ba ay masasaktan ako ng maliit na bagay?" I lied. To be honest, it still hurts. I think I'd be paralyzed for the next few hours.

"Talaga? Patingin nga ng mga sugat mo," tinanggal niya ang kumot ko at hinawakan ang binti ko. Kakaibang hapdi ang naramdaman ko nang tumama ang palad niya sa mga sugat ko.

"Ouch! Damn it, don't touch it!" napabalikwas ako sa kama dahil sa sakit. 'Di na ito kasing sakit katulad ng kanina ngunit nararamdaman ko pa rin ang hapdi. Kumpara rin sa sitwasyon ko kanina, I think I'd be able to at least walk now.

"At sabi mo hindi pala masakit ah," sarkastiko niyang pagkakasabi.

"Well, it really didn't hurt. Not until you touched it."

Ibinalik niya ang kumot ko at binalutan niya ako na parang shanghai mula ulo hanggang leeg. Tanging ulo ko lang ang hindi natatakpan ng kumot.

"Nurse!! I told you that I won't accept visitors, didn't I?" pagkuha ko ng atensyon ng nurse ngunit walang dumating. Tatawagin ko sana siya ulit ngunit tinakpan ni Jem ang bibig ko. Tinitigan niya ang relo niya at nagbilang.

"3..2..1," mahinang bilang niya.

Kasabay ng pagkakasambit niya sa katagang one ay nagring ang bell. Lunch na siguro. Tinanggal niya ang pagkakatakip sa bibig ko at ngumiti siya. "Pinag-alala mo talaga ako. I promised to protect you, right? Kailangan ko panagutan yung pangako kong iyon," seryoso niyang pahayag.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon