Chapter 14: The Killer's Identity
"Ouch! Careful there, please," napapapikit na pagkakasabi ni Clint kay Nurse Faye. Kung umakto siya ay tila mas nasasaktan pa siya kaysa sa akin. When the truth is, ako lang naman ang ginagamot at nanonood lang sya.
Kasalukuyang ginagamot ni Nurse Faye dito sa clinic ang mga kalmot at pasa na natamo ko kanina. Ibang klase talaga si Denise, dakilang warfreak nga naman. Who would've thought that she'll try to push me off the rooftop? If I didn't have my knight in shining armor, baka bali na ang mga buto ko ngayon.
"Hindi ka ba nasasaktan, Mia? Parang ako pa yung nasasaktan para sayo eh! -- Aray!!" napangiwi siya nang nilapatan ako ng alcohol sa isang sugat sa may binti. "Kanina pa nakabusangot 'yang mukha mo eh, sarap plantsahin. Ngiti ka naman dyan!"
I rolled my eyes in annoyance. Porke't ba matagal kaming hindi nagkita ganito siya kadaldal? He's become clingy! Mas madaldal pa sya kesa kay Jeremy at Jairus na pinagsama. I did miss him though, but I never wished to see him like this.
"May kailangan bang ipagsaya? Bakit ko kailangang ngumiti?"
"Dahil after two long years, nagkita ulit tayo. This should call for a celebration. Diba Nurse Faye?" idinamay pa niya yung nurse na gumagamot sa akin.
"Tama ka rin, hijo. Nakakatuwa kayong dalawa at mukha kayong aso't pusa."
"Binayaran ka ba ni Clint, nurse? Hindi ba ako pwedeng mag request na wala muna akong bisita?"
Ngumiti lang ang matanda bilang sagot.
"Hindi ka ba masaya na makita ako? It's been a long time since we've seen each other," sambit ni Clint.
I gave him an ignorant look. "Oh, talaga?"
"Kinausap ko na nga pala ang coordinator mo. Pinayagan kang lumabas ng school pagkatapos mo magamot dito dahil na rin sa nangyari."
"Ahh," tipid na wika ko.
"Magkakaroon daw ng disciplinary action doon sa mukhang kamatis na gumawa nito sa'yo. Ipapagbawal na rin daw ang pagpunta sa rooftop," dagdag pa niya.
"Oh talaga?" pag uulit ko sa sagot ko kanina.
Lutang ako at sabaw ang utak ko. Matipid na sagot lang ang kaya kong ibigay sa ngayon dahil 'di ako interesado. Isa pa, may naiwan sa aking trauma dahil sa nangyari kanina. Muntik na ako mahulog sa rooftop! And now, this guy expects me to be happy just because we've met after a long time. Daldal ng daldal si Clint nang biglang may sumagi sa isip ko.
"Nurse Faye, may nag iwan ba ulit dito ng sulat?"
Napaisip ito saglit at umiling ng mabilis. "Sa pagkakaalala ko, w-wala naman. Bakit?"
"Sigurado ka bang lalaki ito?"
"Oo. S-sigurado ako," may pag-aalinlangan sa kanyang boses. Naramdaman ko ang panginginig sa kamay niya habang nilalapatan ako ng lunas.
"Ahh," muli ay tumugon ako ng isang napakatipid na salita.
"Anong sulat yan, Mia?" pag singit sa usapan ni Clint. I shrugged my shoulders but he didn't stop asking. "Love letters? May nanliligaw ba sa'yo? Hindi mo ba sinabing taken ka na?" walang preno niyang sambit.
"It's not like that."
"Death threats?"
Napaiwas ako nang tingin dahil nahulaan niya ito agad. "None of your business, mister."
Naging madilim ang aura niya sa maiksing panahon. Nagkasalubong ang mata nila ni Nurse Faye at nangusap ang kanilang mga titig. The way they stared at each other's eyes showed that they understand each other just by the look. Namamalikmata yata ako dahil nagliwanag ang mukha niya at umaktong parang bata. "So love letters nga!"
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
AcciónMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...