Kabanata 35

11.5K 251 17
                                    

Chapter 35: Virus

"Let's call it a day. Our relationship's over. Good bye," hinalikan niya ako sa noo. Naiwan akong nakatunganga sa tapat ng Honeybee's habang pinanood siya maglakad palayo.

Napailing ako nang naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Kung paano natapos ang isang fairytale na hindi ko ginusto matapos. Tragic. Maybe I don't have my own happy ending. Maybe this is all karma's revenge to me. Maybe.. maybe fate has turned its back against me.

"Uy girl! Bakit ang kapal ng eyebags mo? Natulog ka ba?" ito ang bungad sa akin ni Yanna pagkapasok ko ng classroom.

"Dalawang oras lang ang tulog ko," ibinaba ko ang bag ko at isinabit ito sa upuan ng nasa harap ko. Naghikab ako at nagstretching. Bangag ako ngayong araw. Hindi kasi ako agad nakaget-over sa pagpunta namin ng amusement park kahapon. Hapon na kami nakauwi pero hanggang madaling araw ay hindi ako nakatulog. Iniisip ko ang lahat ng nangyari. I recalled every single detail of what happened and it never fails to give me goosebumps. Tumataas ang balahibo ko sa buong katawan dahil sa pagtubo ng romantic bone ko. Nagdadalaga na yata ako.

"Saan kayo nagpunta kahapon? Bigla na lang kayo nawala ni Jairus."

"Huh? Pagkalabas kaya namin, kayo ang nawala," wika ko.

Mapanuri niya akong tinignan. Nakahalumbaba siya sa katabi kong upuan dahil wala pa si Grayson. "Ahhh! Nagmamadali sina Ethan kasi may tumawag. Meron daw silang practice ni Jem ng basketball. Hindi siya pwede mawala kasi sya yung captain at varsity naman si Jem. Naisipan na rin naming bumalik ng Mnemonicson. Buti kaka-bell lang kaya late lang kami ng ilang minuto," aniya.

"Bumalik kayo? As in lahat kayo?" I looked at her as if she was the biggest traitor I've met in my sixteen years of existence.

"Oo, kaya late lang kami at hindi absent. Hala! Edi kayo ni Jairus ay considered cutting classes," namilog ng isang malaking 'o' ang bibig ni Yanna. "Lagot kayo, Gab! Detention ang abot nyo!"

"Who cares about detention?"

"Sus, kakainin mo ang sinabi mo kapag naranasan mo na," aniya.

"Eh ikaw ba, naranasan mo na?"

"Hindi. Ayoko pati maranasan noh! Nakakamatay ang detention, literally. I swear!"

Natigil kami sa pag-uusap nang pumasok na ang A5 sa room. May pa-grand entrance pa silang nalalaman. Nangunguna si Jairus, sumunod si Vince tsaka Jeremy at panghuli sina Grayson pati na si Ethan.

"Gab, balik na ako ng upuan ko ah? Good luck sa detention," bulong nito sa tainga ko sabay tapik sa balikat ko. Nilagpasan ako ni Yanna at umupo siya sa likod ko. Pumunta na rin sa sariling pwesto ang A5. Umupo sa kaliwa ko si Grayson at si Jairus sa kanan. Sumisipol si redhead habang nakapamulsa. The jerk looks like he's in a good mood today.

"Good morning," nakangising bati nito sa akin sabay sipol. Pagkarinig ko pa lang ng boses niya, akala ko ay aatakihin na ako sa puso. My heart was overreacting.

"Nothing's good in the morning," seryoso kong wika habang hindi tumitingin sa kanya.

"Ba't napaka seryoso mo?" he playfully asked. Hindi ako sanay na ganito siya umakto. I don't know whether he's just fooling around or if he's gone crazy. Kung wala lang siyang magawa, he should better get lost before I kick his ass. I'm not into games right now. I need to avoid him.

He tapped his fingers simultaneously on his table. It created irritating noises that follows a rhythm. And it's not pleasing to my ears.

"Can you not?" singhal ko sa kanya. Namamawis ang mga kamay ko at hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Why am I acting this way? I hate it. I hate this feeling.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon