Chapter 8: Curiosity kills the Cat
"Suspendido na ang klase, pagkatapos nito ay mabuti pa't umuwi ka na, hija," marahan na pagkakasabi ni Nurse Faye habang nilalapatan ng lunas ang kaliwa kong braso. Seryoso ang ekspresyon niya kumpara sa normal. Her eyes had a little shade of red, as if she cried the whole day. Halatang namumugto ang mga mata niya. Tila may masama yatang nangyari sa kanya, subalit hindi ko mawari at ayoko rin makialam.
Kanina pa ako napapaisip. Malaki ang posibilidad na isa itong murder at sinadyang patayin si Marcus. Wala man akong pruweba ngunit pakiramdam ko ay kaugnay ang kasong ito sa mga gusto pumatay sa akin.
"Oh ayan, tapos na! Buti na lamang at hindi bumukas ang tahi mo. Mababaw lang sugat kaya't isang linggo lang ay gagaling ito agad," she assured me. "Mag-iingat ka, hija. Maraming tao ang mapanganib na nasa paligid lang. Wag ka basta bastang magtitiwala kahit kanino," ngumiti siya at pumunta sa table niya. Bumalik siya ng may dalang isang maliit na nakatuping papel. Kawangis ng papel na ibinigay nito sa akin kahapon.
...Hindi kaya?
"Nagpunta ulit dito ang binata at nagpaiwan sa iyo ng sulat. Ang sabi niya ay may utang ka na kailangan niyang singilin. Kakilala mo ba yun, hija?" nagtataka siya at inabot sa akin ang isa na namang puti't nakatiklop na papel.
***
Ayokong paniwalaan ang mga katagang nakasulat sa papel. Mga salitang labis na hindi ko maintindihan. Bakit ganito ang nakasulat? Sino ang nagpadala ng sulat na ito? Maraming mga katanungan sa isip ko ang naglalaban laban nang mabasa ko ang sulat na ito. Para akong binato ng bata sa ulo dahil pinapasakit ng mga katanungang ito ang ulo ko.
Ang pangalan ni redhead ang unang pumasok sa isip ko nang nabasa ko ang sulat. Anong meron sa kanya? Sya ba talaga ang pumatay sa lalaki at sya rin ba ang papatay sa akin? Impossible. Magkasama kami ng gabing iyon--nung gabing hinahabol kami ng mga gustong pumatay sa akin. Iniligtas niya ako.
Ginusot ko ang papel at nilagay sa bulsa ko. Walang iba ang dapat makakita nito, they might suspect Jairus. Kahit pa nakita ko siyang pababa sa hagdanan papunta rooftop kahapon, noong oras ng krimen, hindi ako naniniwalang magagawa niya yun. Baka nagkataon lang ang lahat. Tama, circumstantial evidence. Hindi dapat gumagawa ng konklusyon basi sa sitwasyon. Kailangan ng pruweba na makakapagpatunay na ginawa niya yun.
Dahil sa labis na lalim ng aking iniisip, hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng classroom at nagkakagulo pa rin ang buong academy sa nangyari. Dumating na ang mga pulis na ngayon ay naglalagay na ng yellow police line. Ang isa mga police ay nagsusulat sa notepad samantalang ang dalawa ay sinusuri ang crime scene. May ilan din ang tumitingin sa katawan ng biktima. Umiiling iling ang mga ito nang makita ang masamang sinapit ng biktima.
"Chief, ang estimated time of death ay bandang 10:43 hanggang 10:45 a.m, sa Building 3. Napagalaman na ang biktima ay si Marcus Mendez. Galing sa pangkat IV-Amber at consistent na achiever, ngunit kamakailan lang ay nawala sa honor roll. Pumanaw na ang kanyang ama at tanging ang kanyang ina at nakatatandang kapatid ang natitirang kapamilya ng biktima." banggit ng pulis na may hawak na notepad. "Na-contact na namin ang mga ka-anak subalit tumanggi silang makita ang biktima," aniya.
"Sa pagkakasuri po, ipinakita na binugbog at sinakal ang biktima bago ito ihulog sa building. His neck shows marks of strangulation. Hindi pa sigurado ang pinakasanhi ng pagkakamatay. Kailangan po nating ipadala sa autopsy ang katawan ng biktima," report naman ng isa.
"Sa palagay ko ay hindi ito simpleng suicide. This is definitely murder. Ituloy niyo ang imbestigasyon sa mga nakasaksi," paguutos ng Chief kuno.
Pumasok ako sa classroom at inayos ang bag ko. Iilan na lang ang natitira kong mga kaklase sa loob ng room. Karamihan ay naguwian na dahil sa pagkatrauma sa nangyari. Pinili magstay ng iba upang makiusyoso sa dahilan ng pagkamatay noong si Marcus. Kung sabagay, namatay siya sa sa building namin at ka-year pa namin siya. Tunay na nakakakilabot ang pangyayari. Hindi namin alam kung nasa loob ba ng eskwelahan ang pumatay o kung may isusunod pa ang killer. Maaring isa ito sa amin.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActieMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...